webnovel

Competing!

Editor: LiberReverieGroup

Sa tulong ni Hanzer, naghanap na ng mauupuan si Wayne.

Nanghihina pa ang kanyang katawan, at mabilis lang siyang magkasakit.

Pero buhay na buhay siya dahil nandito na ang kanyang nakatatandang kapatid.

Kahit na ang dating Marvin na masyadong mabait at mahiyain, sa mga mata ni Wayne, siya pa rin ang malakas niyang kuya.

Maalaga sa isa't isa ang magkapatid.

Ayon sa batas ng Wizard Alliance, pansamantalang overlord lang si Marvin.

Paglaki ni Wayne, siya na ang magiging tunay na overlord ng White River Valley.

Dahil isa siyang wizard. Kaya kahit na siya ang nakakabatang kapatid sa dalawa, mas malaki ang karapatan niya sa kanilang mamanahing teritoryo dahil siya ang wizard sa kanilang magkapatid.

Kitang malaking suliranin ito sa magkapatid. Pero wala namang silang pakielam dito.

Mas mahalaga sa kanila ang isa't isa.

Ito ang tunay na kapatiran.

Matapos ibaba ng arbiter ang kanilang desisyon, agad na umalis ito.

Pamamahalaan na ito ng hukuman ng Ashes Tower.

Buhay na buhay ang mga nanunuod.

Nagpunta talaga sila rito para sa arbitration pero hindi nila inakalang makakapanuod rin sila ng isang paglilitis.

Mukang mahihirapang makalusot sa sitwasyong ito si Baron Marvin.

Mahigpit ang batas ng South Wizard Alliance. Ibang-iba ang paglilitis sa arbitration. Wala pang karapatan si Marvin na ipagtanggol ang kanyang sarili.

Ang judge ang magdedesisyon ng lahat.

Mayroon tatlong judge ang Ashes Tower. Pero dalawa sa mga ito ang abala kung kaya hindi makakadalo ang mga ito.

Ang pupunta ngayon ay isang matandang lalaking may kulay abong balbas.

Isa siyang 1st rank wizard na limitado ang kakayahan. Marahil wala na itong pag-asa pang umusad.

Pero sa tulong ng mga makapangyarihang kapamilya o clan, sapat na ang makakuha ng isang magandang posisyon dito.

Tulad na lang ng pagiging judge.

Nagpanggap ang judge na binabasa niya ang buod ng nangyari.

At nagkunwaring nag-iisip ng matagal.

Matyagang hinintay ng lahat ang kanyang magiging hatol.

Ngumisi si Marvin habang pinapanod ang pagpapanggap ng matandang lalaki.

'Desidido na siya sa kung ano ang hatol una palang, hindi ba?'

'Imposible namang ipabitay ako. Masyado naman ata 'yon. Siguro iapakukulong ako? Pero sa lakas ng implwensya ng pamilya nila, madali lang ring ipapatay ako diba?

'Hindi magaling umarte ang matanda 'to, baliktad ang mga papel na pakunwaring binabasa niya… Masyado ring halata ang mga reaksyon ng mukha niya.'

Habang kinukutya pa ni Marvin ang matanda sa kanyang isipan, bigla itong nagsalita ng napakalakas.

"Ehem ehem. Ihahayag ko na ang hatol ko sa kasong ito."

"Sa kasamaang palad, dahil abala ang dalawa pang judge, ako lang ang magiging judge ng paglilitis na ito."

"Tahasang gumawa ng gulo si Baron Marvin sa Ashes Tower. Isa itong matinding paglabag sa batas ng South Wizard Alliance na patungkol sa wizard protection."

"Ang aking hatol: Tatlong taon sa bilangguan."

Muling nagkagulo ang mga manunuod sa hatol ng judge.

Ilang noble na ipinaglalaban ang katarungan ay sumigaw ng, "Tatlong taon? Bakit? Siya na nga ang siniraan at pinagbintangan. Dapat siyang palayain."

"Walang hiya!"

"Napakawalang hiya talaga ng miyembro ng Unicorn family na 'yo, ano?"

