webnovel

Siya ang Young Master ng Feng Family

Editor: LiberReverieGroup

Nakakabawi pa lamang si Mubai mula sa kanyang biglaan at hindi makontrol na emosyon. Ang tingin niya ay natuon sa screen matapos marinig ang mga salita nito.

"Siya iyon!" Naningkit ng may panganib ang mga mata ni Mubai. Ang mukha ng lalaki sa screen ay masyadong pamilyar. Ang hangin sa paligid ni Mubai ay napunan ng killing intent.

"Ito ang dumukot sa iyo?" Nakakatakot na tanong nito.

Tumango si Xinghe. "Siya nga iyon. Kilala mo ba siya? Sino siya?"

Walang tuwa na tumawa si Mubai. "Siya pala iyon. Sa City T, mayroon lamang isang grupo na may sapat na kapangyarihan para tapatan ang XI family at iyon ay ang Feng family. Ang taong ito ay ang Young Master ng Feng family, si Feng Saohuang. Hindi lamang iyon, sa kasalukuyan ay isa itong major general."

"Ang Feng family?" Hindi pamilyar si Xinghe sa pulitika ng City T kaya hindi pa niya naririnig ang pangalang ito dati.

Nagpaliwanag si Mubai, "Ang Feng family ang aming pinakamahigpit na karibal. Sa mga nakalipas na panahon, mabilis ang kanilang pag-unlad at ngayon ang target nila ay natuon sa aming Xi family. Para sa iyong impormasyon, may masamang nangyari kay Munan kahapon, ngayon ay mas sigurado na ako na may kinalaman ito sa kanila."

"Ang pinsan mo, si Munan?" Nasorpresa si Xinghe.

"Oo, siya na nga."

"Ano ang nangyari?"

Sinabi sa kanya ni Mubai ang lahat. Nagulat si Xinghe na ang isang makapangyarihang pwersa tulad ng Xi family ay makakaharap ang isang problemang kasing seryoso tulad nito. Pero gaya nga ng sabi nila, ang mas mataas na pag-akyat mo, mas dumarami ang bilang ng mga taong gusto kang pabagsakin. Dahil ang Xi family ay may masyadong malaking monopolyo sa merkado, at sa pagbagsak lamang ng Xi family ay magkakaroon ng pagkakataon na makaangat ang iba pang tao.

Naiintindihan ni Xinghe kung gaano kalupit ang mundo, lalo na sa mga negosyo at sa mundo ng militar. Ito ay ang kumain o ikaw ang makain.

Hindi titigil si Feng Saohuang para makuha ang kapangyarihan at ang kumita. Personal niyang natikman ang mga paraan nito dati; alam niya na isa itong malupit na tao. Ngayon na ang target nito ay natuon sa Xi family, ang layunin nito ay siguradong mas malaki kaysa ang pabagsakin ang Xi family. Pinupuntirya siguro nito na durugin ang Xi family hanggang sa wala na itong pagkakataon na makabangon!

Hindi siya makakapayag na mangyari iyon! Nangako siya na tutulungan si Mubai kung kinakailangan at hindi siya makapapayag na kahit anong kapahamakan ang lumapit sa kanyang anak!

Kaya naman, para sa kapakanan ni Lin Lin, kailangan niyang tumulong para mapigilan ang bantang ito; kailangan niyang tapusin ang Feng family.

"Naglagay ka na ba ng mga pangontra?" Biglang tanong ni Xinghe.

Mataimtim na umamin si Mubai, "Hindi pa. Wala kaming pruweba kaya wala kaming magawa laban sa kanya. Ang pinakaimportanteng gawin ngayon ay ang tulungan si Munan na malinis ang pangalan niya para hindi magtagumpay ang balak ni Feng Saohuang."

Tumango si Xinghe. "Gayunpaman, mas madali itong sabihin kaysa gawin. Kailangan nating pagtuunan ng pansin para mapalabas muna ang traydor bago natin simulan ang paghahanap sa mga nanakaw na armas."

Tumingin si Mubai sa kanya at gwapong ngumiti, "Tingin mo ay may traydor din?"

Itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay. "Ang isang traydor lamang ang makakanakaw ng mga armas ng tahimik mula sa ilalim ng pagbabantay ng iyong pinsan."

"Tama ka," napuno ng paghihiganti ang mga mata ni Mubai. "Sino man iyon, ang katapusan nila ay magiging hindi kanais-nais dahil sa pagkakanulo nila sa aming Xi Family."

"Magsabi ka sa akin kung kailangan mo ang tulong ko," sabi ni Xinghe, "Dahil ang galit ko ay mawawala lamang kung ako mismo ang tatapos sa Feng Saohuang na iyon!"

Nagtanong si Mubai, "Bakit ba hinahanap niya ang itim na kahita? Ano ang koneksiyon niya sa Project Galaxy?"

Noon lamang napagtanto ni Xinghe na hindi pa niya nasasabi kay Mubai ang impormasyon na ibinigay sa kanya ni Ye Shen.

"Gusto mo bang malaman kung gaano kalaking sikreto ang itinatago ni Ye Shen?"

"Ano?"

"Ayon sa kanya, ang katapusan ng mundo ay mangyayari sa susunod na ikalabing limang taon, at ang mga itim na kahita ay mga enerhiyang kristal na magpapagana sa mga spacehip na mag-aalis sa atin mula sa Earth."

Bab berikutnya