webnovel

Napakagaling nitong apo mo

Editor: LiberReverieGroup

"Shi Han, tara batiin natin ang lolo!"

Nang naisip ni Fang Xiu Min kung paano nakapasok ang kanyang anak sa Imperial Media, muli siyang naging arogante. Tumayo siya at hinila si Liang Shi Han patungo sa mga upuan sa harap.

Kasunod ng pagdating ni Liang Shi Han at Fang Xiu Min sa pangunahing lamesa, isang grupo ng mga matatanda ang lumingon sa kanila.

"Lolo, gusto ko po kayong batiin at sana mamuhay pa kayo ng matagal, malusog at masaya!" ngiti ni Liang Shi Han sa matanda.

Hindi kumibo si Ye Hong Wei. Matiwasay pa din ito kahit na mukha na siyang matanda, mayroon pa din siyang ugali ng isang leon.

Maya-maya, tumango na si Ye Hong Wei, pagpapahayag ng pagpapasalamat niya.

"Shi Han," itinuro ni Fang Xiu Min ang matandang lalaki na may puting buhok at may suot na salamin sa tabi ni Ye Hong Wei, "Ito ang isa sa mga paunahing professor sa Imperial Media, si professor Li Yue. Dali at batiin mo siya."

Hindi na matagal sa ngayon, papasok na si Liang Shi Han sa Imperial Media University, kaya kinuha na ni Fang Xiu Min ang oportunidad na ipakilala kay Liang Shi Han si professor Li Yue.

"Kamusta po kayo, lolo Li!" malambing na tanong ni Liang Shi Han.

Nang marinig iyon, ngumiti si Li Yue at sumagot, "Liang Shi Han 'di ba? Alam ko sa pangkat niyong mga estudyante eh, magaling ka siguro para makapasok sa Imperial Media sa ganyang edad. Kailangan paghirapan mo ang kinabukasan mo ah?"

"Salamat po, lolo Li. Magtatrabaho po ako ng maigi, panigurado." masunuring tumango si Liang Shi Han.

Magsasalita pa lang sana si Fang Xiu Min nang may nagsalita bigla sa likod niya.

"Lolo, sana humaba pa po buhay niyo at maging masaya kayo."

Nakasuot ng magandang evening gown si Ye Wan Wan at ang mga kilos niya ay elegante.

Nang makita si Ye Wan Wan, agad na kumunot ang mga kilay ni Ye Hong Wei.

Hindi maganda ang impresyon ni Ye Hong Wei sa kanyang apo. Sa mga nakalipas na taon, laging susugod si Ye Wan Wan sa dating tirahan ng mga Ye at gagawa ng malaking gulo. Habang tumatagal, mas sumasama ang pagtingin ni Ye Hong Wei sa apo niya at ngayon, ayaw niya itong makita.

"En."

Halata sa tono niya na walang pakialam ito dito.

Nang mapansin ang ginawa ng matanda kay Ye Wan Wan, hindi na nangamba si Liang Shi Han at sinulyapan si Ye Wan Wan. "Baka pwede mo muna kaming iwan, may gusto pa kaming pag-usapan ng mama ko kila lolo at professor Li Yue."

Nang hindi inantay ang sagot ni Ye Wan Wan, agad na tumayo si Li Yue at nanliit ang mga mata niya sabay punas ng kanyang salamin, at tinignan maigi si Ye Wan Wan.

"Saang eskwelahan ka nag-graduate?" tanong ni professor Li Yue.

"Mr. Li, baka isipin mong nagbibiro lang ako pag sinabi ko sa 'yo-- na-expell si Ye Wan Wan sa eskwelahan bago pa siya maka-gradutate ng high school." patagilid na inirapan ni Fang Xiu Min si Ye Wan Wan bago pa makasagot ito.

"Ye Wan Wan?" sa puntong iyon, blangko ang itsura ni Li Yue at biglang may baghan na kumislap sa kanyang mga mata. "Estudyante sa Qing He!"

Base sa reaksyon ni Li Yue, nanyamot ang mukha ni Ye Hong Wei. Importanteng bisita ang lahat ng nasa lamesa. Ganoon ba naging kahihiyan si Ye Wan Wan na pati si professor Li Yue ay may kaalaman din...

Sa naisip, mas lalong sumama ang tingin ni Ye Hong Wei kay Ye Wan Wan.

Tumingin si Ye Wan Wan kay professor Li Yue at bahagyang tumango. "Ako nga po."

"Kaya pala pamilyar ang mukha mo." masayang sabi ni professor Li Yue at may kasiyahan sa kanyang mga mata.

Tumingin si professor Li Yue kay Ye Hong Wei, na nagulat sa nakita, at sinabi na masayang sinabi.

"Tanda, napakagaling nitong apo mo!"

Nang marinig ang sinabi ni Li Yue, nagulat ang lahat na nasa kwarto at hindi naintindihan ang sinabi.

Nagkatinginan ang magnanay na si Fang Xiu Min at Liang Shi Han, na parehong naguguluhan sa nangyayari.

Gulat din si Ye Hong Wei, at kaswal na tinanong, "Anong ibig mong sabihin?"

Bab berikutnya