webnovel

Napakagaling ni mommy

Editor: LiberReverieGroup

Ye Wan Wan: "Sabihin mo kay mommy kapag hindi ka naninibago ka sa lugar na ito ha?"

Nie Tangxiao: "Okay."

Hindi na alam ni Ye Wan Wan kung ano ang gagawin at sasabihin niya.

Wala akong alam na nanay talaga.

"Oo nga pala, Tang Tang. Bibigyan kita ng prutas!"

Mabilis na pumunta sa kusina si Ye Wan Wan.

"Anong kailangan mo, master? Ako na po ang bahala!" Masugid na sumagot ang mataba.

Ye Wan Wan: "Okay lang, pahingi lang ako ng mansanas."

"Sige, sige." Mabilis na kinuha ng mataba ang mansanas.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang mansanas at kutsilyo at naglakad siya pabalik ng dining table.

"Tang Tang, si mommy na ang hihiwa ng mansanas para sayo!"

Dahan-dahan na hiniwa ni Ye Wan Wan ang manasanas hanggang sa maghugis na little bunnies ang mga ito, natandaan niya kung paano gawin ito sa pinanood niya sa internet. Hinilera niya ang mga ito sa porselanang plato.

Magkakasama ang mga little bunnies at mukhang masarap at cutr ang mga ito.

"Tang Tang, kumain ka ng prutas!"

Tiningnan ni Nie Tang Xiao ang hugis kuneho na prutas at nagtaka siya. "Mommy, hindi na ako dalawa o tatlong taong gulang."

Ye Wanwan: "…"

Uh… hindi na pala bata ang apat o limang taong gulang, huh...

"Ah, ayaw mo ba ng mga ito, Tang Tang?" Nadismaya si Ye Wan Wan.

Nie Tang Xiao: "Hindi mo kailangang gawin ito."

"Ah…" muntikan nang mahulog ang utak ni Ye Wan Wan dahil sa pagkadismaya niya.

Naging malumanay ang itsura ni Nie Tang Xiao nang makita niyang nadismaya si Ye Wan Wan.

Malungkot na humiga sa lamesa si Ye Wan Wan. "Biglang nawalan ng gana si mommy… wala tuloy akong magawa para sayo…"

Lalong naging malumanay ang itsura ng bata at mukhang nakatagpo siya ng problemang hindi niya masolusyonan.

Ilang minuto ang lumipas at biglang napatikom ang labi ng batang lalaki at inunat niya ang kanyang kamay. Pinatong niya ito sa ulo ni Ye Wan Wan at dahan-dahan niya itong hinaplos, "Ang galing mo mommy."

"Talaga?" Namukadkad na parang sunflower ang ulo ni Ye Wan Wan.

Kinuha ni Nie Tang Xiao ang little bunny na mansanas at kinain niya ito. "En, gustong-gusto ko ang ginawa mo."

Para bang lumisan na ang bagyo at naging maliwanag na ang kalangitan. "Maganda yan, kumain ka pa pala! Maganda sa katawan ang mga prutas!"

Nakahinga na ng maayos ang batang lalaki dahil naging magana na muli si Ye Wan Wan. "En."

Sa booth ng isang restaurant sa Imperial City:

Napaka-elegante ng tsaa na ginawa ni Tan Zhen Xin para sa sarili niya at seryoso siyang nagsalita: "Xu Lin, sinabi ko na ito noon - ako pa rin ang hahanapin mo pagkatapos ng lahat."

Ang lalaki na nasa kabilang parte ng lamesa ay may malalaking eyebags at mukhang matamlay. "Pwede kitang gawan ng panibagong script, pero sana ibalik mo sa akin ang 'A Life and Death Struggle.'"

Tumawa si Tan Zhen Xin. "Haha, hindi ito magiging isyu kung sinabi mo ito noong una pa lamang, pero sa ngayon, hindi dapat ito ang paraan mo ng pakikipag-negosasyon mo sa akin!"

Naging kamao ang mga daliri ni Xu Lin. Kinaskas niya ang kanyang mga ngipin at sinabi. "Hindi mo ako kailangang bayaran at hindi ko kailangan ng credit para dito. Parang awa mo na, ibalik mo na lang sa akin ang 'A Life and Death Struggle.' Pumirma na ako ng kontrata sa isang kumpanya para sa script na ito at ayaw kong madawit pa sila at maubos pa ang pera nila dahil sa akin!"

Umiling si Tan Zhen Xin at pinakita niya na naaawa siya. "Napaka-babaw mo, Xu Lin. Hindi mo pa rin naiintindihan?"

"'A Life ang Death Struggle' ay pagmamay-ari ko at lahat ng gagawin mo sa hinaharap ay sa akin pa rin… wala kang karapatan na makipag-negosasyon sa akin!"

Mukhang walang takot si Tan Zhen Xin. Kailangang magpaka-alila ni Xu Lin kung ayaw niyang mawala ang kanyang reputasyon...

Bab berikutnya