webnovel

Sabwatan

Editor: LiberReverieGroup

Tumigil si Xinghe sa harap ng sickbay ni Mubai at sumilip sa maliit at makapal na salamin. Bahagyang nangislap ang kanyang mga mata, pero hindi nagtagal ay umalis din siya; walang makikitang pagbabago sa kanyang ekspresyon.

Gayunpaman, ang mga kaibigan niya ay alam na nag-aalala siya tungkol kay Mubai. Siya ay ang klase ng tao na hindi hayagang ipinapakita ang kanyang mga emosyon; itinatago niya itong lahat sa kanyang puso.

Salamat na lamang at malapit nang gumaling si Mubai dahil nahanap na nila ang gamot.

Sa mga nagdaan na araw, pakiramdam nila ay nasasakal sila, pero sa wakas, ay nakakita na sila ng pag-asa. Ganoon din ang nararamdaman ni Xinghe.

Gayunpaman, pagkalabas pa lamang nila ng ospital, pinalibutan agad sila ng grupo ng mga reporter. Maraming camera at mikropono ang nakatutok sa kanila.

"Miss Xia, gusto mo bang magkomento tungkol sa virus outbreak na ito? Ang sabi ng publiko na ang simula nito ay ang Academic Olympics na isinagawa ng iyong paaralan, may komento ka ba tungkol doon?"

"Miss Xia, may mga balita na ang virus outbreak na ito ay parte ng mas malaking konspirasiya, maaari mo bang ikumpirma ito? Ang konspirasiyang ito ba ay may kaugnayan sa iyo?"

"Kalalabas mo pa lamang ng ospital, ito ba ay dahil sa nagpunta ka doon para bisitahin ang mga biktima? Ano na ang sitwasyon doon, at ano na ang lagay ng mga pasyente?"

"Miss Xia…"

"Please excuse us, wala kaming komento."

Si Sam at ang grupo niya ay itinulak ang reporter ng malakas para makadaan si Xinghe. Pumasok na si Xinghe sa kotse, at hanggang hindi pa umaandar ang makina, hindi pa din tumitigil ang mga reporter. Saka na lamang nakahinga ng maluwag si Xinghe at ang iba pa ng tumigil na ang mga ito sa paghabol.

"Saan sila nanggaling? Para silang mga piranha," walang magawang sabi ni Ali.

Hindi na sumagot si Xinghe pero inutusan si Cairn na nagmamaneho, "Pumunta tayo sa Shen family residence."

"Okay." Iniliko ni Cairn ang manibela para magtungo sa Shen family.

Ang pinaka apektado ng pangyayaring ito ay si Xinghe dahil ang virus outbreak ay nagsimula sa kanyang kumpetisyon. Marami ang humihiling ng paliwanag mula sa kanya, pero ano'ng paliwanag ang maibibigay niya? Ang konspirasiya na ito ay mas malaki kaysa sa kanyang iniisip.

Mayroon siyang isang taong malapit sa kanya na maaari niyang makausap tungkol dito, si Elder Shen. Matapos ang insidente, ang Shen family ay sumusubok na tulungan si Xinghe na harapin ang ilang isyu. Ang pokus ay lumipat mula sa kanya patungo sa Hwa Xia.

Nang dumating si Xinghe, mayroon siyang sikretong pagpupulong kay Elder Shen sa study nito ng may katagalan. Ibinunyag niya ang lahat dito, kasama na kung paano niya nahanap ang lunas at ang suspetsa niya tungkol kay Tong Liang.

Nagulat ng husto si Elder Shen. "Ang ibig mong sabihin ang United Nations ang nasa likuran nito at si Tong Liang ay nakipagsabwatan sa kanila."

Tumago si Xinghe. "Oo. Kung magagawang mabaliktad ng lunas ang epekto ng virus, siguradong nagmula ito sa mga taong mula sa buwan. Kaya naman, makikita na natin na may sariling agenda ang mga taga United Nations nang dakpin nila ang mga ito."

Alam na ni Elder Shen kung ano ang tinutukoy niya. "Sa tingin mo ay ginagamit nila ang mga ito para makuha tayo… ang Hwa Xia?"

"Oo, pero napakaraming ispekulasyon dito; hindi ako mangangahas na sabihing isang daang porsiyentong sigurado ako," mariing sambit ni Xinghe.

Naiintindihan ni Elder Shen ang pag-iingat niya. Isa itong malaking konspirasiya. Kung totoo ito, kung ganoon ay nakabitin sa balanse ang buong Hwa Xia…

Gayunpaman, sa puntong ito, ang mundo ay napagbantaan na ng isang mad space scientist, kaya ano pa ba ang imposible?

Isa pa, ang kasalukuyang aksiyon ng Country W ay nagbibigay patunay sa ispekulasyong ito.

Bab berikutnya