Kinutya rin ng ilang miyembro ng ilang kilalang pamilya ng mga wizard ang naging hatol.

Hindi dahil sa nakikisimpatya sila kay Marvin, kundi, sinasamantala lang nila ang pagkakataong makapagsalita laban sa kanilang mga kalaban.

Ikinalungkot naman ng mga pangkaraniwang noble ang nangyari.

Paano na lang kung mangyari rin sa kanila ang nangyari kay Marvin balang araw?

Kung mayroon nanira sa iyo, at sinabing nagpapanggap kang isang noble, may magagawa pa kaya sila?

Nagmamay-ari siya ng Ninth Mont Medal! Pero hindi pa rin siya naisalba nito?

Pero kahit ano pang galit ng lahat, naibaba na ang hatol.

Makukulong ng tatlong taon si Marvin.

Biglang tumayo si Wayne mula sa isang sulok.

Kahit na bata pa siya, alam na rin niya ang taktika ng mga Unicorn. Siguradong manganganib ang buhay ni Marvin kapag nakulong ito.

Hindi mapapatawad ng mga ito ang kaniyang kapatid ng ganun-ganun na lang.

"Wag kang mag-alala." Hinila pabalik ni Hanzer si Wayne sa kanyang upuan. " Napansin kong walang bahid ng pag-aalala sa mukha ni Marvin."

"Mukhang kalmadong-kalmado siya."

"Ano kayang binabalak niya?"

Nagulat si Wayne; Tama si Hanzer. Nanatili ngang mahinahon ang kanyang kapatid.

Para bang walang pakielam kahit na makulong siya!

Bakit kaya?

Bahagyang ngumiti si Marvin nang marinig ang hatol.

'Sabi na eh.'

'Ang Unicorn family? Tunay ngang masasama at walang puso. Pilit nila kaming iniipit.'

'Hindi ka pa tatayo?'

Tahimik niyang tiningnan ang batang babaeng nakaupo pa rin.

Napakahinahon din ng batang babae.

Parang wala siyang kahit anong uri ng emosyon.

Pero dama pa rin ni Marvin ang galit nito.

'Mukhang maswerte talaga ako.'

'Kung hindi ko siya nakita, wala na akong pag-asa,' isip ni Marvin.

Sa pagkakatong ito, sinabi ng judge na, "Naibaba ko na ang aking hatol. Pakihuli na si Marvin at ikulong…"

Hindi niya natapos ang kanyang sinabi!

Isang boses ng bata ang narinig. "Walang bisa ang hatol na 'to."

Kahit na malumanay ang boses, umalingawngaw pa rin ito sa isipan ng lahat.

Nagulat ang judge.

Tiningnan niya ang batang babaeng nakaupo sa witness stand at bahagyang ngumiti. "Ineng, hindi ikaw ang magdedesisyon dito."

Bilang Master ng Ashes Tower, kakaunti lang ang nakaka-alam ng tatlong anyo ni Hathaway. At matagal na panahon na mula noong huling beses na nagpakita ito sa madla.

Sinabi ng mga tao na nagpakalayo-layo ito para abutin ang legendary threshold.

Sino ba namang mag-aakalang ang batang babaeng ito ang isa sa tatlong master ng Three Ring Towers!

Tumingala ang batang babae at tinitigan ang matandang lalaki.

Ang sabi ko, walang bisa ang hatol na 'to."

Sa pagkakataong ito, bahgyang lumalim at lumakas ang kanyang boses!

Pinagtinginan siya ng lahat!

Anong nangyayari sa batang ito? Nababaliw na ba siya? Isang testigong inuutusan ang isang judge?

"Saan ba nanggaling ang batang ito? Nakakatuwa naman siya.."

"Mukhang testigo lang siya. Siguro hindi niya nagustuhan ang hatol. Masyado pa siyang bata."

"Pero mukhang matalino siya. Hindi ko lang alam kung kaninong pamilya siya galing pero mukhang pumunta rin siya rito para pumasok."

Nag-uusap ang lahat.

Pero may mangilan-ngilang taong nagulat.

Naawa na agad ang mga ito sa judge.

