Chapter 1371: Lu Tingxiao, Ang Liwanag Niya
"Ate, sobrang...galing mo! Saan mo natutunan ang lahat ng iyon?! Oh, oh, oh, muntik ko nang makalimutan na sa isa sa mga interviews mo, sinabi mo na naging stunt double ka sa ibang bansa. Akala ko walang lang iyon! Hindi ko naman alam na ganito kaastig! Ate, turuan mo ako kapag may oras ka para wala nang manggugulo pa sa'min!" Sabik na sabik si Tang Nuo, para siyang tagahanga ng isang superstar. Napagaan nito ang mabigat na puso ni Ning Xi.
Ginulo ni Ning Xi ang buhok ni Tang Nuo at sinabi, "Sige, kapag may pagkakataon."
Nang mapansin niyang kakaiba ang pakiramdam sa bahay, biglang naalala ni Tang Nuo ang kanyang mga magulang. "Itay, inay...magsalita kayo! Nakauwi na si ate!"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com