webnovel

Chapter 25

Editor: LiberReverieGroup

"Ito ang kagustuhan ng master ng palasyo ng Sheng Jin. Anak, makakaalis ka na. Hindi mo na kailangan pang malaman ang rason. Hangga't alam mo na para sa Wei family ang ginagawa mo, para sa tatlong daang taon na karangalan ng Wei family, sapat na iyon."

Dahan-dahang umalis ang bata at naglaho. Sumikat ang sinag ng araw sa kanyang silid galing sa pinto, na nagbibigay ng pulang kulay.

Lumabas si Wei Jing galing sa likod na pasilyo at lumapit sa gilid ni Wei Guang. May suot na dark green na roba at may malamig na nagyeyelong tingin, kakaibang sumaludo, "Tiyo?"

"Naayos mo na ba ang lahat?"

"Hindi mo na kailangan pang mag-alala, tiyo. Ang lahat ay perpektong na ihanda."

"O sige." Tumalikod si Wei Guang at humarap sa ancestral tablet para sindihan ang insenso. Nagkumpulan sa lapag ang mga abo ng insenso dahil sa pagkaladkad ng kanyang mamahaling kasuotan.

Nang makitang patayo na si Wei Guang, agad na lumapit si Wei Jing at inalalayan ito. Nang may mahinang boses, na para bang nakikipagtsismisan, ay sinabi nya, "Tiyo, sa iyong palagay, ilan ang tsansya ng tagumpay ni haring Yan Shicheng?"

"Ah..." marahang napatawa ang matanda at sinabing, "Wala siyang kahit anong tsansya."

Napasimangot si Wei Jing at nagdududang sinabi, "Ang lupain ng Yan Bei ay malawak at malaki. Kahit malamig dito, ang mga pakikipagkalakal nila sa mga taga-kanlurang rehiyon ay nananatiling maunlad. Simula noong eleksyon, mabait siya sa mga nasasakupan niya. Dahil nagawa niyang makuha ang pagmamahal ng mga tao, maari pa rin siyang magkaroon ng tsansyang magtagumpay."

Kulubot na ang mukha ni Wei Guang na nagbuntong-hininga at sinabing, "Siya mismo ay hindi nagkulang, pero kung ano yung hawak nya ang naglalagay sa kanya sa kapahamakan. Ano sa tingin mo ang dahilan ng master ng Shen Jing palace kaya gustong-gusto niyang dispatsyahin ang hari ng Yan Bei? Kung ang isang tao ay hindi nakakagawa ng pagkakamali, iyon mismo ang pagkakamali niya. Ang paraan para makakuha ng kapangyarihan ay ang mabalanse ang tagumpay at kabiguan para manatili ito. Ang tanging rason lang naman kung bakit nila gustong patayin si Yan Shicheng ay dahil nabiyayaan sya ng magandang lokasyon at natural na mga pagkukunan. At isa pa," ngumiti si Wei Guang at nagpatuloy, "paano magkakaroon ng dalawang klase ng bunga sa isang puno? Nabuo ang Yan Bei dahil sa Da Tong at mawawala dahil sa Da Tong."

Tinignan ni Wei Guang ang bata, na lubos na nakakapagpasaya sa kanya at sinabing, "Jing, ang sabi ng mga tao ay magkakaroon ng kapangyarihan ang Presbyterian. Tauhan ang tawag sa pitong pamilya at ang totoo ay isa din silang maharllika. Ngunit, ang may-ari ng Sheng Jin palace ang totoong may-ari ng Great Xia Dynasty. Lagi mong tatandaan ito."

Bihira lamang makita ni Wei Jing na seryosong magsalita si Wei Guang tungkol sa isang bagay, kaya naman madali siyang nagbigay-galang at sumang-ayon.

Huminga ng malalim si Wei Guang at nagsalita, "ang tanging rason kung bakit walang tsansya na magtagumpay si haring Yan ay dahil hindi man lang niya naisip na magrebelde. Kaya, kahit na wala silang nagawang mali, hangga't gusto ng master ng Sheng Jin Palace na mamatay sila... mamamatay sila."

