webnovel

Swing Inn

Editor: LiberReverieGroup

"Sir Robin?" Bahagyang naguluhan si Marvin.

Pero mabilis naman siyang nakabawi, naalala na niyang ang kanyang Disguise ay kilala na sa dakong kanluran.

Ang Dragon Slayer na si Robin!

Matagal na rin noong kumalat ang pangalang ito sa Pambo Seashore. Sa pagsikat nina Marvin at Jessica, muling natuon ang atensyon ng maraming tao sa Hope City at Rocky Mountain.

Kahit na umalis na si Marvin sa Hope City pagkatapos niyang patayin si Clarke, maraming tao ang nagpakalat ng mga kwento at ng paglalarawan ng kanyang itsura.

'Ayoko pa naman sanang mapansin…'

Pilit na ngumiti si Marvin. 

Noong umalis siya sa cabin ng mga Wood Elf, kusa lang siyang gumamit ng Disguise. Kaya naman hindi niya na napansin na ang itsura pal ani Robin ang gamit niya.

Kaya pala pinagtitinginan siya ng mga tao noong pumila siya… nakikilala siya ng mga ito.

Hindi na ito pinansin ni Marvin. Oras na para gamitin ang galing niya sa pag-arte.

Isang gulat na reaksyon ang makikita sa kanyang mukha. "Robin? Sinong Robin?"

"Ako si Kerry."

"Baka nagkakamali kayo ng inaakala."

Pagkatapos niyang sabihin ito, ipinaling niya ang kanyan ulo at inikot ang katawa, tahimik at palihim niyang inayos ang kanyang Disguise.

Ang maliit na pagbabago ay mabilis na nangyari. Halos hindi binago ni Marvin ang kanyang itsura, 70% nito ay pareho pa rin kay Robin.

At tulad ng inaasahan, natuliro ang barbarian at muli siyang pinagmasdan bago tuluyang tumawa. "Pasensya na, mali pala ako."

Tumawa at huminahon naman ang mga tao sa gilid.

Oo nga naman!

Paanong magkakaroon ng pakialam ang isang Legend powerhouse na gay ani Robin sa isang maliit na grupo gaya ng Wolf Spider mercenary?

Magkamukha lang sila.

Hindi naman nagalit ang Barbarian noong inamin niyang nagkamali siya. Tiningnan niya ang baywang ni Marvin pababa.

Sa mga balita, spear ang gamit ni Robin, at ang isa pa niyang sandata ay baril ng mga Sha.

Pero ang "Kerry" na ito ay malinaw na isang pares ng curved dagger ang gamit, at mukha siyang isang Ranger. Magkaiba ang sandatang gamit nila kaya siguradong hindi si Robin ito.

Habang iniisip ito, bahagya siyang nahiya sa kanyang pagkakamali.

Natawa naman si Marvin sa kanyang loob-loob. Hindi rin maganda minsan na kilala ka ng mga tao. Mabuti na lang at mayroon siyang Disguise na skill, kung hindi, mapupunta sa kanya ang atensyon sa lahat ng lugar na pupuntahan niya.

Maging si Marvin man o si Robin, parehong sikat ang dalawang pagkakakilanlan niyang ito. Oras na para gumawa ng panibago.

At dahil nakumpirma na nilang hind inga ito si Robin, kailangan niya pa ring dumaan sa pagsubok.

"Mister Kerry, kung gusto mong lumahok sa ekspedisyon bukas, kailangan mong matapatan ang hindi bababa sa sampung atake ko."

Kampante ang Barbarian habang malumanay niya itong pinaalalahanan, "Kung hindi sapat ang lakas mo, baka hindi mo kayanin ang mga atake ko."

Kung isang di kilalang tao ang nagsabi nito, siguradong maiinis ang mga taong kapag narinig nila ito.

Pero napanuod ng lahat ang mga naunang pagsubok. Ni wala sa kalingkingan ng Barbarian ang mga adventurer. Natural na malakas ang taong ito, kaya hindi kayabangan ang pagsasabi niya nito, bagkus isang pagmamagandang loob.

"May dahilan kung bakit si Bull ay isa sa mga Vice Leader ng Wolf Spiders."

"Oo nga, kahit na 3rd rank lang siya, maraming 4th rank expert ang hindi siya kayang tapatan."

"Hindi niya pa ginagamit ang [Ancestor Blessing] o [Berserk Bloodline] sa pagsubok na ito. Sinasabi ng mga tao na siya ang may pinakamalaking tyansa na makapag-advance sa Legend sa buong Runis City."

"Kung hindi naman pala si Sir Robin itong Kerry na 'to, baka hindi niya kayanin si Bull. Tinginan mo naman ang mga braso at binti niya, at ang mga dagger na iyon na mukhang dahon ng puno. Siguradong hindi niya malalabanan si Bull!"