Kasama na dito si Marvin.

Mahinahon pa rin siya, pero natatawa na ito sa kanyang isip.

'Sinabihan talaga ng tangang 'to ang Master ng Ashes Tower na hindi siya pwedeng magdesisyon sa kanyang sariling teritoryo?'

Ikagagalit kaya ito ni Hathaway?

Kung nung una'y katuwaan lang ang pagpapakita niya dito, ginalit na ng tagasunod ng Unicorn family na 'to ang half-legend.

"Wag ka nang gumawa ng gulo!"

Hindi pa rin naiintindihan ng matanda ang nangyayari. Bigla niyang sinabing, "Mga kawal, ilayo niyo ang batang 'to sa harapan ko."

Pero walang nakinig sa kanya.

Biglang nakatanggap ng utos ang mga kawal mula sa Master ng Ashes Tower.

Nagulat silang lahat. Matagal na panahon na mula noong binigyan sila ng utos ni Dame Hathaway.

Labis nila itong ikinagulat.

Hindi sila nangahas na gumalaw!

"Mga kawal?!" Galit na hiyaw ng matanda, "Kawal!"

Nagkatinginan ang mga manunuod, lahat sila'y hindi rin maintindihan ang nangyayari.

Halos humagalpak na si Marvin pero nagawa naman niya itong pigilan.

Biglang lumutang ang katawan ng batang babae, at namula ang mga mata.

"Tagasunod ka ng Unicorn Family? Baboy ka ba?"

Isang malakas na tunog ang umalingangaw nang matapos itong magsalita. Naging isang baboy ang judge!

Nagpaikot-ikot lang ito sa mataas na platform, takot at nahihiya.

Nagtawanan ang lahat.

'Instant Shapeshift!'

Tiningnan ni Marvin dahil pamilyar siya sa spell na ginamit ni Hathaway.

"Manahimik ka," sabi ng batang babae.

"Tagasunod ng Unicorn, sino ka para pagsabihan ako!"

"Sa susunod lahat kayo gagawin kong mga baboy!"

"Nasa Three Ring Towers kayo at wala sa inyong Crystal Palace!"

Matapos sabihin ito'y, biglang nagbago ang kanyang anyo. Naging isang babaeng dilaw ang buhok na nasa bente anyos ang gulang!

"Dame Hathaway!"

Gulat na gulat ang lahat. Isa-isang nagluhuran ang mga wizard ng Ashes Tower.

Nabigla rin si Hanzer. Hinila niya si Wayne at pinasaludo.

Si Marvin lang ang nanatiling nakatayo sa loob ng Arbitration Hall.

"Inosente si Baron Marvin."

Sabi ni Hathaway.

Binuksan niya ang pinto at umalis.

Naiwang gulat at hindi makapaniwala ang lahat ng tao sa Arbitration Hall.

"Hindi ko inaakalang si Dame Hathaway pala ang testigo!"

Sa kwarto ni Wayne, tinitigan ni Hanzer si Marvin. "May alam ka siguro, ano?"

Nag-inat lang si Marvin at sinabing, "Maswerte lang talaga ako."

Kita sa mukha ni Hanzer na hindi ito naniniwala kay Marvin.

Iniba ni Marvin ang usapan. "Kahit na mabilis na nakakabawi ang katawan ni Wayne, hindi ba malapit nang magsimula ang kompetisyon?"

"Wala tayong magagawa. Mukhang kailangan na nating sumuko," ika ni Hanzer na bakas sa mukha ang pagsisisi at pagkadismaya.

Magsisimula na sa loob ng tatlong araw ang kompetisyon. Sa mga oras na 'yon, siguro kakayanin niyang gumamit ng ilang magic trick. Pero malabong makagamit siya ng mga 1st circle spell.

Hindi niya hahayaang ipagsapalaran ng kanyang estudyante ang buhay nito.

Tiningnan ni Marvin si Wayne at seryosong sinabing:

"Diba pwedeng magsama ng isang tao ang wizard."

"Kung ganoon, hayaan mong ako ang sumama sayo sa kompetisyon."

Bab berikutnya