"Sige, tayo ang magiging dalawang punong tagapaghusga sasabihin at papayagan si Zhao Feng para makadalo." Ang pinuno ng sekto na si Zhao Tiancang ay interesadong tumingin kay Zhao Feng.
Sa pagpayag ng pinuno ng sekto at ng dalawang punong tagapaghusga, walang sino man ang umayaw sakanila. Ito ang unang beses na naramdaman ni Zhao Feng na tanggap siya sa isang sekto.
Nanginginig si Zhao Tianjian sa galit. Hindi siya makapaniwalang babalik ng buhay si Zhao Feng, "Pumalpak si Gray Eagle. Sa lakas na mayroon si Gray Eagle, paano siya pumalpak?"
"Zhao Feng!" sabi ng tagapaghusga. "Ipapaliwanag ko na ang mga patakaran sainyo ngayon."
"Sige." Nakinig mabuti si Zhao Feng.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com