webnovel

Itong napakamahal na matrikula ay ‘di na din masama

Editor: LiberReverieGroup

Biglang sumabog ang utak ni Ye Wan Wan.

Bakit ang tigas pa din ng itsura niya at nakakapagsabi ng mga bagay tulad nga "samahan mo 'ko matulog gabi-gabi"?!

Baka magkamali ng pagkakaintindi ang mga hindi nakakaalam at isipin pa nilang iba ang ginagawa namin, pero ang totoo, pinag-uusapan lang namin ang matrikula para sa math...

Nang magising ang diwa ni Ye Wan Wan, bigla siyang nagbilang sa kanyang mga daliri--makakatanggap siya ng dalawang oras ng pagtuturo pero ang kapalit, kailangan niyang magbigay ng walong oras para kay Si Ye Han. Parang masyadong matarik naman 'tong matrikulang 'to?

Pagnanakaw na 'to!

Oo, hindi ako magaling sa math, pero hindi ganoon kasama 'yon, okay?

Naramdaman ni Ye Wan Wan na parang nainsulto ang kanyang katalinuhan, kaya pagalit niyang sinabi, "Hindi pa parang may mali sa kasunduan na 'to? Bakit kita bibigyan ng walong oras kung dalawang oras lang yung ibibigay mo sa 'kin?"

Para bang walang pake si Si Ye Han sa kasunduan, "Pwede mo namang tanggihan yung alok ko kung gusto mo."

"I…" Walang mahanap na sagot si Ye Wan Wan sa kanya.

Sa sandaling iyon, para bang kumikinang na gintong diyos na tagapagturo si Si Ye Han. Nakadepende sa kanya ang pagpasok ni Ye Wan Wan sa Imperial Media; hindi niya kayang pakawalan 'to ng basta-basta!

Matagal na nag-alangan si Ye Wan Wan at pinilit niyang iklaro, "Tapos… matutulog lang tayo, 'di ba? Literal na tulog?"

Naalala niya ang mga oras na nasa eskwelahan at sa dating bahay kung saan natulog lang sila na may kumot sa kanila. Kung ganoon, wala namang mawawala sa kanya; ang pagkakaiba lang ay may makakatabi siya, yun lang.

Nang nakahinga nga ng maluwag si Ye Wan Wan sa naisip, inilapag ni Si Ye Han ang kanyang tasa habang tinignan si Ye Wan Wan na bakas ang kadiliman sa kanyang mga mata. Kalmado siyang sumagot, "Wala ako mapapangako. Tutal, normal na lalaki lang ako."

"..."

Gulat na gulat si Ye Wan Wan nang marinig ang sinabi ni Si Ye Han...

Hindi mo na kailangang magpakumbaba! Sa puso ko, hindi ka talaga tao, pwede ba?!!

"Pag-isipan mong maigi," Tumayo na si Si Ye Han.

Tuliro pa din si Ye Wan Wan, pero nang mapansin na tumayo na si Si Ye Han agad siyang humakbang papunta dito, tinignan niya ito ng kumikislap ang kanyang mga mata at buong tapang na sumagot, "Deal!"

Nagulat ng bahagya si Si Ye Han, "Sigurado ka?"

Tumango si Ye Wan Wan, "Sigurado, parang hindi naman tayo natulog na ng magkasama dati!"

Si Ye Han: "..."

"Dali, dali, dali, umpisahan na natin ngayon!" pagmadali ni Ye Wan Wan.

Tutal, natulog na kaming dalawa noon, at hindi na din ako labingwalong taong gulang na batang babae. Mahalaga pa, hindi na ako nagpaplanong magpaka-dalaga pa kay Gu Yue Ze, ano naman kung sasamahan ko si Si Ye Han matulog ng ilang beses pa?

Ngayon, wala ng mas mahalaga pa ang makapasok sa Imperial Media.

Kung lagi akong magpapapigil ng mga saloobin ko, paano magiging iba ang resulta sa nakaraan ko? Hindi na 'ko pwedeng mag-aksaya ng oras.

Kaya naman, magalang na tinulungan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han sa paglipit ng kanyang mesa, inayos pa ang mga libro at pangsulat at nagtimpla pa ng tsaa para sa kanya.

Nakatayo si Si Ye Han sa gilid. Hindi mahahalata sa mga mata niya ang pagsisiyasat habang tahimik niyang pinapanood si Ye Wan Wan.

Nang matapos na si Ye Wan Wan, tuwid at wasto na nakaupo si Ye Wan Wan na parang estudyante, "Teacher, pwede na tayong magsimula!"

Umupo si Si Ye Han sa tabi niya pero hindi siya nagbukas ng libro. Sa halip, inihilig niya ang noo niya sa palad niya at sabing, "Una, ituturo ko sa 'yo yung hindi ko natapos ituro noong nakaraan."

Gulat na kumurap si Ye Wan Wan--Ilang araw na ang nakalipas non pero naalala niya pa kung saan siya hindi natapos?

Ang galing...

So, itong napakamahal na matrikula.... ay hindi na din masama, 'di ba?

Bab berikutnya