Sa lumang bahay ng Si family.
Umupo ang socialite sa may sofa, nakabalot siya ng pinakabagong outfit ng Chanel at naisip niyang magpakulo ng tsaa para kay old madam at sinabi niya, "Lola, pansamantalang mawawala ng matagal na panahon si 9th brother. Nag-aalala si Qin Yu na baka malungkot ka lola, kaya umuwi ako dito para samahan ka!"
Tumango si old madam ng hindi nagbabago ang ekspresyon niya habang hawak niya ang ilang mga beads sa kanyang kamay. "Napaka maalahanin mo naman pero, hindi mo naman ako kailangang samahan. Alagaan mo na lang ang sarili mo."
Mabilis na sumang-ayon sa kanya ang socialite, "Tama si lola! Sa totoo lang, hindi naman ako kwalipikadong samahan si lola pero…"
Napahinto ang socialite sa sinasabi niya at tiningnan niyang maigi si old madam bago ipagpatuloy ang sinasabi niya, "Narinig ko na… ang babaeng kasintahan ni 9th brother ay sumama sa kanyang biyahe. Kaya si Ruo Xi jie jie lang ang umaatupag ng lahat ng gawain sa kumpanya dahil wala si 9th brother. Alam kong abala rin siya kaya naisip kong bumyahe papunya dito para makita ka lola. Sana okay lang sayo lola na naparito ako para sayo!"
Napahinto ang matanda sa kakalaro ng beads nang marinig niya iyon. "Ano? Sumama si Wan Wan kay Little 9th sa country B?"
"Opo, hindi niyo ba alam lola? Hala, ang daldal ko pala!" nabigla ang socialite nang napagtanto niyang marami na siyang nasabi na hindi naman dapat.
"Bakit sumama si Wan Wan kay Little 9th?" tanong ni old madam.
"Siguro…" naramdaman ng socialite na naging mahirap ang posisyon niya dahil sinusuri na siya ni old madam dahil sa nasabi niya: "Siguro dahil, magkasintahan si Miss Ye at si 9th brother kaya hindi nila kayang iwan ang isa't-isa!"
"Sa pagkakaalam ko, gumawa siya ng matagal na eksena noon at masama raw ang pakiramdam niya tungkol dito. Pagkatapos, nanaginip daw si Wan Wan na si 9th brother ay malalagay sa mapanganib na sitwasyon sa byahe niyang iyon kaya ayaw niyang umalis si 9th brother ng mag-isa. Walang magawa si 9th brother kundi isama siya sa pag-alis niya!"
Hindi kapansin-pansin pero biglang nandilim ang itsura ni old madam nang marinig niya iyon.
Lalo na nung narinig niya yung "malalagay sa mapanganib na sitwasyon si 9th brother sa byahe niyang iyon."
Malaking kasalanan ang mga kasabihang ganito para kay old madam. Kahit kaswal man siyang sinabi, kahit papano, hindi pa rin napapanatag ang puso niya kapag nakakarinig siya ng ganito.
Bakit sasabihin ni Ye Wan Wan iyon para lang pilitin si Little 9th na lumagi at para hindi mawala ang kanyang kumpanya?
Pumikit si old madam at tila bumigat ang kanyang puso.
Bata pa lang si Ye Wan Wan at wala pa siyang gulang na maintindihan ang mga bagay bagay...
Alam ng lahat na si Little 9th ay nire-respeto at siya ay nasa mataas na posisyon, pero hindi nila alam ang hirap na pinagdaaanan niya para lang maabot ang ganoong kataas na posisyon.
Mukha man mapayapa ang mga nangyayari sa kanya ngayon.
Gaano karami kaya ang nagtatagong panganib sa labas at loob ng Si family?
Gaano karami ang mga taong pinapanood at inoobserbahan ang bawat kilos ni Si Ye Han?
Ang mga taong iyon ay handang bugbugin at siraan siya kapag may nakita silang kahit maliit na mali sa kanya; kaya kung ayaw niyang mamatay o mapatay, hindi niya pwedeng ibaba ang depensa niya sa kahit sino man o sa kahit anong araw...
Simula pa noong bata ang apo ni old madam na si Si Ye Han, kinamulatan niya na ang ganitong masahol lugar; nawalan ng pagkakataon si Si Ye Han na makamtan ang kasiyahan ng isang inosenteng bata.
Walang kinalaman ang nakaraan, kwalipikasyon o ang family background ni Ye Wan Wan, basta't napapasaya si Little 9th, papayagan ni old madam ang kahit anong gawin niya para kay little 9th.
Ngunit ngayon, hindi maiwasan ni old madam na mag-alala para sa kinabukasan ng kanyang apo.
Kung pinagpatuloy ni Little 9th na maging haligi ng tahanan si Ye Wan Wan, magiging mahirap ang kinabukasan niya.
Tatagal pa ba siya sa tabi ni Little 9th kung ganyan na ang inaasal ni Ye Wan Wan?
Mas angat pa rin ang katalinuhan at kabaitan ni Ye Wan Wan kahit pangit ang family background at kwalipikasyon niya, pero natatakot si old madam na baka siya ang… hay...
Ang gusto niya pa rin na maging potensyal na manugang ay si Ruo Xi--mamamatay siyang masaya basta't siya ang makakasama ni Little 9th bilang asawa.
Sayang pero, hindi interesado si Little 9th kay Ruo Xi.
Siguro kailangan nila ng masisinang usapan ni Little 9th pagkauwi nito sa bansa...