webnovel

Susugod ako at sasaktan ko siya

Editor: LiberReverieGroup

Bakit ako tinawagan ni Xu Yi?

Maagang nakarating ang sumbong niya...

"Intindihin mong maigi ang sinabi ko. May sasagutin lang akong tawag," sabi ni Ye Wan Wan kay Luo Chen.

Tumango si Luo Chen, kinuha niya ang script at umupo siya sa may sofa.

"Hello, si Ye Bai ito," sabi ni Ye Wan Wan.

Sa kabilang linya ay may boses ng lalaki, nabigla siya bago niya napagtanto na baka may kasama si Ye Wan Wan sa oras na iyon, kaya siguro ginamit ni Ye Wan Wan ang pangalan ni Ye Bai.

*ehem* "Miss Wan Wan, binigay na ng mga katulong ang medisina ni 9th master pero sampung minuto na ang lumipas at hindi niya pa rin iniinom ito," seryosong sinabi ni Xu Yi.

"Anong ginagawa niya?" Sumimangot si Ye Wan Wan.

"Nagbasa siya ng mga dokyumento nung umalis ka kanina," mahinang sumagot si Xu Yi.

"Haha." Pangasar na tumawa si Ye Wan Wan at dali-dali niyang ibinaba ang tawag.

Napalunok si Xu Yi nang marinig niyang ibinaba ni Ye Wan Wan ang tawag.

Bakit ako natakot sa pangasar na tawa ni Miss Wan Wan?

Kaso, nasa malayo si Miss Wan Wan - kaya niya kayang pasunurin si master na inumin ang kanyang medisina?

Si Luo Chen na nasa salas ay biglang sumulyap si kanyang manager.

Hindi man siya sigurado kung sino ang kausap ni Ye Bai sa phone pero kumpara sa kanina, mas lalong nakakatakot ang inaakto niya ngayon.

Pagkatapos ibaba ni Ye Wan Wan ang tawagan nila ni Xu Yi, inilagay niya ang Bluetooth earpiece sa kanyang tainga at tinawagan niya si Si Ye Han.

Tinawagan niya ito ng naka-video call.

Sumagot lamang si Si Ye Han pagkatapos ng tatlong segundo.

"May problema ba?"

Nang marining ang gasgas at malalim na boses ng lalaki, sumunod na nakita ang kaakit-akit na itsura ni Si Ye Han sa screen.

Nabighani si Ye Wan Wan sa gwapong lalaki na nakita niya kaya muntikan niya pang makalimutang magalit sa kanya; mabilis siyang kumalma at bumalik siya sa tamang pag-iisip.

Tumagilid ang ulo ni Ye Wan Wan at tamad niyang sinabi, "Wala naman. Medyo nabo-bore lang ako kaya… huhulaan na lang kita!"

Nakatitig si Si Ye Han sa munting mukha ng babae at medyo tumaas ang kanyang kilaya habang nakatingin sa kanya sa screen. Meron mang ngiti sa mukha ni Ye Wan Wan ngunit napansin Si Ye Han na may malisyosang intensyon ang babae...

Sa unang pagkakataon… biglang nakaramdam ng 'guilt' ang great devil...

At tulad na ng inaasahan, sa isang segundo, biglang nag-iba ang ekspresyon ng babae. Ngumiti si Ye Wan Wan at sinabi, "Hinuhulaan ko na meron kang isang bowl ng medisina sa iying kamay. Lumipas na ang sampung minuto pero hindi mo pa rin ito iniinom!"

Biglang napatingin sa pintuan si Si Ye Han nang marinig niya iyon.

Kinabahan at nanginig sa sobrang takot si Xu Yi habang nagtatago siya sa may pintuan, bigla niyang isinara ang pintuan at maririnig ang malakas na 'bang' nang isinara niya ito.

Maririnig ang inis sa boses ni Ye Wan Wan nang dahan-dahan niyang sinabi ang bawat salita ng napaka-linaw, "May gwapong lalaki akong katabi sa oras na ito, kapag hindi mo ininom ang medisinang iyan, lalamutakin ko ang mukha niya, sige ka!"

Si Luo Chen, ang kawawang bata na tatlong hakbang lamang ang layo kay Ye Wan Wan: "..."

Si Si Ye Han sa screen ng phone: "..."

Hindi umaalis ang mata ni Ye Wan wan kay Si Ye Han, makikita na nagbibigay siya ng babala kay Si Ye Han na kapag hindi niya pa rin ininom ang gamot, wala na siyang ibang magagawa kundi gawin ang sinabi niya.

Sa wakas...

Kinuha na ni Si Ye Han ang isang bowl ng medisina.

Nalugod si Ye Wan wan nang makita niyang sumunod at inubos ni Si Ye Han ang medisina. "Magpahinga ka ng kahit, kalahating oras, bago ka magtrabaho ulit! 'wag mong ibababa ang tawag at susubaybayan ko ang pagpapahinga mo!"

Nilagay ni Ye Wan Wan sa gilid ang phone habang nakabukas pa rin ang videocall nila, handa na silang magkaroon ni Luo Chen ng diskusyon tungkol sa script.

Pagka-angat ng tingin ni Ye Wan Wan, napansin niya na nakayuko si Luo Chen at medyo mamula-mula ang tainga ng lalaki.

Doon niya lang napagtanto na uhm… meron nga pala siyang katabing gwapong lalaki nung mga oras na iyon...

Bab berikutnya