Nagpatuloy ang pagsubok at hindi mapigilang pag-usapan ito ng mga tao.

Marami na ang pumalya sa pagsubok na ito. Kinalaban nila si Bull kaya alam nila kung gaano kalakas ito.

Malakas ang katawan ng mga Barbarian. Sa kabuoan, pumapangalawa lang ang kanilang katawan sa mga Dark Elf ng Underdark. Pero, karamihan ng mga Barbarian ay sinasamba ang kanilang mga ninuno. Dahil sa pagsamba nila sa mga ito, nakakakuha sila ng lakas mula sa espiritu ng mga ninuno nila. Kasabay nito, maaari ring magkaroon ng Berserk Bloodline ang mga Barbarian. Kapag taglay niya ito pareho, ang isang malakas na 3rd rank Barbarian ay kapantay lang ng isang ordinaryong 4th rank.

Noong inabot ni Marvin ang daan papasok, bahagyang tumango si Marvin.

Nagsimula na ang kanilang laban!

Malakas na sumigaw ang Barbarian at dinambahan nito si Marvin. Itinaas nito ang malaking axe nito at nag-iwan ng malaking marka ang kanyang presensya!

Pero hindi napigilang mapasigaw sa gulat ng mga tao!

Sa isang iglap, maliksing naiwasan ni Marvin ang axe nito.

Hindi man lang siya nagalusan.

Sa harap ng gulat na Barbarian, marahan na dumikit ang dagger ni Marvin sa leeg nito.

"Pasado na ba?" malumanay niyang tanong.

Natahimik ang lugar.

Halos hindi makasunod ang mga tao dahil sa maliksi at mabilis na reaksyon niyang ipinamalas!

Tatlong beses na kumurap ang Barbarian bago ito nakapagsalita.

"Pasado, oo naman pasado ka na…" Napalinok ito at makikita ang takot sa kanyang mga mata!

Ngumiti si Marvin at tinanggal ang kanyang dagger sa leeg ng Barbarian.

Isa siyang level 18 Ranger! Paano niya hindi kakayanin ang isang level 15 Barbarian?

Hindi na kinailangan gumamit ni Marvin ng kanyang mga alas at tanging pisikal na kakayahan lang ang ginamit niya para matalo ang Barbarian.

Ito ang nakakatakot na kapangyarihan ng Godly Dexterity!

Nang matauhan na ang mga manonood, tapos na ang usapan sa pagitan ni Marvin at ng Barbarian.

Kailangan niyang magpunta sa tinakdang lokasyon bukas ng gabi.

Magsisimula ang eksplorasyon bukas nang gabi. Ito ang nais na mangyari ni Marvin.

Pagkatapos matanggap ni Marvin, agad na pumuslit si Marvin sa mga tao at nawala.

Sinundan siya ng tingin ng Barbarian at tahimik na nagpunas ito ng kanyang pawis.

Noong oras na iyon, inakala niyang papatayin talaga siya ni Marvin.

Kung ginawa nga ni Marvin ito, marahil patay na siya ngayon.

'Ang lalaking iyon… Nakakatakot.'

Nanlamig ang Barbarian. Kahti na hindi si Sir Robin ang lalaking ito, isa pa rin itong napakalakas na tao.

Habang nag-iisip siya, nasurpresa siya na may tumapik sa kanyang balikat.

Tumalikod ang Barbarian at nagulat.

Isa itong lalaking balot ng balabal, kaaya-aya ang boses nito. "Gusto ko rin sumama sa eksplorasyon bukas, pwede ba akong sumubok?"

Tumango ang Barbarian.

"Anong pangalan mo?"

Ang nakabalabal na lalaki ay tiningnan si Marvin na biglang Nawala sa gitna ng mga tao saka ito nagsalita, "Ako si Gwyn."

Hindi alam ni Marvin kung ano ang nangyari sa patyo ng Wolf Spider noong umalis siya.

Nag-ikot siya sa siyudad nang kaunti hanggang sa pumili na siya ng isang inn kung saan siya magpapahinga.

[Swing Inn. Kakaibang pangalan.

Nilampasan ni Marvin ang mahalaman na daan papasok at nakita ni Marvin na ang lahat ng upuan sa lugar na iyon ay pinalitan ng makakapal at matitigas na duyan.

Mukhang katamtaman lang ang kinikita ng inn na ito, at kakaunti lang ang tao sa loob.

Ang may-ari ng inn ay isang babaeng nasa katamtamang gulang. Tila matanda na ang mga mata nito. Tila may isang magandang mukhang nakakubli sa likod ng mga kulubot sa mukha nito, tanda ng mga taon na lumipas.

Tumingin si Marvin sa paligid at nanlaki ang kanyang mata sa gulat.

'Siya?!'

Bab berikutnya