Ang grupo ni Xinghe ay nakatayo sa harap ng naglalagablab na apoy. Sinasalamin ng kanilang mga mata ang apoy na umaabot hanggang sa langit. Ang mood ng lahat ay kasing-init tulad ng apoy na nagliliyab sa kanilang harapan, dahil ang apoy na ito ang nagpapahiwatig ng katapusan ng Angel Orphanage at ang katapusan ng He Lan family!
Oo, ito na ang magiging katapusan ng He Lan family. Inisip nila na isang apoy ang makakapagtago ng kanilang mga bakas, pero alas, ang apoy na ito ay simula pala lamang ng apoy ng impyerno na naghihintay sa kanila!
Hindi makakapayag si he Bin na ang utos nila ay matatakpan ang lahat, ang totoo nga, gagamitin pa niya ang apoy na ito para ibunyag ang lahat!
Ang apoy sa Angel Orphanage ay naging laman ng balita sa Country R kinabukasan. Maraming pulis at bumbero pati na din ang mga reporter ang nagpunta para tingnan ang nasunog na lugar. Habang dumarating ang araw, halos lahat ay narinig na ang tungkol sa apoy sa Angel Orphanage.
Sinundan ng lahat ang balita at agad na ipinag-utos ni Chui Qian na hulihin ang lahat ng may kinalaman sa He Lan family. Ang taon ng pagsasaliksik niya ay nagbunga na din sa wakas. Ang blacklist ay naglalaman ng pangalan ng lahat na dati ay nagtrabaho para sa He Lan family. Sa utos ng presidente, dinagsa ng pulis ang grupo ng mga taong ito, ni hindi nagbigay ng pagkakataon na makatakas ang mga ito.
Kahit ang satellite-launching base ay punung-puno ng maraming bilang ng mga pulis. Ang lugar ay selyado at ang pag-aresto ay walang tigil!
Dumating din ang grupo ni Xinghe sa eksena. Inisip niya na magagawa na niyang makita ang kanyang ina sa base at ganoon din ang inisip ni Ee Chen. Gayunpaman, matapos na dakpin ang lahat, ang mga magulang nila ay hindi pa rin nakikita.
Sinuyod na nila ang malawak na satellite-launching base, pero hindi nila ito makita.
Naguluhan si Xinghe. "Bakit wala sila dito?"
Inisip niya na siguradong nandoon ang mga ito dahil ang lahat ng mahuhusay na binhing napili mula sa ampunan ay pinadadala para magtrabaho doon. Napagtanto din niya ang kakaibang bagay. Walang kahanga-hangang mga binata at dalaga na nagtatrabaho sa base.
Nakakapagtaka ito dahil ang ampunan ay magpapadala ng napakaraming bata na may kakayahan sa bawat taon. Kung lohikal na sasabihin, dapat ay napakaraming tao na mula sa bawat edad ang nandoon, at ang pinagkaiba sa bilang ng mga edad ay hindi dapat marahas. Gayunpaman, nalaman nila na walang mga matatanda na may edad sa pagitan ng bente hanggang treinta. Ang buong henerasyon na iyon ay tila naglaho.
Dapat ay mga bagong dugo na makakabuhay ng kanilang pananaliksik, kaya pahahalagahan sila ng husto ng base kaya naman nasaan na ba ang mga taong ito.
"Dalhin ninyo ang manager dito at alamin ninyo. Marahil ay marami ding natatagong sikreto sa lugar na ito," pabulong na paalala ni Mubai sa kanya.
Tumango si Xinghe at agad na sinabihan ang pulis na dalhin sila para makaharap ang manager na nadakip. Ang pangalan ng manager ay He Lan Long; pinsan siya ni He Lan Chang. Hindi na kailangan pang sabihin pero hindi niya inaasahan na ang kuta niya ay agad na susugurin ng mga pulis.
Nang dumating si Xinghe at ang iba pa, nasa kalagitnaan ng pasigaw na pagtatalo si He Lan Long sa commanding officer ng operasyon. "Walang problema sa pasilidad na ito at isa itong pribadong pag-aari, kaya wala kayong karapatan na mang-aresto ng mga tao dito! Sinasabi ko na sa iyo ngayon na ang aming He Lan family ay isang pwersa na hindi mo maaaring kalabanin, kung hindi ka aatras sa segundong ito, wala sa inyo ang magagawang akuin ang konsikuwensiya na darating sa daanan mo!"
"Gusto kong makita kung ano'ng klase ng konsikwensiya ng pawala nang He Lan family ang magagawa nilang lahat," binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para sabihin.
Lumingon si He Lan Long para tumingin sa kanya, at dumilim ang mukha nito. "Ano ang sinabi mo?!"
"Ang sabi ko, ang He Lan family ay patay na." Nang-uumay na sabi ni Xinghe.
"Imposible!" Tanggi ni He Lan Long ng wala sa loob; malinaw na malinaw sa kanya kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng He Lan family.