webnovel

Zhao Yijian

Editor: LiberReverieGroup

"Pagkatapos kong makapasok papuntang ikalawang ranggo ng Martial Path, hindi na ako ang nasa pinakailalim at mayroon na rin akong karapatang sumali sa Family Sparring Contest." Sobrang sabik si Zhao Feng, ngunit kumalma rin siya agad.

Ang Martial Path ay mayroong siyam na ranggo at bawat ranggo ay mas mahirap na makamit kumpara sa nauna, katulad ng isang pyramid.

Alam ng lahat na ang unang tatlong ranggo ay tinatawag na Body Ranks. Ang mga cultivators na nasa stage na ito'y tinatawag din bilang isang Martial Learners!

Ang mga Martial Learner ay gumagamit ng pwersa upang mapalakas ang kanilang mga katawan at magbigay ng malakas na pundasyon para sa mga susunod na realm.

Bagama't ang mga Martial Learner ay mababa bilang sila'y kapapasok pa lamang sa gateway ng Martial Arts, para maabot nila ang tuktok ng ikatlong ranggo, sila'y hindi dapat maliitin. Ang isa ay may hindi bababa sa 400kg ang lakas at ang mga pinanganak na may mas mahusay na talento ay maaring magkaroon ng higit 500kg na lakas! Kaya nilang punitin sa gitna ang mga tigre at pumatay ng mga oso gamit ang kanilang mga kamay.

Kahit kapapasok pa lamang ni Zhao Feng sa ikalawang ranggo, mayroon na siyang 250-300kg na lakas na kung saan ay nasa labas na ng kakayahan ng mga normal na tao. Kung sasamahan pa ito ng malakas na martial skills kahit na ilang dosenang mga normal na tao ay hindi siya kayang pigilan.

Kung magagawa kong marating ang ikatlong ranggo ng Martial Path at magkaroon ng 350-400kg na lakas, ang aking pangkalahatang lakas ay magdodoble, inisip ni Zhao Feng sa kanyang puso.

At syempre, ang bagay na kanyang ninanais ay ang ika-apat na ranggo ng Martial Path.

Ang ika-apat at ika-anim na ranggo ng Martial Path ay kilala bilang Accumulation Ranks. Ang mga estudyante sa level na iyon ay kilala bilang Martial Artists.

Pagkatapos marating ang realm na ito, ang mga Martial Artist ay hindi lang magkakaroon ng malakas na katawan at dugo. Pwede din nilang palakasin kanilang mga mga laman-loob at gamitin ang lakas ng kanilang Inner strength na kayang lagpasan ang mga atakeng puro muscle. Kapag naabot na nila ang pagiging Martial Artist ay aalis na sila sa lupain ng mga makamundong tao at papasok sa mas mataas na lebel.

Dati sa Green Leaf Village, si Zhao Feng ay gustong maging isang totoong Martial Artist at ang pagpasok niya sa Zhao sect ay ginawa itong mas malapit ang kanyang pangarap ng isang hakbang.

*************************

Pagkatapos niyang makapasok sa ikalawang ranggo ng Martial Path, agad itong sinabi ni Zhao Feng sa kanyang mga magulang.

Ikalawang ranggo ng Martial Path?

Ang kanyang tatay na si Zhao Tianyang at ang kanyang nanay na si Zhao Shi ay parehong nasurpresa at naglabas ng maluwag na paghinga.

Dahil sa narating ni Zhao Feng ang ikalawang ranggo sa kanyang edad na walang kahit anumang panlabas na tulong, maituturing na ang kanyang talento ay talagang higit sa karaniwan.

"Ang kailangan mo lang gawin sa susunod na dalawang buwan ay maghanda para sa Family Sparring Contest. Hindi namin kailangan na sobrang pagbutihin mo, 'wag ka lang mapahiya sa harap ng iba." Naglabas ng isang masayang ngiti si Zhao Tianyang.

Ang kanyang nanay na si Zhao Shi ay mayroon ding natutuwang ngiti.

Gayunpaman, hindi lamang limitado rito ang layunin ni Zhao Feng. Gusto niyang maging isang totoong Martial Artist at malamang ay gusto rin nitong abutin ang tuktok ng Martial Arts

Pagkatapos kong makapasok papuntang ikalawang ranggo, ang aking katayuan sa sect ay mas mataas na ngayon at may karapatan narin akong makapasok sa unang palapag ng Martial Arts Library. Ang Martial Arts Library ay naglalaman ng madaming martial arts skills. Habang iniisip ito, agad pumunta si Zhao Feng sa Martial Arts Library

"Brother Feng!"

Sa kalagitnaan, isang nakapangugulat na boses ang pumigil sa kanya.