Kasing pula ng dugo ang kulay ng papalubog na araw na lumiliwanag sa mga kalye sa syudad ng Zhen Huang. May ibang tao ang napasigaw nang makita ang kalangitan na nagpaalerto sa mga dumadaan. Tumingala ang lahat at nakita nila ang isang kulay-dugong bituin na kapansin-pansing kakaiba ang kislap sa dumidilim na kalangitan. Patuloy itong kumikislap, na nakakapanindig balahibo.

Sa labas ng pinakapinto ng residensya ng Zhuge, si Zhu Shun, na napagtantong sya ay nasa gulo, ay dinala palabas. Makikitang nakasakay si Zhuge Yue sa kabayo at may nakamamatay na tingin, agad na nakalimutan ni Zhu Shun ang sakit na iniinda. Desperado siyang lumapit sa young master habang umiiyak, "Fourth young master, magpapaliwanag ako. Isang hindi pagkakaintindihan ang lahat ng ito!"

"*swoosh!*" isang hibla ng dugo ang lumipad sa hangin. Ang tanging maririnig ay ang nakakaawang sigaw ng lalaki habang isang matabang tainga, na puno ng dugo, ang nalaglag sa lupa.

"Maghintay ka lang dito. Babalik ako para patayin ka." May madilim na ekspresyon na sabi ng young master. Kahit na kalmado ang boses nya, mapanglaw pa rin ang tunog nito sa iba. Nagyeyelo ang tingin ni Zhuge Yue nang tumalikod siya. Naawang tinignan ng mga gwardya si Zhu Shun at masunuring sumunod kay Zhuge Yue.

Naputol ang kamay ni Zhu Shun nitong nakaraang araw lang. Napahiga sya sa lupa habang paikot-ikot na umiiyak. Ngunit, wala sa mga matatawag niyang tauhan ang naglakas-loob na lumapit at tulungan siya.

Oras ng hapunan, nag-umpisang umulan ng nyebe, at tinatakpan ang Chi Shui. Nakasuot si Yan Xun ng puting marten fur coat na pang buong katawan at ito ay may pandong na nakasuot sa kanyang ulo, sya ay nakatayo sa gilid ng lawa habang hawak ang kanyang kabayo. Ang binata ay nakasuot ng mamahaling kasuotan at may napakagwapong mukha. Makikitaan ang mga mata nya ay maraming lakas at ang repleksyon nya sa nagyelong lawa ay sobrang elegante.

Habang papalubog ang araw sa bundok, makikita ang isang whale oil lamp na hindi pa namamatay kahit ilan libong taon na ang nakakalipas, ang maliwanag na kumikislap sa direksyon ng palasyo ng Sheng Jin. Taimtim na tinignan ni Yan Xun ang direksyon ng pintuan ng palasyo.

"Prince!" humahangos na lumapit si Feng Mian kay Yan Xun at sinabing, "may malaking nangyari!"

Taas-kilay na nagtanong si Yan Xun, "Anong nangyari?"

"may sabi sabi na nahuli daw si Xing'er ng second grand master ng Zhuge family at dinala sa kabahayan ng Ba Xing alley"

"Ano?" nagulat si Yan Xun sa balitang ito at seryosong nagtanong, "kailan ito nangyari at kanino mo ito narinig? Sigurado ka bang totoo ito?"

"Opo, narinig ko ito sa tagalinis sa residensya ng Zhuge. Kung totoo man ito o hindi, ay hindi ako sigurado. Ang alam ko lang ay si Xing'er ito ng Qing Shan court"

Kumunot ang noo ni Yan Xun, at pagkatapos itong pag-isipang mabuti, bigla siyang tumayo at sumakay sa kabayo niya habang sinasabi, "Feng Mian, pupunta ako sa Ba Xing alley."

"Ano? Pupunta po talaga kayo? Paano kung mali ang tsismis? Ano po kaya kung maghintay kayo saglit," nag-aalalang sigaw ni Feng Mian.

Umiling lang si Yan Xun at sinabing, "Kung mali man ito, maaari naman akong bumalik. Wala namang mali doon."

