Chapter 1295: Ang Astig Mo
Hindi na nanatili doon si Lu Tingxiao dahil malapit na ang meeting niya, at ayaw rin niyang abalahin ang asawa niya, kaya umalis na siya sa gitna ng audition.
Naisip rin ni Lu Jingli na hindi rin naman niya pwedeng tanungin si Xiao Xi Xi noon, kaya umalis na rin siya.
"Bro, 'di mo gustong makita na nakasuot ng female outfit si Xiao Xi Xi?" Sinundan siya ni Lu Jingli at tinanong niya ito.
Tiningnan siya ni Lu Tingxiao mula sa gilid ng mga mata niya. "Tingin mo ba 'di ko pa nakikita yun?"
Tumango si Lu Jingli na parang manok na tumutuka ng mga butil ng bigas, at sinabi, "Oh, oonga! Nakita mo si Xiao Xi Xi in every shape and form. Pwede mo siya makita sa damit na kahit anong gusto mo, 'di tulad ng mga walang muwang na mga lalaking yun!"
...
Sa loob ng changing room, dinala ni Ye Ying ang damit na hinanda para kay Ning Xi, at nakahanda na rin ang makeup set.
"Bro Xi, kailangan mo ba ng makeup artist?"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com