webnovel

Pahalagahan Siya

Editor: LiberReverieGroup

Trinato siya ni Mubai tulad ng pagtrato nito kay Xinghe. Ang mga mata nito ay nakatutok kay Xinghe habang ito ay nagtanong, "Tungkol saan na nga ba ang gusto mong pag-usapan natin?"

Ngunit ang pagkakataong iyon ay lumipas na at hindi na gusto pa itong pag-usapan na ni Xinghe. "Wala iyon."

Ang tono niya ay bumaba ng ilang lebel. Ang hindi pag-imik ni Xinghe ay halatang gawa ng biglang paglitaw ni Chu Tianxin.

Tumingin si Mubai kay Tianxin at nag-utos dito, "Hintayin mo ako sa labas, may importante lang kaming pag-uusapan."

Kumurap si Tianxin at ngumuso. "Ano ba ang importanteng pag-uusapan ninyo na hindi ako pwedeng makasali dito?"

Walang sumagot sa kaniya. Ngumiti siya para maalis ang asiwa at sinabi, "Sige, hihintayin kita sa labas, Mubai."

Maaalalahanin din nitong isinara ang pintuan paglabas nito.

Ngunit, pagkasarang-pagkasara ng pintuan sa likod niya, ay nagbago ang mukha nito.

Inulit muli ni Mubai ang kanyang tanong, "Sabihin mo sa akin, ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?"

Hindi inaasahan ni Xinghe na pinahahalagahan siya ni Mubai ng ganito na paaalisin niya ng silid si Tianxin para sa kapakanan niya.

Ngunit lumipas na ang pagkakataon at hindi tama ang oras na pag-usapan ito.

"Ang totoo, wala naman itong talaga. Sa muli nating pagkikita," sagot ni Xinghe at alam ni Mubai na hindi na niya muli pang babanggitin ang paksa na iyon.

Tiningnan siya ni Mubai ng huling beses at sinabi, "Okay, hanapin mo ako kung gusto mo nang pag-usapan natin kung ano man iyon."

Pagkatapos, tumalikod na siya para umalis.

Si Tianxin na naghihintay sa labas ay agad na ngumiti ng makita niyang lumabas na ito sa silid ni Xinghe. "Mubai, tapos na agad ang usapan ninyo?"

Hindi sumagot si Mubai at nilagpasan siya palabas.

Nagmadali si Tianxin para mahabol siya. "Mubai, hintayin mo ako…"

Matapos makumpirma ang papalayong yabang ng mga ito, si Xia Zhi – na gising na mula ng unang pumasok si Muba- ay tumayo mula sa kinahihigaan nito. "Ate, ano ba iyong gusto mong mapag-usapan ninyo ni Mubai?"

Kinakain siya ng pag-uusisa niya.

Imbes na sagutin siya, nagbalik ng tanong si Xinghe, "Kumusta si Xiao Mo?"

"Maayos na ang lagay ni Brother Xiao. Pumunta pa nga siya kanina para dalawin ka. Pero, hindi nagiging maganda ang lagay ng ibang kakilala natin!" Masayang ngumiti si Xia Zhi. Marahan siyang pinagalitan ni Xinghe, hindi dapat nagsasaya ang tao sa kahirapan ng iba.

Pero agad niyang napagtanto kung sino ang tinutukoy nito. "Ang sinasabi mo ba ay si Xia Wushuang?"

"Paano mo nalaman?!" Dumilim ang mukha ni Xia Zhi. "Ate, pwede bang huwag mong nakawin ang mga entrada ko? Hindi na masaya. Paano ka makakakita ng aasawahin mo kung palagi kang ganito?"

Hindi pinansin ni Xinghe ang sinabi niya at deretsong nagtanong, "Ano ang nangyari kay Xia Wushuang?"

"Siya ay…" Saktong sasabihin na ni Xia Zhi ang sagot ng pumasok ang dalawang pulis sa silid.

Pormal nilang inanunsiyo, "Miss Xia, naririto kami para magtanong ng ilang katanungan, sana ay hindi namin naiistorbo ang iyong pagpapahinga."

Ang akala nila Xinghe at Xia Zhi ay naroroon sila para bigyan sila ng balita tungkol sa kaso nila Wu Rong o ni Chui Ming.

Pero nagkamali sila!

"Inaakusahan po kayo ni Miss Xia Wushuang na kayo raw po ang nasa likod ng car accident na halos kumuha ng buhay niya. Kaya kami naririto ngayon, ay para tanungin, kung ano ang ginagawa ninyo kahapon…"

Nagalit si Xia Zhi at sumagot, "Paanong ang ate ko ang may sala kung halata naman na ang may gawa nito ay si Chui Ming!"

Walang magawa na napangiti na lamang ang mga pulis. "Ang totoo nga, kahit kami ay pinagsususpetsahan si Chui Ming na may pakana nito pero ang sabi ng drayber ay isa itong aksidente at hindi na nagsalita pa. Sa kabilang banda naman, iginigiit ni Miss Xia Wushuang na ang kapatid mo ang may pakana ng aksidente kaya wala na kaming ibang pagpipilian kung hindi istorbohin kayong dalawa…"

"Wala akong ginawa. Itanong na ninyo ang gusto ninyong itanong." Nakikipagtulungan sa kanila si Xinghe.

Matapat na sinagot ni Xinghe ang mga katanungan ng mga pulis.

Nakita ng mga pulis kung gaano kakalmado si Xinghe at may mga saksi na napapatunay sa mga sinabi nito kaya naman umalis na sila matapos ang mga katanungan.

Galit pa rin si Xia Zhi. "Napakatanga naman ni Xia Wushuang. Halata namang gusto siyang patayin ni Chui Ming, kaya bakit tayo pa rin ang hinahabol iya?"

"Dahil mababaliw siya kung si Chui Ming ay pagsususpetsahan niya." At hinatak na ni Xinghe ang kumot paalis sa kanya at tumayo na sa kama.

Nagmamadaling nagtanong si Xia Zhi, "Ate, ano ang ginagawa mo?"

Bab berikutnya