webnovel

Chapter 174

Editor: LiberReverieGroup

Hindi masasabi kung masaya o malungkot si Nalan Hongye. Tila napakalungkot ng pigura niya habang nakatingin siya sa malayo. Sa kalayuan, nakatayo ang palasyo ang Yi Le, may maririnig na musika mula sa loob. Ang mga sayaw at kanta ay tila isang talinghaga para sa paghina ng dakilang imperyo.

"Tumungo tayo sa palasyo ng Qing Zhi," utos ni Nalan Hongye.

Sa dapithapon, nilisan ni Xuan Mo ang palasyo. Si Tiya Yun, kasama ang mga tagasilbi ay pinasok ang mga putaheng naihanda na. Walang gana si Nalan Hongye at sumubo lang ng ilang kutsara. Bigla, makarinig siya ng mga magulong natatarantang yabag sa labas ng pinto. Isang tao ang tumatakbo habang hinihingal na sumigaw, "Prinsesa! Prinsesa! Kapahamakan! Kapahamakan!"

"Anong nangyari?" nagtaas ng kilay si Nalan Hongye.

Madaling lumabas siya Tiya Yun para mag tanong, ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig, hindi siya pinansin eunuch at tumakbo na may matang puno ng luha. Lumupagi sa lupa, ngumawa ito, "Kamahalan! Kalunos-lunos iyon! Umakyat ang Kamahalan sa bubong ng palasyo ng Yi Le at aksidenteng nahulog!"

Ang palubog na araw ay binalot ang palasyo ng patong ng pula. Ang seguridad ng palasyo ay mas mahigpit kaysa dati, na may nagpapatrolya at gwardya kahit saan. Ang mga pinto sa palasyo ay mahigpit na nakasara at walang pinapayagan na pumasok o lumabas. Karamihan sa mga opisyales ay dumating at lahat ay nakaluhod na naghihintay. Nag-angat ang mga nakatungong ulo na iyon ng pumasok siya. Kahalo ng kulay pulang sinag ng araw, nagsasabi ang mga tingin nila ng magkaibang emosyon. Mayroong respeto, takot, inggit, paghamak, galit. Lahat ng klaseng emosyon ay nararamdaman sa isang tingin, bago nila itinungo ulit ang kanilang ulo at bumalik sa naunang kapayapaan.

Nakasuot ng madilim na pagka-lilang sutlang damit, mayroong higanteng burda ng rosas sa nakatahi sa kanyang kwelyo, sinasalungat ang kanyang malinis na puting leeg. Ang kanyang mukha ay tila taimtim at mapanglaw. Naglakad tungo sa palasyo ng Mo Ji, ang buong kapaligiran ay napaka lamig. Nakatayo sa harap ng lahat ng opisyales ay ang hari ng Jinjiang. Nang makitang dumating na siya, madali itong lumapit, para lang maitulak ng lalaking nakasuot ng maitim na asul na blusa at halos mabuwal.

Puno ng pag aalala ang mata ni Xuan Mo. Tuluyang hindi pinapansin ang galit sa mata ng hari ng Jinjiang, lumapit siya. Set kabila ng kagustuhang magsalita, sa huli ay nagdesisyon siyang manatiling tahimik.

"Kamusta ang emperor?" Taimtim na tanong ni Nalan Hongye. Ang kanyang ekspresyon ay kalmado, at hindi makikitaan kahit anong senyales ng pagod o emosyon. Ang mga tao ay tinapunan siya ng tingin ng kyuryosidad na agad napalitan ng pagkabigo. Umiling si Xuan Mo at ipinaalam, "Sinabi ng mga manggagamot ng imperyo na walang paraan para iligtas siya. Prinsesa, pakiusap pumasok ka para makita mo."

Sa iglap na iyon, nanlumo siya. Ngunit sa kasamaang-palad, maraming pares ng mata ang nakatingin sa kanya, hinuhusgahan ang bawat kilos niya. Biglang naalala ni Nalan Hongye maraming taon na ang nakakaraan, sa gabi ng pagpanaw ng kanyang ama, sa palasyo din na ito, tumingin siya dito sa parehong paraan, at umuulan din noon katulad ngayon. Sobrang lamig at natagpuan niyang mahirap huminga, ngunit pinilit niya ang sarili na kalmahin ang kanyang paghinga. Unti-unti, napilit niya ito pabalik. Pinilit niya ang lahat ng nagngangalit niyang emosyon na huminahon gamit ang kanyang lohika na nasa hangganan na ng pagkasira.

