webnovel

Ang Ikalawang Regalo

Editor: LiberReverieGroup

Inisip ni Ginoong Chu na aalis ang mga ito.

Pero, ni hindi gumalaw sina Mubai o Xinghe, na tila ba hindi sila nag-aalala kapag nasangkot na ang mga pulis…

"Kapag narito na ang mga pulis, wala sa inyo ang makakaalis dito ng basta-basta!" Pananakot pa ng may diin ni Ginoong Chu.

Dumuro si Tianxin kay Xinghe at nagbabala, "Kahit na tumakbo ka pa, hindi kita mapapatawad! Xia Xinghe, ang lakas ng loob mong akusahan ako! Tapos ka na, sinasabi ko sa iyo!"

"Akusahan ka? Chu Tianxin, sa tingin mo wala akong magagawa dahil wala akong pruweba?" Malamig na balik ni Xinghe.

Sandaling dumaan ang kislap ng kayabangan sa mga mata ni Tianxin. "Hindi ko kasalanan kung wala kang pruweba. Xia Xinghe, kung hindi ka makakapaglabas ng ebidensiya ngayon, isa lamang itong akusasyong walang basehan, kaya huwag mong isipin na makakaligtas ka pa tungkol dito. Idedemanda kita ng libelo hanggang sa katapusan ng mundo!"

"At krimen ng pananakot —" galit na dagdag ni Ginang Chu, "Kayong dalawa ay pinagbabantaan ang buhay namin kaya sigurado kaming ihahabla kayo!"

"Kung ganoon ano naman ang katiwalian at krimen na panunuhol?" Biglang tanong ni Xinghe at natigilan ang Chu family.

Anong katiwalian at krimen ng panunuhol?

Nagpaliwanag ng nakangiti si Xinghe, "Matagal na akong nagtataka kung paano namumuhay sa karangyaan ang pamilya ninyo nang tatay mo ay isa lamang opisyal ng pamahalaan at isa ka lamang hamak na manunulat. Kaya naman, naghukay ako ng kaunti at ang sagot na nakuha ko ay ang pangalawang regalo ko sa iyo, Tianxin. Ang bulok na mansanas ay hindi nalalayo sa punong maysakit. Nasa aking pangangalaga ang lahat ng record ng katiwalian ng ama mo. Salamat sa pagtawag ng pulis, Ginoong Chu; hindi mo na ako pinahirapan pang magpunta sa istasyon ng pulisya."

Nahulog ang mukha ni Ginoong Chu.

Nagsimula na itong mataranta. Paano nalaman ni Xia Xinghe ang mga ginawa kong katiwalian?

At hindi lamang iyon, may mga ebidensiya pa siyang sinasabi…

Hindi, nanlalansi lang siguro siya, isa lamang siyang batang babae; paano niya posibleng magawa iyon?

Ang mga taon ng karanasan ni Ginoong Chu sa pulitikal na kapaligiran ay nakatulong sa kanyang kumalma agad-agad.

Maawtoridad siyang sumagot kay Xinghe, "Naglalakas-loob kang akusahan ako ng katiwalian? Nagpapatawa ka siguro! Isa akong pulitiko na ibinigay ang buong buhay ko na pagsilbihan ang mga tauhan ko kaya nagsisinungaling ka; kung nangangahas ka, ipakita mo sa amin ang pruweba!"

Binuksan ni Xinghe ang isang maliit na computer na nakalagay sa kanyang kandungan at ang kanyang mukha ay nailawan ng screen matapos itong mabuksan.

Maalwan niyang tinipa ang keyboard at hindi nagtagal, ang mga telepono ng mga Chu ay tumunog ng may abiso ng paparating na mensahe.

"Ipinadala ko na ang pruwebang hinihingi mo, pwede mo na itong tingnan ng sarili mo," mabagal na sinabi ni Xinghe habang itinataas niya ang mga mata mula sa screen.

Si Ginoong Chu ang pinaka nagulat sa lahat. Agad niyang inilabas ang kanyang telepono—

Ang inbox niya ay napuno ng mga larawan.

Nang pindutin niya ang una, malaki ang ikinaputla ng kanyang mukha.

Sa larawan, nasa isang sikretong pagpupulong siya kasama ang isang CEO ng kumpanya. Ang mahalaga pa doon, ang CEO ay itinutulak sa kanya ang isang suitcase ng pera…

Hindi pa matagal ng ito ay mangyari, paano nakakuha ng larawan nito si Xia Xinghe?

Sino ang kumuha ng litrato?

Nag-scroll pa siya pababa para makita ang isang larawan niya na nasa kama kasama ang isang batang dalaga!

Si Ginang Chu na nasa kanyang tabi ay nakita ang larawan at tumili ito, "Chu Liangpin, sino ang p*tang ito? Nangahas kang lokohin ako kasama ang patutot na ito? Wala kang pusong bastardo, papatayin kita!"

Kung nakuha ni Tianxin ang hitsura niya mula sa kanyang ina, nakuha naman niya ang tuso niyang utak mula sa kanyang ama. Pamilyar na ito sa matapang na ugali ng asawa kaya naman sa sandaling iyon, nagdesisyon siyang gamitin ito para makawala sa problema niya.

Itinulak niya si Ginang Chu patungo sa sofa kung saan nakalagay ang cake knift ni Tianxin at sinabi nito ng may layunin, "Ang larawan ay peke! Kung may gusto kang patayin, hanapin mo ang taong responsable sa pamemeke ng larawan at hindi ako!"

Napalugmok sa sahig si Ginang Chu at panandaliang nahilo.

"Peke iyon?" Bulong niya sa sarili pero sa sumunod na segundo, naningkit ang mga mata niya kay Xinghe ng may hangaring pumatay at sinabi, "You b*tch, nangahas kang sirain ang relasyon namin, papatayin kita!"

Mabilis na dinampot ni Ginang Chu ang kutsilyo mula sa sahig at sumugod patungo kay Xinghe.

Bab berikutnya