webnovel

Paanakan Para sa Xi Family Mo

Editor: LiberReverieGroup

May pahiwatig siyang tiningnan ni Mubai bago nito hinarap ang ina at si Tianxin. Malinaw niyang inanunsiyo, "Narinig ko ang lahat ng sinabi ninyo."

Ano!

Nanlaki ang mga mata ni Tianxin sa takot at pagkabigla. Malaki ang ipinutla ng kanyang mukha.

Kahit si Ginang Xi ay hindi maitago ang takot sa kanyang mga mata. Mabilis siyang nagpaliwanag, "Anak, huwag mong paniwalaan ang mga narinig mo. Mahilig mambaliktad si Xia Xinghe…"

"Mom, ano ang eksaktong ginawa ninyong dalawa para mapalayas siya ng bahay?" Deretsong tanong ni Mubai bago pa niya matapos ipaliwanag ang sarili niya.

"…" Nalukot ang mukha ni Ginang Xi. "Hindi ka naniniwala sa sarili mong ina?"

"Paano kita paniniwalaan?" Mabagal na sagot ni Mubai. Natahimik si Ginang Xi.

Minsan ay masyadong matalino ang anak nya para sa kabutihan nito. Alam niyang hindi na niya ito maloloko.

Nakarinig na siya ng higit pa sa nararapat na makakaya na nitong magawa ng lohikal na konklusyon. Wala ng punto pa na lansihin ito gamit ang mga salita. Hindi na ito gagana.

Nag-aapoy si Ginang Xi sa galit at pagsisisi, kasalanan itong lahat ni Xia Xinghe!

Kung hindi dahil sa kanya, paano malalaman itong lahat ni Mubai?

Lumapit si Tianxin para kuhanin ang kamay ni Ginang Xi at nagmakaawa, "Mubai, paano mo nagawang piliin at maniwala kay Xia Xinghe at hindi sa amin? Si Auntie ang sarili mong ina, paano mo nagawang hindi maniwala sa kanya?"

Ipinakita sa kanya ni Ginang Xi ang isang malungkot na mukha na tila ba minaltrato sila ni Mubai.

Makikita ang pagkabigo sa kanyang mga mata.

Hindi niya inaasahan na ang ina niya ay may ganitong klaseng personalidad, at tratuhin ng masama si Xinghe.

Walang ginawang masama si Xinghe. Sa bandang huli, siya pa din ang ina ni Lin Lin.

Paano niya ito trinato ng ganoon at nakipagsabwatan pa kay Tianxin para sapilitan itong mapalayas.

At mayroon palang mga tao na may pakana sa likod ng kanilang diborsyo…

"Nasaan si Lin Lin?" Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Mubai.

Sumagot si Ginang Xi sa pagkabigla, "Kasama niya ang kanyang great-grandfather. Sinabi niya na namimiss na niya ang kanyang apo sa tuhod kaya hinayaan kong manatili si Lin Lin doon ng ilang araw."

Hindi pa nararating ni Lin Lin ang lumang bahay ng Xi Family ng sarili niya maski ang manatili doon ng magdamag. Halata naman na ang pagkilos na ito ay sinadya.

"Alam ni Ginang XI na darating ako ngayon kaya sinadya mo siyang ilayo?" Biglang tanong ni Xinghe.

Nakasimangot na hinarap siya ni Ginang Xi. "Ano'ng ibig mong sabihin na sinadya? Apo ko ang tinutukoy mo, pwede siyang magpunta kung saan man niya gusto! Wala siyang kinalaman sa mga katulad mo!"

"Narito lamang ako para bisitahin ang anak ko…"

"At sinabi ko na sa iyo, hindi ka na parte ng Xi Family at kami ng Xi Family ay hindi kikilalanin ang isang babaeng tulad mo bilang ina ni Lin Lin!" Gusto pang magsabi ni Ginang Xi ng mga masasakit na salita pero hinihila ni Tianxin ng bahagya ang kanyang manggas para ipaalala na nakatayo si Mubai doon.

Ngumiti ng bahagya si Xinghe. Nang-aakusa niyang tiningnan si Mubai. "Sinabi mo sa akin na pupwede kong bisitahin ang anak ko anumang oras ko gustuhin pero ganito pala tinutupad ng pamilya mo ang pangako na iyon? Alam kong hindi ako dapat na pumarito ngayon!"

Sinabi ito ni Xinghe ng pagalit, tumalikod at naglakad papalabas ng pintuan.

Nakokonsensiya at nararamdaman ni Mubai na may pumiga sa puso niya kaya tumalikod din ito para habulin siya.

"Mubai, diyan ka lang!" Sigaw ni Ginang Xi pero hindi huminto si Mubai kahit na isang segundo.

Agad na tumakbo palabas ng pintuan si Tianxin para habulin silang dalawa…

Galit at mabibilis na humakbang si Xinghe, agad niyang narating ang gate ng Xi Family. Papasok na siya sa kanyang kotse ng mahablot ni Mubai ang braso niya.

"Seryoso ako sa alok ko," matiyaga nitong paliwanag. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaliwanag dito.

Itinaas ni Xinghe ang ulo niya at sinalubong ng mga mata niyang walang ekspresyon ang mata nito. "Ano ngayon? Palaging pipigilan ng pamilya mo ang landas ko kung gusto kong bisitahin ang anak ko. Xi Mubai, kung gusto mo talagang malaman, ang lahat ng mga panahong nakalipas ay hindi sa hindi ko gustong makita ang anak ko kung hindi alam kong hindi ko makikita ito kahit na pumunta ako. Isang bagay na ang palayasin ako ng pamilya mo, pero sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan na ilayo ang anak ko sa akin? Isa lamang ba akong paanakan para sa Xi Family mo?"

Bab berikutnya