Isang boses ng isang batang babae na kumportableng pakinggan at may pamilyar na tunog.

Tumigas ang katawan ni Zhao Feng habang isang batang lalake at babae ang lumapit sa kanya mula sa tabi.

Nakasuot ng kulay ubeng damit ang batang lalaki. mayroong siyang makapal na kilay, may diretsong likod at matalas na mga mata. Ang kanyang cultivation ay nasa tuktok ng ikatlong ranggo at ang mga ibang disciples sa paligid niya ay nakakaramdam ng pressure na kanyang nilalabas.

"Siya ang pangatlo sa ranggo ng mga discple ng sect na si Zhao Yijian!" Pasigaw na sinabi ng mga tao sa paligid niya na may mukha ng pag-aalala at takot.

Ang babae na kasama ni Zhao Yijian ay isang batang babae na nakasuot ng puti. Siya ay may maaliwalas at magandang mukha.

"Little Sister Xue" Tumingin at ngumiti si Zhao Feng sa babaeng nakasuot ng puti at di niya namalayan na bumaluktot ang bunganga niya hanggang ito'y naging isang mapanuksong ngiti.

Ang babae sa harap niya ay ang babaeng kasama niyang pumasok sa sect kalahating taon na ang nakakalipas, si Zhao Xue.

Sa Green Leaf Village, isang malaking tagahanga niya si Zhao Xue. Gayunpaman, pagkatapos nilang makapasok sa Zhao sect naging malayo sila sa isa't isa at ngayon ay halos hindi na magkakilala.

Pagkatapos pumasok ni Zhao Xue sa Zhao sect, mabilis siya naging mabuting kaibigan kay Zhao Yijian gamit ang kanyang kagandahan, na pangatlo ang ranggo mula sa mga outer disciples, at pagkatapos noon, sa pamamagitan ng kanyang mga koneksyon ay naabot niya ang second rank ng Martial Path kalahting buwan na ang nakakalipas.

Sa sandaling ito, may sinabi si Zhao Xue kay Zhao Yijian.

"Sige, pero bilisan mo lang." Tinango si Zhao Yijian ang kanyang ulo at tumabi sa gilid, hindi man lang niya sinubukang tumingin kay Zhao Feng.

Naglakad si Zhao Xue patungo kay Zhao Feng at sa isang kumplikadong paraan na may kasamang buntong-hininga ay sinabing "Brother Feng, nakapasok ka na rin papuntang second rank. Gayunpaman, bibigyan ka ni Xu'er ng ilang mga payo, 'wag mong tigasan ang iyong ulo. Pagkatapos mong makapasok sa sect, napagtanto kong masyadong mababa ang pinagmulan natin kumpara sa mga tao dito."

"Ano ang gusto mong sabihin?" Pinutol ni Zhao Feng ang kanyang salita at tumugon na may malamig na mukha.

May kaunting galit ang mukha ni Zhao Xue pero kinagat pa rin niya ang kanyang mga ngipin at sinabing "Brother Feng, bibigyan muli kita ng abiso, pumunta ka kay brother Yijian at ipangako mo ang sarili mo sa kanya. Sa tulong niya, ikaw ay makakasanib sa main Zhao sect, ikaw ay makakaiwas sa mga problema…"

Ipangako? Malamig na tumawa si Zhao Feng. Hindi niya ipapangako ang kanyang sarili sa kahit na sinuman sa kanyang buong buhay.

Si Zhao Yijian ay may malamig na aura at sobrang arogante. Kada oras na nakikita niya si Zhao Feng, ang kanyang ilong ay nasa langit na para bang sobrang taas para pansinin si Zhao Feng.

Noong nakita niya ang ekspresyon ni Zhao Feng, alam agad ni Zhao Xue ang kanyang sagot. Lumaki sila nang magkasama, kaya naiintindihan niya si Zhao Feng nang mabuti.

Naglakad si Zhao Xue pabalik sa tabi ni Zhao Yijian at may pabulong na sinabi.

"Hmph! Hindi alam ng walang kwentang basura na ito ang makakabuti sa kanya," Malamig na sinabi ni Zhao Yijian.

"Walang kwentang basura?" Kinunot ni Zhao Feng ang kanyang kilay.

Dahil siguro nakita niyang ayaw ni Zhao Feng, huminto si Zhao Yijian at malamig na sinabi, "Narinig kong ikaw ang henyo ng Green Leaf Village? Gayunpaman, sa Zhao sect, isa ka lang maliit na insekto! Magkikita tayo sa Family Sparring Contest at tatalunin kita sa isang galaw lang."

"Tulad ng sasabihin ko, magkikita tayo sa contest," Mapait na sagot ni Zhao Feng at tumalikod papunta sa Martial Arts Library.

