webnovel

Ang Pinakamahusay

Editor: LiberReverieGroup

Matapos niyang simulang i-buy out ang Xi Empire, ang stock ng Xi Empire ay nagsimulang bumagsak, at ang produkto nito ay tumigil na mabili. Ang Xi Empire ay tinamaan pa ng panibagong dagok dahil sa aksidente ni Xi Mubai. Hindi siya binigo ng Xi Empire, at nagsimula na itong humina sa araw-araw na nagdaan.

Alam niyang kakailanganin niya ng oras at pasensiya para masakop ang higanteng balyena na ito. Ang totoo, bumaba na siya para maghanda na dahan-dahanin ito.

Kaya naman, ang biglaang paglaban ng Xi Empire ay naging isang malaking surpresa sa kanya. Matapos mawala ni Xi Mubai, nagkaroon pa ng isang mapangahas na taktika ang Xi Empire. Paano kaya nila ito ginawa?

Hindi ba sila natatagot na ang pagsasayang ng kayamanan ay magpapabilis lamang ng kamatayan ng Xi Empire? Hindi kaya ay isa na lamang itong paglaban ng isang hayop na malapit nang mamatay?

Gayunapaman, kahit na saan pa niya ito tingnan, mukhang hindi susuko ang Xi Empire. Kung kaya, isa itong paghihiganti laban sa Bao Hwa. Ang mukha ni Lin Jin ay dumilim nang malaman niya ito.

At sa oras na iyon, ang tawag ni Lin Xuan ay dumating.

"Hello, Big Brother." Mahinang sambit ni Lin Jing sa telepono.

Nagtanong si Lin Xuan, "Bina-buy out ng Xi Empire ang Bao Hwa, ano ang opinyon mo?"

"Hindi ko inaasahan iyon."

Tumawa si Lin Xuan. "Ang kanilang reaksiyon ay talagang mabilis. Hindi ko din inaasahan na matapos ang kamatayan ni Xi Mubai, ay makakaisip sila ng ganitong plano."

"Sa madaling salita, hindi ito desisyon ni Xi Mubai." Ang mga salita ni Jin Ling ay nababahiran ng kumpiyansa. Hanggang hindi ito si Xi Mubai, ay wala siyang dapat na katakutan. Ito ay marahil swerte ng isang baguhan mula sa taong kanyang kakalabanin.

Ganito din ang inisip ni Lin Xuan. "Dahil lumaban ang Xi Empire, ang plano na kainin sila ay mas lalong magiging mahirap."

"Kapatid, huwag kang mag-alala, ako na ang bahala dito," sabi ni Lin Jing sa kaparehong kumpiyansa.

"Ano ang plano mo?"

Malamig na ngumisi si Lin Jing. "Kapag wala si Xi Mubai, ang kamatayan ng Xi Empire ay hindi na mapipigilan. Kaya naman, ang tanging bagay na magagawa ko ngayon ay ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kanila, dahil, ang mananalo ay ang huling nakatayo."

"Jing Jing, hindi maganda na makipaglaban sa Xi Empire ng hayagan."

"Alam ko, pero Big Brother, kakampi kita, tama? Kapag nandito ka, may tiwala akong mapapabagsak ko ang Xi Empire. Isa pa, naisakripisyo na natin si Lin Yun; kailangang maipanalo natin ito para sa alaala niya."

Tumawa si Lin Xuan. "Sige, naniniwala ako sa kakayahan mo. Marami ka nang nagawa sa batang edad mo; wala ni isa ang magiging kakumpetensiya mo. Gawin mo na ang iyong plano, tutulungan kita kung kailangan mo."

"Salamat." Matapos niyang ibaba ang telepono, ang bibig ni Lin Jing ay kumurba para sa isang ngiting may kasamaan. Xi Empire, dahil matigas ang ulo mo, makikita natin kung sino ang magwawagi sa bandang huli!

Sa ikinagulat ng lahat, gumanti din ang Bao Hwa. Ngayon ay ginagamit nila ang triple ang presyo ng stocks ng Xi Empire sa merkado!

Sa madaling salita, ay pinapantayan nila ang presyo ng Xi Empire.

Ang mga taong nanonood ay nagulantang. Ah, ang Bao Hwa ay malakas din pala; nangahas silang ipagpatuloy ang pakikipagtalo sa Xi Empire, ibig sabihin na sila, ay isa ding pwersa na dapat tingnan. Mukhang ito na talaga ang katapusan para sa Xi Empire.

Gayunpaman, sa isang kisapmata, gumanti ang Xi Empire, gamit ang limang beses na presyo sa merkado para bilhin ang mga stock ng Bao Hwa!

Nagkagulo ang mga tao.

So ang Xi Empire ang big boss! Sa bawat oras na gaganti sila, dinodoble nila ang presyo, mas kahanga-hanga ito kaysa sa Bao Hwa.

Bab berikutnya