Sinabi nito na hindi siya kwalipikado na malaman kung paano nito iyon nagawa. "Ito ay dahil sa alam ko kung sino talaga ang nagdisenyo ng iyong sistema. Alam ko ang mga teorya sa likod nito, kaya naman natural lamang na alam ko kung paano mapasok at mahack ang mga ito."
Ano?! Napaangat ang ulo ni He Lan Yuan at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Ang mga mata nito ay madilim na tumingin sa kanya, at ang sorpresa at pagkabigla ay mahahalata sa mukha nito. "Ikaw, ikaw ay… ang ina mo ay si…"
Kalmadong tumango si Xinghe. "Tama, siya nga iyon."
"Imposible!" Napasinghap si He Lan Yuan. "Walang anak na babae si Xia Wa; ang isang babaeng tulad niya ay hindi manganganak dahil walang sinuman sa mundong ito ay karapat-dapat para manahin ang kanyang legacy! Ang kahit sino na walang silbing tao ay hindi sapat para magbigay sa kanya ng anak, hindi ka maaaring maging anak na babae ni Xia Wa!"
Xia Wa? Pansamantalang kumurap ng mabilis ang mga mata ni Xinghe. Hindi niya kailanman nalaman ang pangalan ng kanyang ina, tumanggi namang sabihin sa kanya ito ng kanyang ama, marahil ay isa itong pangako sa pagitan ng kanyang mga magulang. So, ang pangalan pala niya ay Xia Wa…
Sa bibliya, si Xia Wa ang unang babae na nilikha ng Diyos, ang unang tao na nakakuha ng katalinuhan. Siguro ay may mas malalim pang kahulugan sa likod ng pangalan ng kanyang ina?
"Ang sabi niya ang pangalan niya ay hindi Xia Wa," mabagal na sagot ni Xinghe.
Walang galak na tumawa si He Lan Yuan. "Tama lamang na ibinigay niya sa inyo ang maling pangalan dahil hindi kayo karapat-dapat na malaman ang tunay niyang pangalan. Xia Wa ang pangalang ipinagkaloob ko sa kanya."
"Bakit?" Tanong ni Xinghe.
Ang totoo ay isang malungkot at nag-iisang tao si He Lan Yuan. Natigil siya sa moon base ng wala man lamang mapagsabihan ng kanyang natatagong sikreto, kaya wala sa kanya na ibahagi ang mga ito kay Xinghe, tulad ng kung paano nahihilig na ibahagi ng mga kalaban ang kanilang plano sa mga pelikula.
"Dahil siya na ang pinakamahusay na taong nasanay ko. Nagpakita siya ng malaking talento at katalinuhan mula ng siya ay bata pa, at nagagawa niyang matutuhan ang kahit anong bago na kaalaman; isa siyang learning machine. Matalino siya na katulad ko, at siya ang tanging tao sa mundong ito na aaminin kong kapamilya ko. Mula sa aking pananaw, siya ang unang babae sa mundo na tunay na nagtataglay ng katalinuhan at ang lahat ay tanga! Kaya naman, pinangalanan ko siyang Xia Wa dahil wala ng pangalan na nararapat pa sa kanya."
"Sa tingin mo talaga ay ikaw ang Diyos?" Malamig na tanong ni Xinghe.
Diretsong sumagot si He Lan Yuan, "Ako ang Diyos! Wala ng mas mahusay pa sa akin, at siya ay aking nilikha, ang pinakamahusay kong tagumpay sa buhay. Ako ang kanyang Diyos, at ako ang Diyos na nabuhay na muli!"
Hindi makapagsalita si Xinghe. Hindi talaga niya inaasahan na si He Lan Yuan ay napakahambog. Itinuring pa niya ang sarili bilang Diyos…
"Kung gayon ay nasaan siya?" Hindi na niya nais pang mag-aksaya ng panahon at dumiretso na ng tanong.
Biglang pumanglaw ang nananabik na kislap sa mga mata ni He Lan Yuan. Makikitaan ng galit at pait sa tono nito ng sinabi nito na, "Hindi ko alam kung nasaan siya."
"Kung hindi mo alam, sino ang nakakaalam?" Masungit na tanong ni Xinghe.
Galit na umangil si He Lan Yuan, "Tumakas siya! Ang bait-bait ko sa kanya at maingat ko pa siyang pinalaki… Handa pa nga akong ibahagi sa kanya ang buong mundo kasama siya. Napakarami kong ginugol sa kanya, pero ang lakas ng loob niyang tumakas at nagdala ng ilang grupo ng tao na kasama niya. Sa napakaraming taon, hinahanap ko siya, pero walang nangyari. Ang inisip ko ay namatay siya, pero sino ang makakaisip… nagpunta siya sa Earth at nagkaroon ng anak na babae!"
Ang tingin ni He Lan Yuan kay Xinghe ay biglang naging nakakatakot, na tila nais nitong burahin ang kanyang buhay. Ang tingin nito ay tila nakatingin ito sa pinakamaruming bagay sa mundo.