webnovel

Hindi madali magpanggap na malakas!

Editor: LiberReverieGroup

"Roar-----"

Nang pa-relax pa lang si Ye Wan Wan, parang nayanig ang mundo sa sobrang lakas ng ungol ng tigre na medyo malapit kay Ye Wan Wan; nagimbal ang lupa sa sobrang lakas ng yanig ng tigre.

"Ah" sabi ni Ye Wan Wan na hindi raw siya natatakot, ngunit napatalon siya sa sobrang takot at mabilis na sumalakay kay Si Ye Han.

Si Si Ye Han na hinahampas ni Ye Wan Wan sa dibdib, "..."

Xu Yi: "..."

Matapos nito, namalayan niya na lamang na napatakbo siya kay Si Ye Han sa sobrang takot at hiyang-hiya siyang napatingin sa lalaki. Sinundan niya ng tingin ang puting tigre na kita ang mantsa ng dugo sa balahibo nito, lumalapit at mabagsik na umuungol ang tigre kay Ye Wan Wan sa sobrang galit.

Punyeta naman! Bakit biglang sa akin naman siya umuungol ng ganyan?!

Sinubukan ko namang kumalma at kontrolin ang takot sa loob-looban ko ngunit walang kwenta pala ang lahat ng ito.

Hindi kaya madaling magpanggap na malakas!

Kumalma ang puting tigre nang makita niyang tumabi si Ye Wan Wan sa kanyang master, kaya naman hindi pa din nilubayan ng mabagsik na titig ng tigre si Ye Wan Wan kahit pa naglakad lakad na lamang ito sa sofa.

Kung paano tingnan ng tao ang magnanakaw o akyat bahay, ganoon din ang tingin ng tigre kay Ye Wan Wan.

Alaga ni Si Ye Han ang puting tigre na inilagay niya sa Jin garden.

Mataas na mga bakod na nasa Jin garden dahil sa hayop na tulad ng puting tigre, mahilig kasi ang mga hayop na itong maglakad lakad kung saan saan sa gubat.

Si Lu Te ang pangalan ni puting tigre na ang ibig sabihin ay "nangangatay" sa tagalog. Alam mo agad na katakot-takot na halimaw siya at hindi isang pusa sa bahay dahil sa kanyang pangalan.

Sa una niyang buhay, kinamumuhian at takot na takot si Ye Wan Wan kay Si Lu Te at wala itong pagkakaiba sa nararamdaman niya kay Si Ye Han.

Gayunpaman, hindi siya nagkaroon ng masamang loob o galit sa tigre kahit pa nakita niya itong sakmalin ang leeg ng lalaki at kahit pa umungol ito na parang halimaw; dahil habang nakikita niya ang hayop, nanumbalik siya sa buhay niya noon at nakaramdam siya ng pagsisisi.

Noon sa unang buhay ni Ye Wan Wan, ilang beses siyang niligtas ng puting tigre. May pagkakataon na hinarangan ng tigre ang mga taong humahabol kay Ye Wan Wan at nahuli ito sa patibong.

Nasilayan niya ang pagpatay ng mga tao sa puting tigre dahil binuwis ng halimaw ang kanyang buhay para iligtas si Ye Wan Wan.

Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ni Ye Wan Wan.

Sa mga mata ni Si Ye Han aakalain niya lang na naiyak si Ye Wan Wan dahil sa sobrang takot.

May pangungutsang nanggaling sa gilid ni Si Ye Han--ito ang binatang nakasuot ng itim na tumulong sa pagpapapatay sa lalaki, siya si Ming Liu Ying.

Tulad ng sabi sa kasabihan, magkikita at magkikita sa mata ang magkalaban.

Bata man tingnan ang binatang ito, pero siya ang sikretong pinakamagaling na kaakibat ni Si Ye Han. Magaling ang pamamaraan niya sa pagpatay--siya ang nag-aayos sa mga insidente sa pagitan ng mga kalaban ni Si Ye Han.

Tulad din noon, sinusuklam ni Liu Ying ang peste sa tabi ni Si Ye Han at dumating pa sa punto na inalok niya si Si Ye Han para patayin si Ye Wan Wan.

Ang relasyon ni Ye Wan Wan at Si Ye Han ay mahahalintulad sa tubig at apoy.

Tiningnan ni Si Ye Han ang babaeng mahigpit na nakakapit at nakapalupot pa ang binti sa kanya. Panandaliang tumigil siyang tumingin sa babae at inunat niya ang kanyang kamay sabay hinaplos-haplos ang ulo ni Ye Wan Wan. Biglang nanliit ang kanyang mga mata at tumingin sa puting tigre, "Si Lu Te."

Narinig ng puting tigre ang pag-utos ng kanyang master at nagalit ang halimaw na masama din ang tingin, sabay umungol ng tahimik. Tinitigan ng puting tigre si Ye Wan Wan na para bang gusto niyang lamutakin ang katawan niya ng mabilis.

Parehas na ang amo at ang tigre ay nakipagtitigan ng matagal sa isat-isa. Lumipas ang ilang minuto, natalo ang puting tigre at nagdadagundong na umalis sa ilalim ng titig ng kanyang master.

Hindi masisisi si Ye Wan Wan dahil takot na takot siya kay Si Ye Han, dahil kahit nga ang puting tigre ay napapaamo ni Si Ye Han.

Pero ngayon lang natutunan ni Ye Wan Wan na minsan ang puso ng isang tao ay mas nakakatakot pa kaysa sa puso ng isang halimaw.

Pagka-alis ng puting tigre, tumingin si Si Ye Han kay Xu Yi, "Umalis ka at parusahan mo ang sarili mo."

Natuliglig ang isip ni Xu Yi at mabilis na sumagot, "Opo!"

Alam niya sa sarili niya na ito ang mas maayos na kakalabasan sa nangyari.

Niligtas ni Ye Wan Wan ang lahat dahil sa "Nagugutom ka ba?" na tanong niya at niligtas niya din ang sarili niya sa mula sa pangyayaring iyon.

Siguro dahil sa sobrang takot ni Ye Wan Wan, kaya naging abnormal ang reaksyon niya. Kung hindi, bakit naman biglang lumaki ang pagbabago sa pagkatao niya ng ganoon na lang?

Bab berikutnya