Gayunpaman, si Xinghe ay nanatiling walang ekspresyon. Wala kahit kibot sa kanyang mga emosyon. Siya ang dapat na mas na-trauma, pero siya pa ang pinakakalmado sa kanilang lahat.
Matapos ang ilang sandali, sa wakas ay nalugmok na si Kelly sa sakit. Tumigil na din sa pagsasapelikula ang mga lalaki at umalis na.
"Pumasok na kayo ngayon!" Agad na utos ni Xinghe. Ang mga tauhan ni Mubai ay agad na pinasok ang selda ni Kelly at sinimulan na ang makahindik-balahibong operasyon ng pagsasagip!
Sa labas, dumating na ang bukang-liwayway. Ang mga tao sa labas ng state hall ay nagsimula nang gumising.
Ngayon ang huling araw ng eleksiyon, ang tanging dalawang kandidato na nakarating sa hulihan ay sina Philip at Aliyah. Matapos ang pagbibilang ng mga boto nang araw na iyon, ang bagong presidente ay ipapahayag na. Gayunpaman, bago iyon, ang bawat kandidato ay may huling pagkakataon para magbigay ng talumpati.
Si Philip, na nakasuot ng kanyang unipormeng militar, ay walang ekspresyong nakaupo sa silid-hintayan. Nakatingin siya sa labas ng bintana ng walang mahahalatang ekspresyon. Biglang bumukas ang pintuan.
Pumasok si Aliyah. Alam ni Philip kung sino ito mula sa tunog ng mga takong kahit hindi na siya lumingon pa.
"Philip, bakit hindi ka na mauna para sa talumpati?" Magaang tanong ni Aliyah. Ang tono niya ay hindi mababahiran ng pagtatanong. Ang tanong niya ay tila isang utos.
Mabagal na bumaling sa kanya si Philip. Ang pares ng maiitim niyang mata ay tumitig sa kanya at wala siyang sinabing salita. Gayunpaman, isang tanong ang malinaw sa kanyang mga mata. Ano pa bang kalokohan at pandaraya ang gagawin mo sa oras na ito?
Ang labi ni Aliyah na nakukulayan ng pula ay kumurba para sa isang bahagyang ngiti. "Gayunpaman, baka gusto mong baguhin ang iyong talumpati. Tinulungan ka na namin sa ilang pagtatama, ang lahat ng ito ay nasa video na ito, bakit hindi mo ito tingnan."
Matapos iyon, inilabas niya ang isang telepono at ipinasa ito kay Philip. Hindi ito kinuha ni Philip. "Ano ang mayroon dito?"
"Malalaman mo kapag tiningnan mo. Pagsisisihan mo ito kung hindi mo papanoorin." Ang ngiti ni Aliyah ay may kayabangan. Ang puso ni Philip ay kumibot ng may takot, pero hindi niya ito ipinakita sa kanyang mukha. May alinlangan niyang kinuha ang telepono, at habang binubuksan niya ito, ang nakita niya ay dumurog sa puso niya sa sobrang sakit at pinasilab nito ang galit niya tulad ng apoy na binuhusan ng langis.
Sa video, si Kelly ay nagpapabaling-baling sa paligid na nahahalatang dahil sa sakit. Ang kanyang bawat sigaw ay tila isang matalim na kutsilyong sumasaksak sa puso niya.
Galit na bumaling si Philip at pinandilatan si Aliyah. "Ano ang ginawa ninyo sa kanya?!"
Hindi nagpakita ng takot si Aliyah, ang totoo pa nito, ang ngiti nito ay mas lalong lumawak. "Ipagpatuloy mo ang panonood, hindi magtatagal at malalaman mo din."
"Philip…" Bigla, isang lalaki na nakasuot ng puting kapa ay tinawag ang pangalan niya. Ang lalaki ay walang emosyong tumitig sa camera at sinabi, "Binigyan namin ang asawa mo ng isang klase ng lason na highly corrosive. Kapag hindi naibigay sa kanya ang antidote sa susunod na dalawang araw, ang kanyang mga lamang-loob ay magsisimula nang pumalya. Kapag nangyari iyon, kahit na ang Diyos ay hindi na siya maililigtas pa. Isa pa, bago ang kanyang kamatayan, mararanasan niya ang sakit na hindi matatawaran, tulad ng iyong nakikita ngayon… alam kong gusto mo siyang iligtas mula sa isang malagim na kamatayan. Kung gusto mo siyang iligtas, isuko mo ang karapatan mong tumakbo. Tandaan mo, tanging sa pagsasabi mo na hindi ka na tatakbo sa pagiging presidente lamang siya mabubuhay."
Matapos noon, ang nakaputing kapa ay umalis na sa camera ng may nasisiyahan at nakakasindak na ngiti. Ang iba pang makikita sa video ay isang horror show na ipinapalabas ang paghihirap ni Kelly. Tila ba na nais pasakitan si Philip, ang camera ay patuloy na nakatutok sa mga hirap at nasasaktang hitsura ni Kelly…
Ang video ay nagtagal hanggang sa nawalan na ng malay si Kelly mula sa sobrang hirap at sakit.
Sa buong oras na iyon, napilitan si Philip na panoorin ang asawang indahin ang sakit, pero wala siyang magawa. Sa wakas, ang telepono ay nahati sa dalawa sa mga kamay ni Philip!
Hinablot niya ang leeg ni Aliyah at tinitigan ito ng may kagustuhang pumatay.