Chapter 1420: Nililigawan Siya
"Ah, oo nga pala…" Lumapit ang lalaki. "Iha, 'wag mong kalimutan yung promise mo… Gusto ko na mamayang gabi…"
Nagulat si Ning Xi.
Bwisit ka!
Cookies lang naman, pero bakit mo sinabi nang ganun!
Umalis ang lalaki, pero bago siya makaalis, sumulyap siya kay Ke Mingyu.
Pagkaalis ni Yun Shen, agad ipinaliwanag ni Ning Xi sa demonyo, "Dear, 'wag kang makinig sa kanya! Nanghingi ako ng tulong kay Annie at napilitan akong pumayag sa deal niya. Gusto ng gagong yun na gumawa ako ng 9,999 handmade cookies para sa kanya! Pinangako ko noon kasi nag-aalala ako masyado kay Sis Tianxin…"
Siya ang pinakakinakatakutan niya, pero hindi niya inasahan na ganito siya kabilis magpapakita. Kakatapos pa lang nilang magkita at muntak na siyang mamatay sa gulat!
Sumakit ang ulo ni Ning Xi. "Mahilig siyang mang-asar ng mga tao. 'Wag kang maniwala sa kanya. Maniwala ka na lang sakin, okay?"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com