Chapter 1085: Tapusin Siya Ano Mang Oras
"Silang dalawa ay ang iyong Senior Brothers? Wa naman sila," ang kutya ng lalaki, tumatawa ng namamaos at nakakatakot na paraan.
"Sino ka ba?" Ang tanong ni Ning Xi sa lalaki habang alerto ang kanyang pagkatao.
"Ang pangalan ko ay Han Xiao, ikaw sino ka?" ang ngiti ni Han Xiao sa kanya.
"Ako naman si Ning Xi."
Hindi naman siya mukhang masamang tao, kaya kumalma si Ning Xi. Ang rason kung bakit takot siya kay Han Xiao ay dahil kilala niya si Tang Ye at Tang Lang na may mataas na pamantayan, ngunit natalo pa rin niya ang mga ito. Mahirap itong paniwalaan para sa kanya.
"Iha, niligtas mo ako, ako na ang bahala sa pagkain natin." Napansin niya na ang mga mata ni Han Xiao ay minsan maliwanag, ngunit minsan ay puno namang ng pgkademonyo. Ang isang tingin niya ay nakapagbibigay ng lamig pababa ng gulugod ng kung sino.
"Okay lang, masyado akong abala," tinanggihan ni Ning Xi ang alok ni Han Xiao.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com