webnovel

Hindi Siya Pinansin ng Lubusan

Editor: LiberReverieGroup

Mula doon, masasabi ni Chengwu na ito ang anak ni Xinghe na si Xi Lin.

"Ikaw si Lin Lin?" Tanong ni Chengwu na halata ang pagkabigla.

Tumango si Lin Lin at magalang na sumagot, "Ako po iyon, Lolo, masaya po akong makilala ka."

Nagitla si Chengwu at naunawaan na dapat talaga siyang tawagin ni Lin Lin na lolo. Ito ang unang beses na natawag siyang lolo kaya hindi niya maiwasan na hindi ngumiti.

"Mabuti, mabuti, Lin Lin, masaya akong makilala ka. Halika na sa loob, narito ka para makita si Xinghe, tama? Bababa na siya maya-maya! Halika na sa loob para dito na maghintay!"

Masaya silang inimbitahan ni Chengwu, ang pagkaasiwa niya kay Mubai kahapon ay tuluyan nang nawala. Ang presensiya ni Lin Lin ang nakapag-alis nito. Maaring talentado ng higit pa sa kanyang edad si Lin Lin pero guwapo talaga ito. Mabait si Lin Lin at makisig tingnan. Ang kagwapuhan niya ay lampas na sa talaan. Hindi pa siya nakakatagpo ng tao na hindi niya naaakit.

"Lin Lin, nakakain ka na ba ng agahan? Gusto mo ba ng makakain?"

Pababa na si Xinghe at nakita niya kung paano palayawin ng kanyang tiyo si Lin Lin. Masunuring umiling si Lin Lin. "Second Grandpa, hindi po ako gutom, pero salamat po sa pag-alok ninyo."

"Hindi ka gutom? Gusto mo ba ng matamis, prutas, o isang baso ng juice?"

Hindi maiwasan ni Xinghe na ngumiti. Nang makita nila ito, bumaling sa kanya si Chengwu at masayang nagkomento, "Xinghe, napakagwapo ni Lin Lin at napakatalino."

Ang mga maliwanag na mata ni Xinghe na natuon kay Lin Lin ay napuno ng pagkagiliw.

"Lin Lin," mahinang tawag niya sa pangalan nito.

Sumagot ng may malaking ngiti ang bata. "Mommy."

Hindi mapigilan ni Xinghe ang kasiyahan na nag-uumapaw sa kanya. Sa ibang kadahilanan, kahit na ilang taon silang hindi magkasama, walang distansiya sa pagitan nila. Mahahalata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Lumuluksong lumapit si Lin Lin sa kanyang tabi at natural na ginagap ang kanyang kamay. Pagkatapos ay itinaas nito ang kanyang ulo para tumingala sa kanya at nagtanong, "Mommy, handa ka na ba? Nagpareserba na kami ng makakainan."

Tumango si Xinghe ng may malaking ngiti. "Handa na ako."

"Kung gayon, tara na." Hindi nakalimutan ng maliit na bata si Chengwu, kumaway pa ito habang tinutungo nila ang pintuan. "Second Grandpa, aalis na po muna kami pero bibisita ulit ako sa susunod."

"Sige, maghihintay sa iyo ang iyong Grandpa," nag-aatubili pang magpaalam sa kanila si Chengwu.

Tumango si Lin Lin bilang pangako habang masaya niyang hinihila si Xinghe palabas. Ang mga mata ni Xinghe ay walang tigil na natuon sa kanya.

Pakiramdam ni Mubai na nakaupo sa sofa ay nainis ang kanyang puso. Wala ba silang nakakalimutan? Paano nilang nagawa na tuluyan akong hindi pansinin?

Kahit si Chengwu na bumalik matapos magpaalam sa mga ito sa pintuan ay nagulantang na makitang nakaupo pa din siya doon. "Huh, hindi ka ba sasama sa kanila?"

"Uncle Xia, aalis na din ako. Paalam."

"Okay."

Natural na naglakad na si Mubai patungo sa kanyang kotse. Nang makalapit siya, napansin niya na nasa loob at nakaupo na sina Xinghe at Lin Lin. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa. Kahit na napansin siya ng mga ito, hindi sila tumugon sa kahit anong paraan ngunit nagpatuloy na mag-usap ng silang dalawa lamang.

Biglang nagkaroon ng mapang-usisang kaisipan si Mubai. Mali ba na dalhin ko si Lin Lin sa kumidang ito?

Matapos niyang pumasok, gustong maupo ni Mubai sa tabi ni Xinghe pero ayaw lumipat ni Lin Lin. Ang totoo, sinadya pa ng maliit na bata na gamitin ang kanyang puwit para itulak si Mubai pabalik kaya naman may malaking distansya sa paligid nila Mubai at Xinghe.

"Mommy, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Hindi pinansin ni Lin Lin ang inis ni Mubai at itinuon ang lahat ng kanyang atensiyon kay Xinghe.

Bab berikutnya