webnovel

Venting

Editor: LiberReverieGroup

Unti-unti nang kumakalma ang alon sa karagatan.

Iniba na ng Helmsman ang direksyon ng barko, tinutunton na nila ang kalaliman ng karagatan imbis na sa lupa, dahil may sinusundang eksaktong ruta ang agos ng tubig dito. Magtutungo muna ito pa-silangan bago kumurba patungong hilagang kanluran.

Pero dahil rin dito, nakasalubong ng Sword Harbor 1 ang mga pirata una nitong paglalayag.

Sa kalayuan pa pa-timog, walang tyansang mabuhay ang mga pirata dahil sa mahigpit na pamamahala ng South Wizard Alliance.

Kapag nahuli ang mga pirata doon, isa lang ang kahahantungan nila, kamatayan.

Hindi ito katulad ng Medieval Europe sa mundo ni Marvin. Ito ang Wizard Era. Kaya nga tapatan ng South Wizard Alliance ang isang Ancient Red Dragon, paano pa kaya kung mga pirata lang.

Kaya naman, karamihan ng mga pirata ay hindi nangangahas na galawin ang mga barko ng Alliance. Kadalasan silang kumikilos sa gitna ng dagat o nagnanakaw sa mga maliliit na isla.

Mabagsik ang mga pirata mula sa Norte. Walang alyansa sa pagitan ng mga siyudad at estado, kaya naman, kalat-kalat ang kapangyarihan at hindi madaling pagsamahin para kalabanin ang mga pirata.

Pagkatapos ng pinagdaanang pagbabago ng Sword Harbor 1, mas bumilis na ito, pero dahil puno ito ng mga kalakal, mas bumagal ito kumpara sa barko ng mga pirata.

Kaya naman, kahit binago ng helmsman ang kanilang direksyon, sinundan pa rin sila ng mga pirata, hindi sila hahayaang makatakas ng mga ito.

Habang nakatayo sa dulo ng barko, nakikita ni Marvin na mayroong pitong barko sa Black Sails Fleet. Ang tatlo sa mga ito ay tila puno ng mga kalakal at napag-iiwanan ng apat pang barko.

Sa tantya niya, sa bilis ng takbo nila at sa distansya nila, maabutan na sila ng apat na barkong ito bago lumubog ang araw.

At kung wala namang maging problema sa kanilang daan, makakarating ang Sword Harbor 1 sa Bass Harbor bukas nang gabi.

Sa madaling salita, malapit na sila sa baybayin.

Mapangahas ang mga piratang ito dahil nagawa nilang pagnakawan ang mga merchant ship sa baybayin.

"Malamang dahil ngayon lang nilang nakita ang banderang ginamit natin," hinuha ni Roberts. "Nakadepende sa sitwasyon ang pagkilos ng mga pirata. Kung gagamitin natin ang bandera ng Alliance, hindi sila mangangahas na galawin tayo. Lalo pa at may mga kargada silang dala."

Sumimangot si Anna. "Pagnagpunta ako sa Bass Harbor, bukod sap ag-ulat ng shipping route, kukuha na rin ako ng bandera ng Alliance.

"Hindi na kailangan, gagamitin natin ang bandera natin." Ngumiti si Marvin. "Grupo lang naman yan ng mga pirata. Basta turuan natin sila ng leksyon, hindi na sila uulit."

"Ganoon ang gusto kong mangyari. Para sa hinaharap, sa tuwing makikita nila ang bandera ng White River Valley, aatras sila agad-agad!"

Nagulat ang lahat.

Nararamdaman nila ang bagsik sa pananalita ni Marvin.

Kahit na inutusan niya ang lahat na maghanda para sa laban, hindi niya pa sinasabi sa mga ito kung ano ang kanyang pinaplano!

Sa mga nakakakilala kay Marvin, sa itsura pa lang nito, mukhang naghahanap talaga ito ng kaaway!

Kahit pa hindi nila alam kung anong balak ni Lord Marvin, alam naman nila kung ano ang kayang gawin nito.

Nagmarka na ito sa isipan ng mga sailor dahil sa gabing iyon.

Walang sigurong sino man ang nasa barko ng mga pirata ang kayang tumapat kay Marvin.

Habang iniisip ito, hindi nila maiwasang maawa sa mga pirata!

Unti-unti nang lumubog ang araw. Abat na makalumang barko ang hinihigpitan na ang kanilang layag habang papalapit ang mga ito sa Sword Harbor 1.

Pero nagulat ang mga pirata nang makitang dalawang tao lang ang nasa likuran ng Sword Harbor 1!

Ang ibang mga sailor ay nasa kanya-kanya pa rin posisyon, at kahit na may mga sandata ang mga ito, mukhang hindi nag-aalala ang mga ito.

"Boss, parang may mali. Bakit parang hindi sila natatakot kahit ganito na tayo kalapit?"

Isang payat at mala-unggoy na lalaking ang nagsalita, "Mukhang bago ang barkong 'to. Hindi siguro ito barko ng katimugan. Pero mukhang papunta silang Bass Harbor."