"ano naman pong rason ang gagamitin natin para makapasok? Hindi naman po pwedeng basta-basta nalang tayong pumasok at harap-harapang maghanap, diba?"

Umiwas ng tingin si Yan Xun at sinabing, "maaari natin sabihin na magpapaalam lamang ako bago lisanin ang syudad. Halika na."

Sa pag-ihip ng malakas ang hangin isang malaking manyebeng hamog ang nabuo. Hindi malalayo sa kanluran ng syudad, mayroong hukbo na may tatlong daan ang bilang na tahimik na ang naghihintay nang may maririnig na isang kabayo ang nagmamadaling bumalik. "Major General, nakita ko na patungo sa Ba Xing alley ng Zhuge courtyard si Prince Yan."ang saad niya sa batang kumander.

"Zhuge courtyard?"

Napasimangot si Wei Shuye at seryosong nagtanong, "Ano naman kaya ang ipinunta ni Yan Xun sa sambahayan ng Zhuge? Sinusubukan bang humadlang ng pamilya Zhuge? Hindi dumalo si Zhuge Muqing noong nakaraang Grand Elder Council. Sinasadya ba niyang iwasan ang usaping ito?"

Sakay ng kabayo, lumapit sa kanya si Jiang He at sinabing, "Major General, ang akala ko ay hindi niya gagawin iyon. Si Zhuge Muqing at ang nakatatandang Batu ay maganda ang relasyon sa isa't-isa. Ngayong panahon na ito, siya ay abala sa baha sa lupain niya, wala nang oras si Zhuge Muqing. Akala ko'y nagkataon lamang iyon."

Tumango si Wei Shuye, "kung ganyan talaga ang nangyayari, mas magiging madali ang lahat."

Maliwanag na buwan ang nasa kalangitan. Tumingala sa langit si Wei Shuye at sinabing, "oras na."

Nang marining ng hukbo na oras na, agad-agad silang sumugod sa residensya ng second old master ng Zhuge Family.

Nang pasugod sila Zhuge Yue, Yan Xun at Wei Shuye sa residensya ni Zhuge Xi, mapapansin na hindi karaniwang ang katahimikan sa silid ng batang babae. Sariwang dugo ang tumulo sa matalim na dagger, pababa sa puting camel carpet dahilan para magkaroon ng kulay pulang hugis ito. Ang malamig na hangin na umiihip sa silid galing sa gilid ng bintana ay pinapawi ang marangayang aroma. Maliwanag ang liwanag sa loob ng silid habang makikita ang gulat sa matandang mukha ni Zhuge Xi. Hinawakan niya ang kanyang leeg at tumingin sa bata na hindi man lang umabot sa balikat niya. Ang buhangin sa hourglass ay mabagal na dumaloy pababa at sa wakas, Pong! Paluhod na bumagsak si Zhuge Xi sa sahig.

"Nagmamakaawa ka ba sa akin na patawarin ka?" mahinang tanong ni Chu Qiao. Bahagya siyang yumuko at saglit na tinignan si Zhuge Xi. Ang namumuong pagkamuhi sa kanya ay malapit na niyang isuka. Naalala ni Chu Qiao ang imahe ni Zhixiang at patay na katawan sa lupa. Sobra siyang nasaktan ng alaalang ito. "May mga taong nagmamakaawang lumapit sayo dati. Bakit hindi mo sila pinagbigyan?" mababa ang boses niyang nagtanong.

Nakahiga lang sa sahig si Zhuge Xi habang patuloy ang pagdaloy ng dugo galing sa sugat niya sa leeg. Sa takot na mamatay, nanginginig niyang pinipilit na gumapang. Gusto niyang makalayo ng malayo kay Chu Qiao hangga't kaya nya. Nag-iwan ng bakas ang dugo niya sa sahig. Ang pulang-pulang kulay ay sobrang kapansin-pansin at nakakatakot.

"Matagal ka nang nabuhay. Oras na para pagbayaran mo ang mga kasalanan mo. Kung ayaw ng diyos na singilin ka, ako ang gagawa noon." Humiwa sa leeg niya ang kutsilyo at malinis na naputol ang kanyang leeg. Agad na tumilamsik ang dugo at di kalaunan ay naging kulay lila ito na may malansang amoy.

