Nagbago ang pananaw ng mundo matapos ang pangyayaring ito. Natutuhan ng mga tao na pahalagahan ang buhay at kalikasan. Ang relasyon sa pagitan ng mga bansa ay lalong bumuti. Ang mundo ng siyensiya ay mas naging masigasig na paunlarin ang kanilang pananaliksik at progreso.
Kahit na ang ekonomiya ng mundo ay tinamaan ng husto, hindi naman naging matagal ang pagbawi nito. Gayunpaman, mayroong isang bagay na ang lahat ng bansa ay gawin ngayon, ito ay ang wasakin si He Lan Yuan!
Kung kailan naghahanda ang grupo ni Xinghe na lumipad patungo sa kalawakan, biglang nakatanggap ng hudyat ang Galaxy Control Centre mula sa buwan. Ito ang unang beses na nakatanggap ng anumang hudyat mula sa buwan ang Galaxy Control Centre pagkatapos ng pagkasira ng mga satellite kalahating buwan na ang nakalipas.
Noong una, ang lahat ay kinakabahan dahil inisip nila na ang senyales ay nagmula kay He Lan Yuan. Gayunpaman, ang lalaki na lumitaw sa screen ay isang tao na hindi pa nila nakikita dati.
"Ikaw ba si Miss Xia Xinghe?" Isang lalaki na nakasuot ng asul na military outfit ang nagtanong ng may seryosong hitsura.
Tumango si Xinghe. "Oo, ako nga."
"Miss Xia, ikinagagalak kitang makita, ang pangalan ko ay Shi Jian, ako ang military officer ni He Lan Yuan, o dapat ko bang sabihin na dati niya akong opisyal. Si He Lan Yuan ay nasa ilalim na ng aming kontrol at hindi na niya masasaktan pang muli ang Earth," biglang anunsiyo ni Shi Jian. Ang balita ay nakakagulat talaga.
"Napabagsak na ninyo si He Lan Yuan?" Tanong ni Xinghe para kumpirmahin. Ang lahat ay nasorpresa sa pangyayaring ito. Hindi nila inisip na ang mga bagay ay agad na magbabago.
Tumango si Shi Jian. "Oo, ngayon ay nasa ilalim na siya ng aming kontrol. Sinunod namin ang iyong payo; nagrebelde kami laban sa kanya para makamit ang kalayaan. Gayunpaman, bilang resulta nito, wala sa amin ang makaalis sa base at ang base ay malapit ng sumabog. Kaya naman, wala na kaming magawa kundi ang kontakin ka para humiling na tulungan mo kami. Ikaw lamang ang tanong tao na makakatulong sa amin ngayon."
Nabigla si Xinghe. Ang Shi Jian na ito ay direkta sa kanyang pananalita. Ang katotohanan na direkta nitong sinabi ang nakakabiglang balita ay nagbigay ng hitsura na hindi ito totoo. Gayunpaman, hindi inisip ni Xinghe na nagsisinungaling ito.
"Mr. Shi Jian, maaari mo bang sabihin ang nangyari ng buong detalye? Bakit hindi makalabas ng base ang kahit sino sa inyo kung nasa ilalim na ng inyong kontrol si He Lan Yuan?"
Direktang sumagot si Shi Jian, "Ang base ay may naka-install na internal defense system at tanging si He Lan Yuan ang nakakaalam ng password. Kailangan namin ang kanyang pahintulot para makaalis at makapasok sa base kung hindi ay walang maaaring umalis. Bago namin nagawa na madakip siya, pinagana ni He Lan Yuan ang defense system ng base. Kung hindi namin ilalagay ang password agad, ang base ay sasabog. Nakakulong kami sa loob dahil nabaliw na si He Lan Yuan. Hindi na namin makukuha ang password mula sa kanya. Gayunpaman, sa tingin ko ay hindi pa din siya papayag na ibigay sa amin ang password kahit na matino pa siya."
"Nabaliw na si He Lan Yuan?" Napasinghap sa pagkabigla si Xinghe.
Tumango si Shi Jian. "Oo. Matapos mong sirain ang ginawa niya ng buong buhay niya, mayroong napatid sa kanyang kalooban. Nagawa namin siyang dakpin dahil plano niyang gamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan para wasakin ang Earth. Hindi nagtagal matapos nito, nagsimula ng maging magulo ang kanyang mental na estado. Hindi kami makaalis sa base at tumatakbo na ang oras. Dahil nagawa mong mapasok ang depensa ng sistema ng satellite, ikaw lamang ang makakagawa ng kapareho nito sa defense system ng base. Tanging ikaw na lamang ang makakapagligtas sa amin ngayon, Miss Xia. Ang lahat sa amin ay nais na umalis sa lugar na ito, kapag nagawa mo kaming tulungan, ay payag kaming sumuko sa pwersa ng Earth."