Chapter 1321: Ang Pinakatangang Bagay
Hinila patalikod ni Zhuang Lingyu si Ning Xueluo. "Xueluo, wala na tayong pwedeng sabihin sa kanya. Magiging masaya lang siya kapag patay na tayong lahat!"
Umalis ang matanda at si Ning Yaobang. Tanging sila at si Ning Qiutong ang naiwan sa silid.
Hindi na matiis pa ni Zhuang Lingyu. "Galit pa rin siya sa atin dahil sa nangyari noon! Hindi lang siya nabuntis at nagsinungaling na si Su Yan ang ama, sa huli, pinalaya niya si Su Yan at pinili niya si Xueluo!
"Pinadala namin siya sa ibang bansa para hindi na siya maging kahihiyan sa pamilya! Hindi namin inanunsyo ang pagkatao niya dahil baka may makaalam tungkol sa nakaraan niya!
"Hindi na nga namin sinabi ito sa mga nakakatanda kaya pabor talaga ang ginawa namin sa kanya! Deserve niya ang nangyari sa kanya! Anong karapatan niya na kasuklaman kami?"
"Lingyu, manahimik ka!" Mukhang balisa si Ning Yaohua.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com