webnovel

Huminahon ka ng kaunti

Editor: LiberReverieGroup

Nilapitan ni Han Xianyu ang bataat binati ito, "Tangtang, diba? Nagagalak akong nakilala ka!"

"Ge ge, nagagalak akong makilala ka!" magalang na sagot ng bata.

Tumingin si Han Xianyu sa kanyang manager, na si Fei Yang. "Yang-ge, paghandain mo ang hotel ng kid's meal."

"OK!" tumango si Fei Yang at mabilis na nagpunta upang ilagay ang order.

Ye Wan Wan: "Salamat!"

Hindi niya naisip na paghandaan mismo ng pagkain si Tangtang.

Pagkatapos ng screening, mayroong pa din company dinner ang production team.

Hindi nagtagal, natapos na din ang iba sa kanilang interviews. Pumasok si Ye Mu Fan habang nakikipag-usap sa ilang nagtatatrabaho.

Matapos makapasok sa may kwarto, napansin ni Ye Mu Fan ang nakaka-agaw pansin na batang lalaki sa tabi ni Ye Wan Wan.

Damn—

Kaagad na hinila ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan sa gilid. "Ito ba… ang batang sinasabi mo noon?"

"Oo!"

"Tang*na! Bakit mo siya dinala dito?" tanong ni Ye Mu Fan.

"Kararating lang niya sa bansa at hindi pa siya sanay sa lahat. Hindi ako makakapagpahinga ng maayos kung iiwan ko siya mag-isa sa bahay. Ilang araw lang siyang nasa akin. Napaka masunurin niya, kaya hindi siya makakaapekto sa trabaho ko!"

Hindi maiwasan ni Ye Mu Fan na sumakit ang ulo. "Hindi ito ang punto, okay? Seryoso ka bang ipakita ang sarili mo bilang isang totoong ina? Hindi ba masyado kang dedikado?"

Ye Wan Wan: "pinapangako ko na ako ang may responsiblidad dito!"

Makikita ang suspetsa sa mukha ni Ye Mu Fan. "ang batang ito…"

Ye Wan Wan: "Ano iyon?"

Natahimik si Ye Mu Fan. nagbigay ng pakiramdam ang batang ito na siya ay hindi nagmula sa isang regular na pamilya, at bakit ang mukha ng bata sobrang may pagkakahawig sa kanyang kapatid?

Hindi mapigilan ni Ye Mu Fan na magsalita: "Bakit may pakiramdam ako na ang batang ito ay makuha mo?"

Sinagot ni Ye Wan Wan ang totoo, "walang kwenta, dahil kamukha ko ang kanyang totoong ina. Kung hindi man, hindi ako inutusan ng kanyang pamilya na gayahin siya."

Sa hindi kalayuan, napapalibutan ng mga empleyado si Nie Tangxiao na sinusubukan siyang bigyan ng candy. Tumingin siya kay Ye Mu Fan at ang kanyang itsura ay nabuhayan ng kaunti.

Sa sandaling ito lumabas ang isang masiglang tinig mula sa pintuan: "Mina-san! Andito na ako!"

Kasama ng maingay na boses ay ang isang hugis ng matingkoad na dilaw na taong tumatalon talon.

Ang damit ni Gong Xu ngayon ay napakahirap ipaliwanag ng salita...

Ang lalaki ay nakasuot ng isang pares ng ripped jeans na may maaliwalas na mabalahibong dilaw na jacket. Ang jacket ay mula sa isang top brand na pangunahing designed products para sa runway. Kahit na ito ay napaka popular, wala gaanong sikat ang nagtatangkang suotin ito...

Dahil pagsunuot ito nagmumuka silang parang isang maliit na dilaw na manok. Sila ay mukhang nakakatakot at malambot. Ito ay gulo lamang.

Mayroong isang matapang na singer noon na nagsuot nito minsan at ang resuta, siya ay naging isang katatawanan sa internet.

Talagang nagsuot ng dilaw na jacket si Gong Xu na tinernihan ng isang mas nakakatakot na itim na fishnet top sa ilalim, ngunit kahit na siya ay nakadamit tulad nito, siya ay nagpaphiwatig ng sexiness at pangaakit. Bagay na talagang bulok ay naging hindi kapani-paniwala.

"Hahaha, Ye-ge ge. Hindi ba ako gwapo at tusong manok[1] ngayon!!!" masayang inalis ang kanyang palawit kasa tulad ng isang dilaw na manok, siya ay papunta patungo kay Ye Wan Wan.

Bago pa niya magawang abutin siya, hinarang na ni Ye Wan Wan ang isa niyang kamay. Kumalma ka ng kaunti…"

Ang lalaking ito ay laging masigla habang si Luo Chen at masyadong nakakabagot. Hindi ba pwedeng magpantay ang dawalang ito kahit kaunti?

"Oh! Ye-ge ge, hindi mo na ba ako mahal? Hindi ba ako ang iyong most beloved darling?!" ang isang tao ay nagsimula na sa kanyang araw-araw na sinasabi.

[1] chicken = This literally translates to 'thief chicken' but figuratively means cunning and crafty. Here, Gong Xu is jokingly using a pun about his appearance.

Bab berikutnya