webnovel

Pagtanggap na Muli

Editor: LiberReverieGroup

"Xinghe, maaari ka bang sumunod kay Grandpa sa study?" Mabait na pakiusap ni Elder Shen. Kahit na si Xinghe ang bagong tanggap na apo niya, itinuturing niya itong kanya. Kahit na tinanggap niyang muli si Tong Yan, ang trato niya kay Xinghe ay hindi nagbago.

Tumango si Xinghe at isinama niya si Ali patungo sa study.

Pinanood silang umalis ni Tong Yan ng may inosenteng ngiti sa kanyang mukha, ni isang bahid ng pagkamuhi ay hindi makikita dito. Gayunpaman, sa sandaling nawala na sila sa sulok, nagbago ang mukha nito.

Tinapik ni Chui Ying ang likuran ng kanyang palad at inalo siya, "Little Yan, huwag kang mawalan ng pasensiya, isa itong matagalang laban. Ngayon ang magandang siula, tinanggap ka nang muli ni Grandfather Shen. Tandaan mong ipagpatuloy ito kung hindi ay masasayang ang lahat ng ginawa natin."

Humugot ng malalim na hininga si Tong Yan at sumagot, "Ying Ying, huwag kang mag-alala, alam ko na ang gagawin ko. Kikilos ako ng naaayon sa plano mo dahil siguradong gumagana ito! Hinanap ko ng maraming beses si Grandpa, pero ni minsan ay hindi niya ako gustong makita. Pero sa pagkakataong ito, talagang lumambot ang pakikitungo niya sa akin. Ipagpapatuloy ko ito para mahirapan ang p*tang iyon at hindi ko hahayaan na masayang ang lahat ng ginawa natin."

Mayabang na ngumisi si Chui Ying. "HIndi ba't sinabi ko na sa iyo na gagana ang plano ko? Ang makaharap ng tusong p*ta tulad ni Xia Xinghe, kailangan mong mas mahaba ang pasensiya kaysa sa kanya. Ang taong mananatili ay ang magiging panalo, kaya mula ngayon, ang tangi mong asignatura ay ang maging mabuting bata sa harapan ni Grandfather Shen at iwanan ang iba pa sa akin."

"Ying Ying, ikaw na talaga! Kung wala ka, hindi ko na alam ang gagawin…" hinablot ni Tong Yan ng may pagpapasalamat ang mga kamay ni Chui Ying. Ang kanyang puso ay punung-puno ng kayabangan dahil tama siya na hanapin si Chui Ying para tulungan siya!

Tutulungan siya ni Chui Ying na mapalayas si Xia Xinghe. Sa araw na magawa niyang sipain palabas ng pintuan si Xinghe at bawiin ang lahat ng pag-aari niya ay nalalapit na at pinausbong nito ang tuwa sa kanyang puso. Hindi na siya makahintay na dumating ang araw na iyon. Gayunpaman, ang hindi niya napaghandaan ay ang katotohanan na si Xinghe ay ang bayolohikal na apo ni Elder Shen…

Sumunod si Xinghe kay Elder Shen sa study. Ang una niyang itinanong dito ay ang kanyang paglalakbay sa Country R bago nagtanong tungkol sa paghahanap.

Walang pagsidlan ng tuwa si Elder Shen. "Totoo? Anong mga palatandaan?!"

Umiling si Xinghe. "Ayokong itaas ang pag-asa ninyo para sa wala, pero maniwala kayo sa akin sa ngayon."

"Siyempre gagawin ko iyon." Ikinaway ni Elder Shen ang kanyang kamay at sinabi, "May lubos na tiwala ako sa kakayahan mo, pero kailangan pa din kitang paalalahanan, ang kaligtasan mo ay mas importante kaysa sa paghahanap. Kung ang bagay na ito ay masyadong delikado, huwag kang magmadali na harapin ito, kailangan mong bumalik sa amin para pag-usapan muna natin ito."

"Gagawin ko po." Tumango si Xinghe bago niya itinaas ang kanyang mga mata para tumingin dito. Hindi niya maiwasan ang sarili na magtanong, "Grandfather, talaga bang plano mong tanggaping muli sina Shen Ru at Tong Yan?"

Hindi inisip ni Elder Shen na magiging interesado sa mga ganitong bagay si Xinghe, kaya naman nagulat siya nang magtanong ito ng ganitong tanong.

Tumingin siya dito at napabuntung-hininga. "Imposible na ayusin ang tulay na tila walang nangyari. Gayunpaman, kahit na ano pa, hindi ako maaaring magkunwari na hindi sila nabubuhay, ang ilang dekada ng ugnayan ay hindi basta-basta mabubura ng ganoon lamang. Pero sa ngayon, tatratuhin ko sila bilang pamilya, pero bukod pa doon, sa tingin ko ay magagawa ko pa."

Ang totoo, hindi ito sa dahil ayaw niya, pero hindi niya magawa dahil hindi ito magiging patas para sa kanyang nawawalang anak at hindi niya mapapatawad ang ginawa ng Lin family sa kanila.

Bab berikutnya