Kaharap ang ang panglalait ni Zhao Yijian, ngumiti lamang ng maliit si Zhao Feng. Bagama't si Zhao Yijian ay malakas, mayroon siyang aroganteng pananaw. Nangunguhulugang ito'y walang kwnetang pag-uusap sa kanya. Sa mga gawa mo lamang mapapatunayan ang mga gusto mong sabihin
Bagama't si Zhao Feng ay hindi tumugon, ang kanyang, pananaw ay tila mga karayom sa mga mata ni Zhao Yijian.
Ang mga tao medyo nagulat. Si Zhao Yijian ay masyadong nang arogante, subalit ang katahimikan ni Zhao Feng ay may mas ginawa kumpara sa mga masasabing salita.
"Bata, kung hindi ka magsasalita ngayon, hindi mo na magagawang makapagsalita mamaya," malalim na sinabi ni Zhao Yijian.
Jiang!
Ang kanyang espada ay kumislap sa harap ni Zhao Feng.
Si Zhao Yijian ay nagsimula sa Cold Flowing Sword. Bagama't siya ay sobrang arogante, alam niyang si Zhao Feng ay may lakas ng isang quasi Martial Artist, kaya't kinaikailangan ibigay ang kanyang todo.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com