Chapter 1399: Hindi Natin Alam Kung Saan Manggagaling Ang Pag-ibig
"Naalala ko nung una ko siyang nakita sa bus. Meron ako noon, at pinupulikat yung tiyan ko. Nakatayo ako at nakaupo siya sa tapat ko, may kulay yung buhok niya at kakaiba yung damit niya, pero tumayo siya at binigay sakin yung upuan niya."
Tiningnan ni Qin Mufeng yung babae habang inaalala nito ang nakaraan. Biglang may naalala siyang kasabihan, "Pag-ibig; hindi natin alam kung saan ito manggagaling, pero pag nahulog ka, malalim."
Bwisit! Bulag ba si Mo Lingtian?
...
Pagkatapos makipag-usap ni Qin Mufeng kay Ning Tianxin, hinila ito ni Ning Xi sa kusina. "Qin Mufeng, sabihin mo ng diretso. Kamusta si Sis Tianxin?"
Tiningnan siya ni Qin Mufeng. "Boss, ilang beses ko na sinabi. 'Wag ka mag-alala. Mukhang mahina si Tianxin mula sa labas, pero matapang siya. At kalmado siya! Hindi siya made-depress o magpapakamatay!"
"Sigurado ka?"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com