webnovel

The Abandoned Altar

Editor: LiberReverieGroup

Binaybay ni Marvin ang gubat na napakahusay. Mala-kidlat sa bilis ang pag-kilos niya patungo sa lagusan.

May kanya-kanyang angking galing at talento ang karamihan ng mga class. Para sa mga Thief, ito ang pagiging mahinahon nila habang nagnanakaw sa marketplace. Habang walang hirap namang naitutuon ng mga Wizard ang isip nila sa kahit ano. At para naman sa Rangers, sa kagubatan nila nailalabas ang kagalingan nila.

Gamay na gamay nila ang gagawin kapag nasa kagubatan sila.

Agad a umalis si Marvin pagkakuha ng severed finger ni lich mula sa magic chest.

Nakuha na niya ang lahat ng pwede niyang makuha kaya oras na para umalis. Lalo pa at punong-puno ng panganib ang Scarlet Monastery tulad ng mga demon god enforcer at iba pang mga halimaw na masyadong malalakas para kay Marvin. Isang katangahan ang pananatili rito.

Dumaan siya sa Hall Mountain Ranger patungo sa bandang hilagang-kanluran at iniwasan ang ano mang mga halimaw.

Mayroong isang abandonadong altar sa lugar na 'yon. Mahalaga ang pagpunta doon para sa plano ni Marvin.

Pero dahil sa headless girl, nakuha niya ang severed finger ng lich. Ibig sabihin, pwede niya 'tong magamit sa loob ng altar para makakuha pa ng ibang magagandang bagay.

Tiningnan ni Marvin ang lahat ng log nya habang naglalakad:

[Knowledge - Gods (Lich severed finger)]: Nakuha mo ang severed finger ng isang lich. Mayroong kaunting bakas ng divine power ang daliring 'to. Isang malakas na lich na halos maabot ang godhood ang pinagmulan ng daliring 'to. Kaso nabigo siya. Ngunit, hindi pa rin siya sumusuko, natutulog lang ito at nag-aabang ng tamang panahon para sa kanyang pagbabalik. Ramdam niya ang bawat bahagi ng katawan niya at sa daliring ito, nakatago ang sikreto sa matagumpay na pag-abot ng godhood. Mahalaga ang kakarampot na divine power na 'to sa mga God Alchemist at mga Witchcraft God. Pero kapahamakan lang ang idudulot nito sa iba.

At kabilang si Marvin sa "iba" na tinutukoy. Hindi siya god o anak man lang ng isang god at dahil doon, hindi niya makukuha ang divine power na mayroon sa daliri. Siguradong problema lang kapag tumagal pa sa kanya ang daliring 'to. Kaya naman, wala na siyang balak itago ang item na 'to.

Plano niyang gawing alay 'to sa altar.

Marami naman sigurong mga god o alchemist go ang gusto ng isang severed finger na may kaunting divine power. Kabilang na rito ang Old Eleven Gods na hindi nangingielam sa mga makamundong bagay.

....

Ang Old Eleven Gods ang ikalawang henerasyon ng mga Old Gods. Walang ibang natira mula sa unang henerasyon kundi ang nagtatagong Wizard God na si Lance dahil bumagsak silang lahat. Tandang-tanda ni MArvin na kakaiba ang god na ito kumpara sa iba. Dahil siya lang ang tumaggi nang magdesisyon ang mga god sa kalangitan na pagtulungang atakihin ang Universe Magic Pool.

Dahil dito, mataas ang pagtingin sa kanya ni Marvin. Lalo pa't isang delubyo para sa mga mortal ang pagkawasak ng Universe Magic Pool.

Kaya nga pinangalanan ng isang iskolar mula sa Pearl Tower ang pangyayaring 'to na "The Great Calamity".

Pero dahil ayaw mapagiwanan ng mga god sa paghahanap ng ikaapat na Fate Tablet, nagdesisyon silang wasakin ang Universe Magic Pool. Matagal nang umalis ang Wizard God na si Lance kaya nalimutan na ng mga tao kung sino siya at gaano siya kalakas. Ginawa ang Universe Magic Pool para matulungan ang mga ordinaryong tao ng Feinan Continent na matuto ng magic para makayanan nilang sabayan ang walang humpay na pagdating ng mga halimaw.

Nagsilbi rin 'tong barikadang pumoprotekta at nakapalibot sa buong Feinan Continent upang hindi makapasok ang mga malalakas na nilalang.

Dahil binuo 'to para sa mga nilalang na naninirahan sa Feinan Continent, sinamba ng mga 'to bilang supreme god ang Wizard God na si Lance na siyang gumawa nito. Kumabaga, mas angat siya sa paningin ng mga tao kumpara sa ibang old god at new god. Maraming god ang hindi natuwa sa ginawa niyang 'to ngunit walang sino man ang nangahas magsalita dahil sa sobrang lakas ni Lance.

At ngayon, isang libong taon na mula nang umalis ang Wizard God sa Feinan habang matagal nang hindi mapakali ang iba pang god.

Nagbabadya na ang isang delubyong hindi matatakasan nino man.

Huminga ng malalim si Marvin at binilisan ang pagkilos.

...

Makalipas ang dalawang araw, sa Hall Mountain Range.

[You found the Deathly Silent Hills]

[Knowledge – Geography +1]

[Knowledge - Geography (Deathly Silent Hills)]: Makulimlik at malungkot sa mga burol na 'to. Kumplikado ang kalupaang ito. Mayroong mga kahindik-hindik na mga halimaw na paikot-ikot sa lugar 'to.