Ayaw na niyang makipag-usap pa. Nakatakdang maglaban sila pagkatapos ng dalawang buwan at ang mas malakas ang mananalo.

Habang napadaan ang titig ni Zhao Xue kay Zhao Feng, kumislap ito nang mahina. Sa puntong 'to, siya ay nakaramdan ng kakaibang pakiramdam mula kay Zhao Feng, pakiramdam na hindi niya maintindihan.

"Siguradong napakagalling ang tingin niya sa kanyang sarili," suminga si Zhao Yijian. Hindi man lang niya naisip si Zhao Feng bilang isang seryosong kalaban!

Kabilang sa mga outer disciples, ang mga nakapasok na sa ikatlong ranggo ng Martial Path ay hindi pa lumalagpas sa animnapung tao, at para maging pangatlo sa lahat ng ito, makikita na may nakahanda siyang mahuhusay na skills.

Nagbigay ng buntong hininga si Zhao Xue sa kanyang puso, naghahanap lang ng gulo si Zhao Feng para sa kanyang sarili.

Naiintindihan ni Zhao Xue ang kalakasan ni Zhao Yijian nang mabuti. Ilan sa mga nasa third rank ay hindi kayang sanggain ang isa sa kanyang mga galaw.

************************* 

Pagkatapos ng ilang sandali, nakarating si Zhao Feng sa isa sa mga pinaka importanteng lugar ng sect, ang Martial Arts Library. Kaya't may mga elders na nagbabantay dito.

"Branch disciple?" Ang nakaputing elder sa loob ng Martial Arts Library ay tinignan ang identity plate ni Zhao Feng at kinunot ang kanyang mga kilay.

"Great elder" May magalang na mukha si Zhao Feng, alam niya ang lakas ng elder na ito.

Mula sa kanyang kaliwang mata, nakaramdan siya ng misteryosong puwersa na nagmumula sa elder. Isang layer ng pulang aura sa pagitan ng kanyang dugo at balat, pero tuloy-tuloy na gumagalaw sa kanyang mga ugat at maaring sumabog anumang oras. Kaya rin nitong umatake sa hangin at pumulbos ng bakal.

Alam na ni Zhao Feng na ang nakaputing elder ay nakapagcultivate na ng kanyang inner strength, ang kanyang chi, papunta sa mataas na antas, at kayang wasakin ang ilang daang mga Feng sa isang saglit. Ang mga nasa ika-apat na ranggo lamang ng Martial Path o mas mataas ang pwedeng magkaroon ng chi!

Sila Zhao Xue at Zhao Kun ay mga Martial Learners na walang chi!

Yumuko si Zhao Feng at sinabing, "Elder, gusto kong pumunta sa ikalawang palapag ng library."

"Ang pagkamit ng ikalawang ranggo sa labing-apat na taong gulang ay pangkaraniwan. Gayunpaman, bago ka maging isang inner disciple, kailangan kong sabihin na ang mga branch disciples at main discples ay may magkaibang pagtrato sa library," sabi ng nakaputing elder.

Nang marinig ito ni Zhao Feng, huminto siya ng ilang saglit, pero naisip niya ang tungkol sa mga bagong patakaran ng sect at kaagad niya itong naintindihan. "Elder, ituloy niyo po."

Alam ni Zhao Feng na bago siya magkaroon ng lubos na kapangyarihan, wala siyang karapatang makipagdiskusyon sa patakaran.

Sinabi ng nakaputing elder habang walang eskpresyon ang kanyang mukha, "Ang mga nasa second rank lang ng Martial Path ang maaring pumasok sa unang palapag ng library. Ang first floor ng library ay may madaming low ranked martial arts at iilang mga middle ranked. Ang mga main sect disciples ay maaring pumili ng dalawang middle ranked martial arts o apat na low ranked martial arts sa pinaka madami at ang limitasyon ng pag hiram nito ay dalawang buwan. Ang mga side branch disciples ay maari lang pumili ng isang middle ranked martial art o dalawang low ranked martial arts at ang limitasyon ay isang buwan."

Pagkatapos niyang makinig sa mga patakaran, huminga nang malalim si Zhao Feng at sinabing, "Naiintidihan po ng junior na ito."

Ang mga branch disciples ay mayroon lamang kalahating kalidad at oras ng mga main branch disciples.

"Sige! Pwede ka nang pumasok, pero kalahating oras lang ang iyong time limit.

Sa ilalim ng gabay ng nakaputing elder, mabagal na humakbang si Zhao Feng papasok ng Martial Arts Library, isang lugar na pangarap niyang puntahan…

Bab berikutnya