Sa pagpapaalis niya kay Zhao Feng gamit ang kaniyang mga mata, naligaw si Qiu Mengyu sa sarili niyang isip. Sa panglabas, si Zhao Feng ay mukhang batang labing apat na taong gulang, subalit ang malamig na kalmado at pang-unawa sa kaniyang mga mata ay tila hindi tao. Kahit si Zhao Feng mismo ay hindi napagtanto na ang kaniyang lahi at ang kaniyang pag-uugali ay nagbago dahil sa pagsasalubong ng mata...
_Teng!_
Isang nakadamit pang-iskolar na bata ang lumapag sa tabi ni Qiu Mengyu, ito ay si Qiu Changyi!
"Mengyu, bakit umalis agad ang batang iyon? Pumalpak ba ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City?" Bahagyang nagulat si Qiu Changyi.
"Pumalpak ako...mukhang hindi siya normal na bata." Umiling na lamang si Qiu Mengyu.
Nang biglang may matandang boses na nagsalita, "Huwag kang mag-alala, Mengyu, hindi ko naman inasahan na gagana ito." Isang elder na naka-abong baro ang lumitaw sa likod nilang dalawa.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com