webnovel

Won over the Whole World

Editor: LiberReverieGroup

Walang babae o lalaki na mas may kakayahan kaysa kay Xinghe sa buong mundo. Walang makakahamon sa pagtanggap niya ng puwesto. Ang kanyang murang edad at kawalan ng karanasan ay hindi nakabawas sa kanyang kakayahan.

Mula sa sandaling iyon, wala nang nangahas pang magtanong sa kanya. Ang nakakahanga niyang pagganap noong araw na iyon ay nangibabaw at nakuha ang buong mundo…

Ang masigabong palakpakan ay nagpatuloy ng may katagalan, at si Tong Liang ay nahihirapan ng pigilin ang inggit at kalupitan sa kanyang mga mata. Gumugol siya ng maraming oras at lakas para makuha ang suporta ng mga mamamayan ng Hwa Xia, pero gumamit lamang si Xinghe ng isang press conference para mangibabaw sa buong mundo.

Ang nakakainis na pagkukumpara na ito ay naglabas ng malaking takot sa kanyang puso. Gayunpaman, kahit na gaano pa niya kinamumuhian ito, kailangan niyang ipresenta ang isang nagbubunyi at masayang mukha sa mundo; kailangan niyang umaktong masaya para kay Xinghe dahil responsibilidad niya ito bilang isang mamamayan ng Hwa Xia.

Hindi nagtagal ay nalalapit na ang pagtatapos ng press conference. Bago natapos ang palakpakan, mabagal na tumayo si Xinghe at ginamit ang lengguwahe ng Hwa Xia para nagmamalaking inanunsiyo na, "Sa lahat ng narito, bago magtapos ang kumperensiyang ito, nais kong ipaalam sa inyo ang ilang mabuting balita. Ang pagkalat ng virus na ito ay matatapos na! Ang mga doktor natin ay matagumpay sa pananaliksik nila ng gamot; ang trahediyang ito ay tapos na! Nanalo tayo!"

Ano?! Ang lahat ay nagulat. Si Tong Liang ang pinaka nasorpresa. Ano ang sinasabi ni Xia Xinghe?

"Talaga bang nagawan na ng paraan?"

"Ang lunas ay nakita na?"

Napakaraming mamamahayag ang lumapit at idinikit malapit sa kanya ang mga mikropono. Kalmadong sumagot si Xinghe, "Oo, congratulations dahil natalo na natin ang sakit."

"Paano mo nalaman iyon?"

"Kailan ito nangyari…"

Sa wakas, ang pokus ng mga mamamahayag ay nalayo mula sa kanya at natutok sa sakit at sa lunas nito. Buong pasensiyang sinagot ni Xinghe ang bawat tanong. Napapalibutan siya ng mga mamamahayag, ang nagkikislapang camera ay iniilawan siya na tila isang diyamante. Ang buong mundo ay nanonood siya dahil tila isa siyang nakakahalinang kayamanan na nakakakuha ng kanilang atensiyon.

Si Tianxin at ang iba pa na nasa piitan ay nakatingin sa kanya sa screen at nakaramdam ng kakaibang sakit na tumutusok sa kanilang mga puso. Hindi sila naiinggit sa kaluwalhatian ni Xinghe dahil pakiramdam nila, sa ibang kadahilanan, ay nawala na sila ng kwalipikasyon para kamuhian siya…

Lumipat ito mula sa ibang mundo na kung saan hindi nila ito mahahawakan. Nawalan na din sila ng kwalipikasyon na kamuhian ito. Ang pagkakahambing na ito ay lalong nagpagalit sa kanila ng husto, pero sa kaparehong oras, ay nagdala sa kanila ng mabigat na pakiramdam ng wala silang magagawa.

Si Saohuang naman, ay may ibang opinyong naiisip. Mariin ang pagkakatitig niya kay Xinghe sa screen, at mayroong kakaiba na nagpapakulo sa kanyang maiitim at malalim na mga mata. Mayroong isang bagay na nais kumawala mula sa kanyang dibdib.

Sa sandaling iyon, desperado na siyang makaalis sa kanyang kulungan, pero alam niyang hindi pa iyon ang tamang oras. Isang araw, makakalaya din siya; kailangan niyang lumabas doon. Patuloy na tinititigan ni Saohuang si Xinghe sa loob ng telebisyon, at ang mga labi nito ay kumurba sa nakakaakit na ngiti…

Sa isang sikretong lugar kung saan nakapiit si He Lan Yuan, isang lalaki ang nagtanong dito sa isang malupit na tinig, "Mayroon siyang kakaibang alindog, sang-ayon ka ba dito?"

Habang nakatitig kay Xinghe sa telebisyon, ang mga emosyon sa ilalim ng mga mata ni He Lan Yuan ay napakakumplikado; tila makikitaan ito ng sobrang galit at pagmumuni sa nakaraan.

Nakikita niya ng husto si Xia Wa kay Xinghe, pero sa kaparehong pagkakataon, ipinapaalala nito sa kanya na si Xinghe ang pinakamalaking pagkakamali sa perpektong buhay ni Xia Wa!

Bab berikutnya