Marahan siyang lumapit lagpas sa mga tao. Inangat ng dalawang tagasilbi ang tabing at mag-isang naglakad sa silid. Tumagos sa kanyang mata ang gintong sinag ng araw. Kagat ang kanyang labi, naglakad siya sa patong-patong ng kurtina. Napaka-init ng loob ng palasyo kaya nahihirapan siyang huminga. Nakahiga ang kapatid niya sa higanteng higaan na may kutis na lubos na maputla, pero maningning ang mata nito. Hindi gumagalaw na nakahiga doon, tila lumubog ang mga mata nito, at ang mga labi nito ay nagbitak sa panunuyo. Sa kanyang ulo, may makikitang mapulang dugo.

Biglang lumabo ang kanyang paningin, ngunit pinilit paatrasin ni Nalan Hongye ang kanyang mga luha. Ngayon, pinalilibutan siya ng nanghuhusgang mga tingin. Bahagyang nanginig ang kanyang mga kamay. Nais niyang iunat ang kanyang mga kamay pero hindi niya alam kung saan sila ilalagay. Tumawag nalang siya, "Yue'er?"

Nang marinig ang boses niya, kakaunting lumingon ang Emperor. Ang unang tugon niya ay takot, sa paos niyang boses, nagtangka siyang magpaliwanag, "Ate...Hindi pa ako tapos magsulat…"

Namuo ang luha at halos bumagsak ulit mula sa kanyang mga mata. Umupo si Nalan Hongye sa may higaan at hinawakan ang balikat nito. "Hindi mo na kailangan pang isulat iyon. Hindi na ulit kita parurusahan…"

"Talaga?" May antisipasyon na nagliwanag ang tingin ng batang emperor. Nagpatuloy siyang magtanong, at mas mukhang malusog na tao, "Seryoso ka?"

Bigla, naalala ni Nalan Hongye nang pumanaw ang kanyang ama. Ang kanyang puso ay tuluyan nang nagyelo. Kagat ang kanyang labi, tumango siya, "Oo, pangako."

"Ayos iyon!" Humiga ang emperor at bakanteng tumingin sa tabing na nakalaylay mula sa kisame. Ang nakaburdang mga dragon doon ay napakabangis, tila ba mangangain ito ng tao.

"Ayos iyon. Sa wakas ay makakapag-ano na ako… makakapag…" sa huli ay hindi na niya maipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin. Kuminang sa antisipasyon ang kanyang mga mata, tila ba maaabot na niya ang pinapangarap niya. Inunat niya ang kanyang leeg at ang kanyang mukha ay tila nasasabik ngunit may hindi malusog na pamumula. Hinila niya ang kamay ni Nalan Hongye na tila ba may gusto siyang sabihin ngunit para bang may nakaharang sa lalamunan niya, at nakakagawa nalang ng magulong singasing.

Nagmadaling lumapit ang mga manggagamot sa imperyal, at nagtipon ang mga tao. Ang batang eunuch na kasama ng emperor simula pagkabata ay pumalahaw, "Kamahalan! Kamahalan!"

"Anong nais sabihin ng Kamahalan?" Tumalikod si Nalan Hongye. Mapula ang mga mata na nagtanong siya, "Alam mo ba?"

"Prinsesa…" lumuhod sa lupa ang batang eunuch na para bang takot na takot siya, at hindi maayos na sinagot ang tanong, "Umakyat ang Kamahalan sa palasyo ng Yi Le para makita kung anong itsura sa labas. Sabi niya ay hindi pa siya nakakalabas ng palasyo dati. Ang Kamahalan...ang Kamahalan…"

Umapaw ang kalungkutan mula sa puso niya at nagyeyelong lamig ang bumalot sa buo niyang katawan. Sa mga manggagamot ng imperyal na nagmamadaling lumapit, mapulang-mapula ang mukha ni Nalan Hongye. Paos niyang inuulit, "Sige...sige…"

Hinawakan ni Nalan Hongye ang kamay ng Emperor at sinabi, "Yu'er, oras na gumaling ka, dadalhin kita sa labas!"