Inilabas ng Pirate Captain ang kanyang telescope at sumimangot.

Kakaiba nga talaga ang eksena.

Mangmang ba ang Captain ng barkong ito? O sa tingin ba nila hindi sila gagalawin ng mga ito?

Habang iniisip ito, hindi na ito nag-alinlangan at ginamit ang isang malaking tambuli.

May enchantment ang tambuli na ito na nagpapalakas ng tunog nito.

"Barkong nasa harapan naming, making kayo!"

"Kami ang Black Sails Fleet ng Boulder Island. Ihinto niyo ang inyong barko!"

Umalingawngaw ang boses nito at umabot sa Sword Harbor 1. Kakaiba ang reaksyon ng mga taong nakasakay dito.

Iilan lang ang mga sailor na kabadong hinahawakan ang kanilang mga sandata.

Hindi pa rin nila alam kung ano ang binabalak ni Marvin.

"Itigil ang barko? Bakit naman naming gagawin 'yon?" Sinagot ni Marvin ang barko.

Bahagyang naguluhan ang Pirate Captain, pero bigla itong tumawa. "Gusto naming kayong pagnakawan!"

Bahagyang tumango si Marvin, itinaas ang kanyang kamay at ipinahinto kay Roberts ang barko.

Kahit na mayroong mga sailor na umalma, masyadong mataas ang prestige ni Marvin at walang nagawa si Robert kundi sumunod.

Nakita ng apat na barko na tumigil ang Sword Harbor 1 at natigilan sila dahil sa gulat!

Ngayon lang sila nakakita ng masunuring barko na tumigil kahit na alam nitong pagnanakawan sila.

"Boss!"

"Mayadong kakaiba!" sabi ng mala-unggoy na lalaki. "May mali sa barkong ito. Kailangan natin mag-ingat…."

"May problema?" Panunuya ng Captain. "Napakarami natin, kahit na may expert silang kasama, hindi pa rin nila kakayanin ang dami natin."

"Baka alam nilang hindi sila makakatakas nang hindi tayo kinakausap. Mabuti na rin iyon. Kung mag-iiwan sila ng ilang kalakal, baka hayaan ko rin na maka-alis sila nang buhay."

Pero noong mga oras na iyon, biglang kumilos ang dalawang taong nakatayo sa likod ng barko.

Habang papalapit ang apat na barko, tumaas ang dagat at biglang lumutaw ang malalaking alon!

Umapak si Marvin sa mga alon, walang katapat ang bilis niya!

Ito ang kakayahang mag manipula ng tubig ng Crown ng Sea Emperor. Noong umapak siya sa tubig, kumisap ang kanyang katawan at nagpamalas ng Godly Dexterity!

Nabigla ang mga pirata sa apat na barko!

Matagal na silang naglalayag sa karagatan pero ngayon lang sila nakakita ng ganito.

Sa isang iglap, nakarating si Marvin sa pinakamabilis na barko ng pirata!

Mag-isa lang siyang nakatayo doon, pero tila isang buong hukbo ang naroon.

"Ano—anong, Ginagawa mo?" Nauutal na sabi ng piratang nagbabantay habang umaatras ito.

Kinapitan ni Marvin ang isang lubid at tiningnan ang papalubog na araw. Mahinahon niyang sinabi: "Papatay."

Nang mawala na ang huling sinag ng liwanag, hudyat na ito ng pagsisimula ng patayan.

Sa unang barko, mag-isa si Marvin, lumilitaw at nawawala habang hawak ang kanyang mga dagger at isa-isang pinapatay ang mga pirata.

Kumikisap-kisap siya sa dilim ng gabi. Ang ilan sa pinakamalalakas sa narkong iyon ay mga 3rd rank Fighter lang, pero kahit na mayroon silang 4th rank powerhouse, mamamatay pa rin sila sa mga kamay ni Marvin.

Patay! Patay! Pumatay nang pumatay!

Tunay na naglalabas ng saloobin si Marvin!

Ang Black Sails Fleet na ito. Sa tingin ng iba ay isa lang itong pangkaraniwang organisasyon, pero alam ni Marvin na ang pinuno ng Black Sails Fleet ay si Pirate King Pietrus.

Ang ang Pirate King Pietrus ay isang inkarnasyon ng isa pang tao!

'Ang Dark Phoenix!' Makikita ang bagsik sa mga mata ni Marvin!

Mabuti sana kung hindi nagtagpo ang kanilang landas, pero ngayong nasa harap na sila ni Marvin, hindi na niya ito pakakawalan.

Hindi niya pa malalabanan ang Dark Phoenix kaya waa siyang magagawa kundi ilabas muna ang kanyang galit sa mga tauhan nito!

"Woosh!"

May liwanag na kumislap kasabay ng pagkahulog ng ulo ng Captain.

Maririnig ang mga atungal sa barko!

Nabalot ang kadiliman ng mapulang dugo.

Pero maituturing pang maswerte ang mga tao sa barkong ito, dahil isang mas nakakatakot na kalaban ang napunta sa isa pang barko.

Isang aso. 

Bab berikutnya