webnovel

Siya o si Tong Yan

Editor: LiberReverieGroup

Isa pa, kakadesisyon pa lamang ni Elder Shen na tanggapin si Tong Yan, ang bawiin ang salita niya sa ngayon ay magmumukhang malupit, hindi ba?

Nagsimula nang mag-alinlangan si Elder Shen. Tahimik si Xinghe; buong pasensiya niyang hinintay ang sagot nito. Hindi niya ito pinipilit dahil ang desisyon ay nandito. Kahit na ano ang napagpasiyahan nito, ay igagalang niya ito.

Gayunpaman, kapag pinili nitong kampihan si Tong Yan ay mapipilitan siyang humanap ng ibang paraan para hanapin ang kanyang ina. Hindi na niya sasabihin pa sa Shen family ang katotohanan dahil hindi na ito kinakailangan. Ang Lin family na nagdulot ng ibayong paghihirap sa kanyang ina, hindi niya mapapatawad ang mga ito kahit na ano ang mangyari.

Si Tong Yan ay parte ng Lin family kahit na gaano pa niya itatwa ito. Tulad ng isang bundok na hindi maaaring magtaglay ng dalawang tigre, isa lamang sa kanilang dalawa ang maaaring manatili. Ito ay si Xinghe o si Tong Yan lamang. Maaaring hindi patas ito sa iba pang parte ng Shen family na walang alam, pero para kay Xinghe, kung pinili ni Elder Shen si Tong Yan, tila ba pinili na nito ang Lin family kaysa sa tsansa na hanapin ang sarili nitong anak at ang ina ni Xinghe.

Tahimik ang atmospera sa study ng ilang panahon bago sa wakas ay nakagawa ng desisyon si Elder Shen. "Kahit na pakiramdam ko ay may kaugnayan pa ako sa pares ng mag-ina na iyon, nakuha nila ang pagmamahal ko ng ilang dekada; higit pa sa sapat iyon. Ang tunay kong anak ay nandoon pa, ang kapalaran ay hindi matukoy, hindi ko na mahahayaan pang maghirap siya. Kaya naman, nangangako ako na makikipagtulungan ko sa iyo." Napabuntung-hininga si Elder Shen.

Itinaas ni Xinghe ang pares ng mga maiitim niyang mata na kumikislap. "Sigurado ka?"

Mariing tumango si Elder Shen. "Oo, sigurado ako! Lubos akong makikipagtulungan sa iyo, puputulin ko na ang ugnayan ko sa kanila pareho. Naiintindihan ko na kung gaano ako kawalang-muwang. Inisip ko na pareho ko silang pwedeng panatilihin, pero sa ngayon ay nakikita ko na hindi ito posible."

Kapag nahanap niya ang kanyang tunay na anak, halata naman na sina Shen Ru at Tong Yan ay pahihirapan ito. Ang anak niya ay dumanas na ng hirap ng ilang dekada, kaya naman hindi na niya mahahayaan pang makaranas ito ng drama ng pamilya. Kahit na biglang magbago sina Shen Ru at Tong Yan, ang anak niya ay mag-aalinlangan sa kanila dahil kabilang ang mga ito sa pamilya na gumawa ng mga nakakahindik na bagay na iyon sa kanya. Kaya naman, ang tanging paraan para tratuhin ng maigi ang kanyang anak ay ang putulin ang lahat ng ugnayan kina Shen Ru at Tong Yan kung hindi ay isa lamang itong sakuna na naghihintay na maganap.

Matapos na makumpirma ang mga iniisip nito, ang tingin ni Xinghe ay lumambot ng ilang antas. "Okay, salamat sa pagtitiwala sa akin. Nangangako ako na tutuparin ko ang parte ko sa lalong madaling panahon."

Tumayo na si Xinghe at sinabi, "Grandfather, bibisita din ako sa iyo ulit, sisiguraduhin kong magtatagal na ako para sa hapunan sa susunod." Alam niyang lalong magiging malala ang mga bagay kung magtatagal lamang siya.

"Okay, hanapin mo ako kung may kailangan ka." Hindi na siya pinilit ni Elder Shen na magtagal dahil mayroon siyang bagay na kailangang gawin, at ito ay ang wasakin ang inaasam na pangarap ni Tong Yan.

Tumango si Xinghe at iginiya na palabas si Ali. Nang dumaan sila sa sala, nasalubong nila ang tingin nina Tong Yan at Chui Ying.

Bahagyang sumulyap sa kanila si Xinghe at umalis ng walang sinasabing salita.

Biglang tumayo si Tong Yan para magyabang. "Xia Xinghe, aalis ka na agad? Bakit hindi ka magtagal para sa hapunan? Hindi ba't ipinahanda pa ng lolo ko ang maraming masasarap na pagkain para sa iyo, kaya paano mo siya nagawang biguin ng ganoon na lamang?"

"Bakit siya mananatili? Para maging kakatawanan? Little Yan, ikaw ang bida dito at hindi siya kwalipikado para gampanan ang parte ng isang ekstra," paismid na dagdag din ni Chui Ying. Pareho nilang iniisip na aalis si Xinghe dahil hindi nito matagalan na hindi pinapansin. Dahil nga naman, ngayong nakabalik na si Tong Yan sa puso ni Elder Shen, si Xinghe, ang bagong ampon na ito, ay natural lamang na maaalis sa kanilang landas.

Ang aroganteng Xia Xinghe ay siguradong hindi mananatili, iyon ang iniisip nila.

Hindi na mapigilan pa ni Tong Yan ang mapagmalaking ngisi na nagsisimulang lumabas sa mukha nito. Ang kanyang mga mata na nakatingin kay Xinghe ay napupuno ng pang-uuyam.

Si Ali, na hindi matagalan ang paraan ng pagtingin ng mga ito kay Xinghe, ay patuyang nagsalita, "Masyado pang maaga para malaman kung sino ang bida! Pinapayuhan ko kayong dalawa na huwag masyadong mayabang kung hindi ay masakit ang mga sampal na paparating sa inyo!"

Bab berikutnya