Isang bahid ng kasayahan ang kumislap sa mga mata ng Emperor. Ipinikit niya ang mga mata, at gamit ang maliwanag niyang mata, tumingin siya sa ate niya. Ang kanyang mga mata ay napaka puro at inosente; mukha siyang isang bata. Bigla, nabitawan ng kamay niya ang manggas ni Nalan Hongye habang ang kanyang paghinga ay biglang tumigil. May mapurol na bagsak, patagilid na bumagsak ang ulo niya sa higaan.

"Kamahalan!"

"Kamahalan!"

Malakas na ngawa ng kalungkutan ang sumabog sa palasyo, habang ang tunog ng kalungkutan ay kumalat sa buong palasyo. Ang palubog na araw ay lumubog na sa abot-tanaw, habang ang huling sinag ng liwanag ay naglaho sa paningin. Lumubog ang lupain sa kadiliman, habang puting mga lampara ay itinaas ulit. Maririnig kahit saan ang tunog ng pagngawa. Gayumpaman, hindi masasabi kung ilan sa mga tunog ng pag-iyak na ito ang nanggaling talaga sa kaibuturan ng kanilang puso.

"Pumanaw na ang Kamahalan…" ang matalas na boses ng mga tagasilbi ay tumagos sa kalangitan. Nakatayo sa gitna ng mga tao, hinarap ni Nalan Hongye ang maraming umiiyak na mga opisyales. Hati sila sa maraming pangkat at umiyak sa sarili nilang kampo. Maraming tao ang naroon, ngunit pakiramdam pa rin niya ay bakante ang buong palasyo. Nang lumubog ang araw, sumikat ang maliwanag na buwan. Ang mapanglaw na puting ilaw ay niliwanagan ang malungkot niyang pigura. Ang puting ilaw ay mukhang nyebe, napakalamig, tagos sa buto.

Sa pagkamatay ng emperor, magluluksa ang buong imperyo ng Song. Sa buong buwan, walang kasalan na mangyayari, at lahat ay magsusuot ng pormal na kasuotan sa labas. Nang mag-uumpisa na ang digmaan sa hilagang-kanluran, kumaharap ang imperyo ng Song ng ganitong sakuna. Ang orihinal na pagsasanay ng militar na isinagawa para tulungan ang Yan Bei na guluhin ang imperyo ng Xia ay pinatigil din. Sa loob ng imperyo ng Song, lumitaw sa puso ng lahat ang madilim na mga ulap.

Sa pagpanaw ng Mingren Emperor, ipinaalam ni Nalan Hongye ang nais nito. Ang pinakamatandang anak na lalaki ng emperor na si Nalan Heqing ay uupo sa trono, at minarkahan noon ang umpisa ng panahon ng Mingde. Ngunit, sa gabi ng pagpanaw ng Emperor, lubhang nagkasakit si Nalan Hongye. Ang pagod na naipon sa mga taon ay tulad ng bariles ng pulbura na sinilaban. Nang tumapak siya sa labas ng palasyo ng Mo Ji, umakyat ang dugo sa kanyang lalamunan. Gayumpaman, pinigilan niya ito. Madapa-dapa, muntik na siyang bumagsak, habang nagmadaling lumapit si Tiya Yun para suportahan siya. Sa harap ng lahat ng opisyales, alam niya na hindi niya maaaring isuka ang dugong iyon. Kung kaya, nilunok niya ito at tinulak ang mga kamay ni Tiya Yun.

Ang pamilya ng Nalan ay bakante na. Bukod sa kanyang ina na may sakit, ang bata niyang kapatid na babae, at ang pamangkin niya na wala pang isang-taon-gulang, siya nalang ang natitira. Ang gahiganteng teritoryo ng Nalan Royal Family ay bumagsak ulit sa kanyang balikat lang. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya maaaring bumagsak o kahit magpakita ng kahinaan. Sa oras na bumagsak siya ay mamarkahan ang puntong lahat ng pagsisikap ng kanyang ninuno sa nakalipas na libong taon ay nasayang.

Tinuwid ang kanyang likod, kalmado niyang binasa ang kagustuhan ng hari at isinagawa ang paglilibing. Doon, nagawa niyang kalmahin ang puso ng mga opisyales. Nang matapos na ang lahat, bumalik siya sa kanyang silid at tahimik na umupo sa buong gabi. Sa parang luhang tumutulo na wax ng kandila, ang kanyang mata ay humpak at malamig, ngunit walang luha ang lumabas.

