webnovel

Pumasok Ka Na!

Editor: LiberReverieGroup

Lumingon ang lahat para tingnan siya.

Mabagal siyang naglalakad mula sa loob ng bahay. Kahit na pilay ang kanyang binti naglalakad ito sa daanan na tila isa itong entablado ng mga modelo.

Masama siyang tiningnan ni Ye Qin. Sinasadya ng b*tch na ito na maging masama ang dating ko!

Ang biglang sampal na ito ay pumaso sa mukha ni Ye Qin. Umaasa siya na sana ay hindi bumaba ang tingin sa kanya ni Mubai.

Ginawa ni Ye Qin ang makakaya niya para makalusot sa kanyang kasinungalingan. "Ate, nakauwi ka na pala. Naaalala ko na umalis ka kasama si kuya kaninang umaga. Nagkamali siguro ako."

Ngumisi si Xinghe. "Kailangan mo sigurong ipasuri ang mga mata o utak mo."

"Ikaw…" nakaramdam ng pananakit sa puso si Ye Qin.

Agad na iniba ni Mrs. Ye ang usapan. "Xia Meng, perpekto at naririto ka na. Si CEO Xi ay gustong makipag-usap sa iyo tungkol sa ilang bagay. CEO Xi, tayo ng pumasok at maupo, pagtitimplahin ko ang isang tauhan ng isang tsarera ng tsaa."

Mariing tinitigan ni Mubai si Xia Meng, hindi pinapansin si Mrs. Ye ng lubusan.

Sa oras na lumitaw si Xinghe, ang mga mata niya ay hindi umalis sa mukha nito. Natatakot siya na baka may mga ekspresyon itong hindi niya makita.

Nagulantang siya ng makita niya si Xia Meng dahil nararamdaman niya ang kaparehong awra sa paligid ng babaeng ito na nararamdaman niya kay Xinghe, ang tiwala ng isang reyna na namumuno sa lahat ng mga kababaihan. Ang klase ng aura na ito ay natatangi na tulad ng kay Xia Xinghe!

Agad na bumabang kotse si Mubai at tumingin sa kanyang mga mata. "Alam mo ba kung bakit ako naririto?"

Ang kanyang boses ay bahagyang nanginginig at ang mga mata niya at nakatutok sa mukha nito.

Ang puso niya ay nahahaluan ng pananabik at takot, pero wala siyang ideya kung ano ang kanyang ikinatatakot…

Sinalubong ni Xinghe ang mga mata nito at ang kanyang mga mata ay puno din ng samut-saring emosyon. "Alam ko, may nakita kang kakaiba."

"…" Napatiim-bagang si Mubai at nag-utos, "Pumasok ka sa kotse!"

Hindi ito ang tamang lugar para mag-usap, at hindi na siya makahintay na malaman ang lahat!

Tumango si Xinghe at sumunod.

"Sandali!" Pinigilan siya agad ni Mrs. Ye, at magalang na nagtanong kay Mubai, "Mr. Xi, saan mo dadalhin ang manugang ko?"

Ang bansag na 'manugang' ang umubos sa pasensiya ni Mubai.

"Wala kang pakialam sa mga gagawin ko!" Singhal nito dito.

Natigagal at hindi makapagsalita si Mrs. Ye. Hindi niya inaasahan ang bastos na pagtrato mula kay Mubai, na mas nakakabata sa kanya…

Kahit si Ye Qin ay nagulat sa biglaang agresyon nito.

Ang mukha ni Mrs. Ye ay pulang-pula sa galit pero hindi nito magawang suminghal dito. "Mr. Xi, sa tingin ko ay hindi kalabisan na magtanong kung saan mo dadalhin ang manugang ko. Dahil si Xia Meng ay parte ng Ye Family."

"Mula ngayon, ako, na si Xia Meng, ay wala ng kinalaman pa sa Ye family mo, maghintay kayo ng sulat mula sa abogado ko!" Malamig na anunsiyo ni Xinghe bago ito yumuko para pumasok sa kotse.

"Xia Meng, ano ang ibig mo'ng sabihin doon?" Sinubukan pa siyang hilahin palabas ni Mrs. Ye pero agad itong naharangan ng matangkad na katawan ni Mubai.

Malamig itong tumitig sa kanya. "Mrs. Ye, maaari bang maging kagalang-galang ka naman. Uulitin ko kung ano ang sinabi niya. Mula ngayon, wala na siyang kinalaman pa sa Ye Family. Kung may karaingan ka pa, maaari mo itong sabihin sa akin sa anumang oras mo gusto."

Pagkatapos noon ay pumasok na ito sa kotse at umandar na ito paalis.

Nanatiling nakatayo doon si Mrs. Ye sa pagkabigla…

Ganoon din ang nangyari kay Ye Qin.

Ano ang nangyari? Kilala ni Xia Meng si Xi Mubai? Ano ang kanilang relasyon? At bakit nagpunta dito si Xi Mubai para iligtas si Xia Meng?

Masyadong maraming katanungan na gumugulo sa puso nila Mrs. Ye at Ye Qin.

Bab berikutnya