webnovel

Ikaw lang ang iisang babae na nagustuhan ko

Editor: LiberReverieGroup

Nawala ang kapatid niyang babae at iniwasan pa ang kalamidad na ito, pagkatapos, ako naman ang nahulog sa patibong!

Napansin ni Ye Wan Wan na tinitingnan siya ni Si Ye Han kaya muntikan na siyang umiyak. Wala siyang nagawa kundi senyasan na lamang si Si Ye Han gamit ang kanyang mga mata. Baby, kumalma ka. Sa katalinuhan mong yan, malinaw na wala akong kinalaman sa batang ito! At yung tao na nagkakagusto sa napakaraming tao ay hindi rin ako!

Labag sa loob ni Ye Wan Wan ang pinaliwanag niya kay Tang Tang, "Tang Tang, bata ka pa at may mga bagay na hindi mo pa rin naiintindihan. Normal lamang na ang isang kabataan ay magkagusto sa maraming tao…"

Patuloy na nagpapaliwanag si Ye Wan Wan kay Tang Tang nang bigla niyang napansin ang manhid na mga mata ni Si Ye Han na nakatitig sa kanya, kaya tinanong niya ito, "Ano iyon? May nasabi ba akong mali?"

Umupo si Si Ye Han sa sofa at blangko ang kanyang mukha noonh sumagot siya kay Ye Wan Wan, "Ikaw lang ang nagustuhan ko."

Ye Wanwan: "…"

Hindi niya inakala na sisirain ni Si Ye Han ang pagpapanggap niya! Sumang ayon na si Si Ye Han na tutulungan niya si Ye Wan Wan!

Pero… bakit parang sa tingin ko… tinulungan niya nga ako?

Ginamit ni Ye Wan Wan ang lahat ng nilalaman ng kanyang utak upang makasagot. "Ang… ang ibig sabihin ng sinabi niya ay swerte ka. Mas malala ang nangyari sa akin dahil naranasan ko pa ang maraming poot at sakit bago kita mahanap, anak!"

Si Yehan: "…"

Nie Tangxiao: "…"

Nagpatuloy si Ye Wan Wan, "Tang Tang, ang kailangan mo lang malaman ay ikaw ang naging resulta ng pagmamahalan ni Mommy at Daddy. Ikaw ang pinakamahalagang kamayamanan na meron si Mommy at Daddy!"

Walang masabi ang batang lalaki hanggang sa tumango na lamang siya.

Buong araw nang kabado si Ye Wan Wan. Ngunit sa pagkakataon na ito, nagtagumpay siya sa pagpapakalma kay Nie Tang Xiao. Dinala niya sa taas ang batang lalaki at pinaliguan niya ito hanggang sa hinatid niya ang bata sa kama para matulog ng maaga.

Hirap na nga si Ye Wan Wan sa bata, ngunit mas mahirap ang kakaharapin niyang matanda na nasa baba...

Si Si Ye Han at Ye Wan Wan na lamang ang natira sa salas nang makaalis na si Tang Tang.

Si Ye Han: "Magpaliwanag ka."

Ye Wan Wan: "Mas lalong tatagal kapag pinaliwanag ko pa."

Si Ye Han: "Edi paikliin mo."

Ye Wan Wan: "Sige na nga…"

Wala nang magagawa si Ye Wan Wan kundi sabihin niya ang pinakapunto ng storya.

Pagkatapos niyang magpaliwanag, humarap siya kay Si Ye Han na may reaksyon na parang sinasabi: "Umaasa ka ba na paniniwalaan ko ang sinabi mo"?

Kahit si Ye Mu Fan ay nahirapang maniwala sa kanya noong una, paano pa kaya si Si Ye Han?!

Ngunit ito ang katotohanan!

Galit na nagsalita si Ye Wan Wan, "Alam ko naman na hindi kapani-paniwala ang sinabi ko, pero ito ang katotohanan! Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? Da tingin mo ba na niloloko kita? Huwag mong sabihin sa akin na sa tingin mo, anak ko sa labas ang batang ito?"

Lumalim at naging masama ang tingin ni Si Ye Han nang marinig niya ang mga salitang "anak sa labas."

Galit na nagpatuloy si Ye Wan Wan, "Please, alam mong imposible na mangyari iyon kung iisipin mo ng mabuti! Sanggol pa rin nga ang utak ko hanggang ngayon, eh — bente pa lang ako kaya paano ako magkakaroon ng matanda nang anak?!"

"Bakit hindi sumagi sa isipan mo na baka siya ang anak mo sa labas? Yung ugali, ekspresyon, attitude at kahit ang tono ng boses niya ay pareho ng sayo!"

Si Yehan: "…"

Napagtanto ni Ye Wan Wan na nakakasakit na sa damdamin ni Si Ye Han ang sinasabi niya, kaya mabilis niyang iniba ang usapan. "Ah-Jiu, huwag ka nang magalit. Kamukha ko si Tang Tang at magka-ugali kayo. Magkunwari na lang tayo na anak natin siya at alagaan natin siya ng ilang araw, okay?!"

Biglang ngumiti si Si Ye Han.

Niyakap ni Ye Wan Wan ang braso ni Si Ye Han, "Ah-Jiu, nakakaawa naman kasi ang batang ito. Iniwan siya ng nanay niya at walang nakakaalam kung sino ang tatay niya. Ang kasama niya lamang ay ang mga lolo at lola niya at ilang taon niya nang hinahanap ang tunay niyang mga magulang ngunit nabigo siya… sa totoo lang, ayaw ko talagang magkunwari kang tatay niya noong una…"

Tinitigan siya ni Si Ye Han. "Sino pala ang ang gusto mong magkunwaring tatay ng batang iyon?"

Bab berikutnya