Ang libing ng Emperor ay iniwan sa Hari ng Anling at si Xuan Mo at ang ama nito. Sa susunod na araw, ang ilang opisyales sa imperyo ay nagpadala ng tauhan para makisali sa libing. Nakaupo sa gitnang palasyo, pinamunuan ni Nalan Hongye ang lahat. Kahit na namatay na ang Emperor, matagal nang nadeklara ang tagapagmana, at ang Pinakamatandang Prinsesa Nalan ay nandyan pa rin kaya walang masyadong pagbabago.

Sa pangalawang araw, nagdala ng mga tauhan si Nalan Hongye sa palasyo ng Reyna para dalhin ang bagong Emperor sa Ancestral Temple. Gayumpaman, bago pa man siya makatapak sa silid-tulugan, nakakita siya ng patalim na patungo sa kanya.

May whoosh na inilabas ni Xuan Mo ang kanyang espada. Tinaboy ang papadating na patalim, hinarangan niya si Nalan Hongye. Nataranta ang mga nakapalibot na gwardya, may isang sumisigaw, "Mamamatay-tao! Mamamatay-tao!"

Nang susugod na sila sa silid-tulugan, maririnig na nahihibang na sumisigaw ang Reyna, "Papatayin kita! Papatayin ka!"

Tumakbo palabas si Cui Wanru, ang kanyang buhok ay magulo. Hawak sa isang kamay ang sanggol, ang isa ay nakahawak sa gunting. May mapulang mata, sumigaw siya sa paos na boses, "Ikaw kamuhi-muhing babae! Pinatay mo ang Emperor! Ngayon nagbabalak ka na patayin ang anak ko! Papatayin kita, papatayin kita!"

Namutla ang mukha ni Nalan Hongye habang kagat niya ang labi niya. Nang makita iyon, sumingit si Tiya Yun, "Kamahalan! Anong walang katuturan ang pinagsasabi niyo?"

"Hindi walang katuturan ang sinasabi ko! Alam ko ang lahat!" Ngumisi si Cui Wanru. "Isa kang ambisyosang babae. Gusto mong ikaw ang mamuno kaya pinatay mo ang Emperor, at ngayon ay dumating ka para sa anak ko. Hindi ko hahayaang mangyari ang plano mo!"

Biglang nakaramdam ng pagod ni Nalan Hongye. Sobrang tumatagos ang araw, para bang kahit saan ito sumikat ay puno ng pasakit. Malamig siyang tumalikod at kalmadong sinabi, "Hindi maganda ang pakiramdam ng Reyna at hindi na kaya pang palakihin ang Emperor. Ilayo ang Emperor."

Magalang na sinabi ni Xuan Mo, "Masusunod. Paano ang Reyna?" Sa pagkamatay ng Emperor, nagkagulo ang buong korte. Ang ama ni Cui Wanru ay ang Grand Commandant ng imperyo ng Song. Kung magpapatuloy siya bilang ina ng Emperor, ang lakas ng pamilya Cui ay agad na tataas. Ano pa, si Grand Commandant Cui ay ang guro ng hari ng Jinjiang...

"Ang Reyna ay matalino at matuwid, at nangakong sasamahan ang emperor. Gantimpalaan siya ng nakalalasong alak at papuntahin na siya!"

Sa kabila ng sumisikat na araw, madilim na mga ulap ang dumating mula sa hilagang-kanluran. Inangat ang kanyang ulo, napaisip si Nalan Hongye kung uulan ba. Pinilit ang sarili na tapusin ang mga papeles, gabing-gabi na. Nakasunod sa likuran niya, tila ilang beses na may gustong sabihin si Xuan Mo ngunit sa huli ay nagdesisyon na huwag nalang. Bago siya umalis, nag-abiso siya, "Hindi na makakabalik pa ang namatay. Nakikiramay ako sa iyo, Prinsesa. Pakiusap huwag kang malungkot masyado dahil makakasama ito sa kalusugan mo."

Tumango si Nalan Hongye at napaka pormal siyang sumagot, "Pinasasalamatan ko ang tulong mo, Hari ng Xuan."

Hindi sumagot si Xuan Mo at tumingin lang sa kanya. Nag-angat ng tingin, nakita ni Nalan Hongye na seryoso at malungkot talaga ang mukha ng lalaki, at hindi na puno ng kabataan at kalayaan. Sa paglipas ng oras, sa huli, lahat ay nagbago.

Bab berikutnya