Tumigil si Marvin sa pasukan ng DEathly Silent Hills. Inaalala niya kung pareho ba ang dinaanan niya dati o naghanap siya ng ibang daan papasok.

Hindi siya nahirapang makarating dito. Bukod sa ilang tatanga-tangang mga goblin, wala naman siyang nakaharap na malalakas na nilalang.

Dahil ligtas naman talaga ang Hall Mountain Range kung tutuusin.

Subalit, ibang usapan na ang Deathly Silent Hill. dahil bukod sa dito naninirahan ang maraming race na latak ng lipunan, marami ring mga kriminal at halimaw dito. Magandang pagtaguan ang lugar na 'to kaya naman maraming kuta ng mga kriminal ang makikita rito. Dito rin madalas magtipon-tipon ang mga pugante mula sa mga siyudad.

Galing ka mang River Shore City o kahit Jewel Bay pa, dito napupunta ang lahat ng mga masasamang loob.

Mayroon ring mga halamang kayang lamunin ang isang tao ng walang maiiwang kahit anong bakas ng dugo, mga ahas na nakakalason na kaya kang patayin sa isang iglap, mga kakaibang insekto, at marami pang iba.

Pero madalas makikita lang ang mga 'to sa kaibuturan ng Deathly Silent Hills.

At walang balak si Marvin na pumunta sa doon. Isang maliit na yungib lang sa bandang labas ng lugar na 'to ang pakay niya.

Huminto siya sa tuktok ng isang maliit na burol. Base sa pwesto ng araw at ang daanan sa alaala niyang ilang beses niyang binalikan, tama ang dinaraanan niya.

....

Malapit na si Marvin sa kanyang pupuntahan nang may makasalubong siyang hindi inaasahan.

May isang galit na oso ang umaatungal.

Sa harapan nito'y may matangkad na lalaking nakasuot na itim at may hawak na mga dagger na mabilis ang kilos.

Mabagsik ang bawat atake nito, kitang-kita na nasasaktan ang oso sa bawat saksak nito, pero hindi ganoon katindi para mamatay ang forest overlord na 'to.

Galit na umaatungal ang oso na sinusubukan mahawakan ang human na nananakit sa kanya ngunit masyado na itong malamya.

'Hindi bababa sa 20 na puntos ang dexterity niya!'

'Curved Dagger Great Master…'

'2nd rank ranger na advanced ang class. Base sa dagger skills niya, isa siyang [Dark Murderer]!'

Nagtago si Marvin sa paanan ng puno at tahimik na pinanuod ang lalaki. Nag-aalala na siya.

Masyadong malakas ang taong 'to!

Pinaglalaruan niya lang ang osong 'yon.

Mukhang wala talaga siyang balak patayin ang oso at natutuwa lang siyang paglaruan 'to.

O baka naman sinusubok at hinahasa nya lang ang skills nya. Kung ano pa man 'yon, hindi siya ang klase ng taong gusto mong makalaban.

Sobrang taas siguro ng perception ng lalaking 'yon. Kahit na kampante si Marvin sa kanyang Stealth, mahirap na at baka mahuli siya.

Natago lang siya doon at hindi gumalaw, binagalan na rin niya pati ang kanyang paghinga.

Nakita niyang pinatay na ng lalaking nakaitim ang oso. At nang mamatay ito, tuyo na ang mga dugong nasa katawan nito. Bigla na lang bumigay ang oso sa dami ng saksak na tinamo nito.

Walang awa ang ganitong klase ng pagpatay.

Biglang tumigil ang lalaki at lumingon sa lugar kung nasaan si Marvin.

'Pucha! Alam niya na kung nasaan ako!'

Alam niyang mahirap magtago sa lalaki kahit pa gamit na niya ang kanyang stealth.

Pero tumayo lang ang lalaki at walang ginawa, parang nagdadalawang isip siya saka biglang ngumiti.

"Masaya ako ngayon kaya palalagpasin na muna kita."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay may aninong lumabas mula sa kamay nito.

Blag!

Bumaon ang anino sa lupang di kalayuan kung nasaan si Marvin

Tumalikod na ang lalaking nakaitim at saka tumalon palayo at tuluyang nawala.

Pinunasan ni Marvin ang pawi sa kanyang noo at lumabas mula sa kanyang pinagtataguan

'Muntik na ko dun ah. Buti na lang mukhang may iba pa siyang bagay na gagawin.'

Dinampot niya ang isang dilaw na baraha sa lupa at may tatak 'tong fanged spider!

Biglang namutla si Marvin.

Shadow Spider!

Killer ng Shadow Spider ang lalaking 'yon!

Isang babala ang dilaw na barahang 'yon. Babala na walang awa siyang papatayin kapag nakita pa siya nito muli.

'Hindi ba nasa dakong hilaga dapat ang Headquarters ng mga Shadow Spider?'

'Bakit pumunta ang isang miyembro nila sa katimugan?'

Sumama ang kutob ni Marvin.

Delikado ang sitwasyon na 'to. River Shore City lang ang malaking siyudad na malapit dito, kaya alam niyang hindi malayong magkita silang muli.

'Delikado ako..' Napailing na lang si Marvin. Alam niyang kapag nagkita sila, siguradong tapos siya.

Kailangan niyang lumakas agad-agad!

Kumilos na uli siya at tiningnan ang mga yungib na nasa paligid.

At sa wakas, bago lumubog ang araw, nakita na niya ang yungib na hinahanap niya.

Tahimik ang yungib na 'to dahil walang halimaw ang sumusubok lumapit dahil may basbas ito ng mga old god.

Dumeretso sa kadulo-duluhan ng yungib at nakarating rin sa tapat ng abandonadong Altar

Bab berikutnya