webnovel

Nagpapasalamat Para sa Iyo

Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ito ang kanilang unang biktima. Kaya naman, kailangan nating mag-imbestiga ng malaliman sa ampunang ito at sa satellite-launching center. Ang duda ko ay may pinaplanong malaki ang He Lan family," sabi ni Xinghe.

Kinilabutan si Chui Qian sa kanyang bawat salita.

"Isang malaking plano?" Nagulat si Chui Qian sa rebelasyong ito. "Ano'ng klase ng plano? Ano pa ba ang alam mo?"

Umiling na si Xinghe. "Hindi ko maibubunyag ang mga impormasyon sa ngayon dahil masyadong maraming bagay na hindi natin alam. Matapos ang ilan pang kumpirmasyon, siguradong sasabihin ko sa iyo ang lahat dahil kakailanganin namin ang tulong mo na lubusang mawasak ang malaking pamilyang ito. Ang umasa kay He Lan Qi ay hindi magagawa ang bagay na kasing laki tulad nito."

Doon napagtanto ni Chui Qian, ang pinakakatakot na bagay tungkol sa He Lan family ay hindi si He Lan Chang kung hindi sa sobrang laki ng pamilyang ito mismo!

Sa mga nakalipas na dekada, ang He Lan family ay kumalat na sa bawat sulok ng bansa na tila isang hindi magamot na sakit. Ang pag-alis kay He Lan Chang ay isa lamang panandaliang ginahawa, hindi nito maaalis ang He Lan na tumor ng lubusan. Kung anupaman, ang pagkamatay ni He Lan Chang ay magbibigay babala lamang sa kanila at mas lalo nilang hihigpitan ang kanilang pagbabantay. Kaya naman, ang insidente kay He Lan Chang ay dapat na mapanatiling sikreto!

"Kaya naman, hindi natin dapat hayaang lumabas ang totoo tungkol kay He Lan Chang…" binuksan ni Chui Qian ang kanyang bibig para sabihin pero bago siya makatapos, tumango si Xinghe nang may pag-unawa.

"Malinaw sa amin ang tungkol diyan dahil sa tingin mo ay bakit namin pipiliing pakitunguhan ng pribado si He Lan Chang?"

Ang paraan ng pagtingin ni Chui Qian kay XInghe ay biglang nagbago. "Miss Xia, napahanga mo na naman ako sa pagiging detalyado ng iyong plano. Salamat na lamang at narito kayo, kung hindi ay nalunod na sa problema ang Country R!"

"Ano ang ibig sabihin ni Mr. President tungkol diyan?" Si Mubai na tahimik kanina pa ay biglang nagtanong.

Agad na nagpaliwanag si Chui Qian, "Ang orihinal kong plano ay ibunyag ang mga kriminal na ebidensiya ng He Lan family ngayon at piliing mamatay nang kasama sila. Ngayon ko lamang naiisip ang kahihinatnan mula doon. Siguradong makikipaglaban hanggang kamatayan ang He Lan family at dahil ang lahat ng kanilang tao ay nakakalat sa buong bansa, kapag nailabas ang mga ito, ang konsikuwensiya ay siguradong hindi maganda ang kakalabasan…"

Napakunut-noo si Xinghe. "Mabuti na lamang at hindi mo ito ginawa."

Doon din nalaman ni Chui Qian na isang malaking pagkakamali iyon. "Oo, salamat na lamang at nagawa ninyo akong iligtas at iligtas ang bansang ito."

Kung hindi, imbes na iniligtas ang kanyang bansa, siguradong nauwi sa malawakang kaguluhan ang kanyang bansa at mapaparatangan siyang isang traydor. Sa ngayon, lubusang humahanga si Chui Qian sa partido ni Xinghe. Sa hinaharap, sumumpa siyang tutulungan sila sa lahat ng makakaya niya, at naniniwala siya na, sa tulong ng mga ito, ay mapapabagsak din nila isang araw ang buong He Lan family. Hindi siya susuko hanggang hindi niya naiaalis ang malupit na tumor na ito mula sa pinakamamahal niyang bansa!

Ito na lamang ang tangi niyang pagkakataon na makabawi at ang kanyang responsibilidad. Matapos magpaalam kay Chui Qian, ipinagpatuloy ni Xinghe at Mubai ang kanilang pag-aanalisa sa kotse. Matapos ang mahabang usapan, nagdesisyon sila na gamitin ang ampunan bilang panimula. Natural lamang na kakailanganin nila ang tulong mula kay He Bin.

Ang kailangan lamang gawin ni He Bin sa ngayon ay ianunsiyo sa publiko na si He Lan Chang ay nagka-stroke at siya na ang papalit para pamahalaan ang negosyo ng pamilya. Ang sakit ni He Lan Chang ay agad na kumalat sa buong bansa, pero walang makapagsasabi kung ano na talaga ang lagay nito.

Kinuha na ni He Bin ang katauhan ni He Lan Qi para tulungan ang plano ni Xinghe. Dahil pinalaki siya sa pamamahay ng He Lan, may kaalaman siya sa maraming bagay kaya naman walang isyu na siya ang kumuha ng katauhan ni He Lan Qi.

Kaya naman, wala ni isa ang nagduda. Sa prosesong ito, maraming bagay na nalaman si He Bin na ginagawa ng He Lan family sa likuran ng mga eksena. Kinalap niya ang lahat ng mahahalagang impormasyon na ito at ipinasa ang mga ito kay Chui Qian.

Ang responsibilidad ni Chui Qian ay alisin ang impluwensiya ni He Lan Chang na inilagay sa mga sektor at departamentong ito!

Bab berikutnya