Itinapon si Chu Qiao ang hawak niyang ulo ni Zhuge Xi sa sahig nang walang ekspresyon na mababakas, tapos ay naglakad papalapit sa sampung babaeng alipin na nagtatago sa gilid ng silid. Takot nilang tinignan si Chu Qiao habang mas nagsusumiksik sa isa't-isa. Sa paningin nila, ay nababaliw na si Chu Qiao dahil sa lakas ng loob nitong patayin ang old master. Siya ay nakakatakot tulad ng isang demonyo. Pero ang hindi nila alam, kung hindi dahil sa kanya, ilan nalang kaya ang mabubuhay.

Nagpakita ng isang mahinhin na sampung taong gulang si Chu Qiao. Ang mukha niya ay kasing putla ng puting papel at ang mga labi ay nanginginig. Yumuko si Chu Qiao at malinaw na nagsalita, "natakot ka ba?"

Diretsong tumingin ang bata at tuloy-tuloy na tumango sa takot na siya ang susunod na mapupugutan ng ulo. Tumutulo ang luha at uhog sa mukha nito at hindi naglalakas-loob na gumawa ng ingay.

"Dahil natatakot ka, sumigaw ka nalang"

Kahit na siya ay bata pa at galing sa mahirap na pamilya, marunong siyang makiramdam at dali-daling umiling, "Hindi ako gagawa ng ingay. Wala akong nakita. Pakiusap wag mo akong patayin." Umiiyak na saad nito.

Walang pasensyang napasimangot si Chu Qiao at sinabing, "Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Sabi ko sumigaw ka ng ubod ng lakas."

"Pakiusap," iyak ng bata, "Maawa ka sa akin. Gagawin ko lahat ng gusto mo. AH!"

Bigla nalang niyang ipinunta ang dagger sa may leeg ng alipin at tinangkang saksakin siya. Yung bata ay marahan lamang na umiiyak, pero dahil sa gulat, napasigaw siya ng ubod lakas habang ang dagger ay kasing lapit ng isang hibla ng buhok na dumulas sa leeg niya. Walang awang itinusok niya ang dagger sa poste ng kama sa likod ng batang sumisigaw, pero hindi naman nasaktan.

"Anong nangyari? Master, anong nangyari... Ah! May mamamatay-tao!" yung tagasilbi na nasa may pinto na narinig yung sigaw, ay maingat na tumingin sa loob, at nakita ang duguang si Zhuge Xi na nakahilata sa sahig. Napasigaw siya at napaupo sa gulat. Matisod-tisod naman siyang nagtangkang lumabas ng silid.

Sinubukan tanggalin ni Chu Qiao ang galit niya. Base sa oras, sigurado na narinig ng buong sambahayan ang sigaw. Binato niya ng dagger ang tagasilbi at tumagos ito sa ulo niya.

Nagmamadaling mga yabag ang maririnig sa paparating. Dali-daling umupo ang bata kasama ang iba pang mga alipin nang mahigit sa benteng gwardya ang nagmamadaling pumasok sa silid. Nang masilayan nila ang katawan ni Zhuge Xi, namutla kaagad ang kanilang mga mukha.

"Anong nangyari?" madaling tanong nung lider ng mga gwardya sa grupo ng mga alipin.

"Assassin!" sigaw ni Chu Qiao sa ubod ng makakaya niya, habang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata, bago pa man makasagot ang iba. "Master Zhuge... Napatay si Master Zhuge... nakakatakot..." nagsimulang tumulo ang sipon niya habang patuloy pa rin ang pagluha niya. Putlang-putla ang kanyang mukha at hindi siya makasagot ng maayos na para bang nakabuhol ang dila niya.

"Saan tumakbo yung assassin?" galit na tanong nung lider ng mga gwardya.

"Doon!" turo ni Chu Qiao sa bintana sa may timog na bahagyang nakabukas at sumagot, "Doon siya dumaan!"

Bab berikutnya