Chapter 1005: Inagaw Niya Ang Babae Ko!
"Kaibigan ko siya. Anong problema?" Nalilito si Zhuang Keer dahil pakiramdam niya ay kakaiba ang kinikilos ni Zhuang Rongguang.
Mas lalong tumindi ang galit ni Zhuang Rongguang sa sagot niya. "Kaibigan?! Ate, 'wag kang papaloko sa kanya, gago siya! Siya ang bumugbog sa'kin kagabi at inagaw pa ang babae ko! Tignan mo ang mukha ko! Kasalanan niya ito lahat!"
"Anong sinabi mo?! Paano naman mangyayari iyon?!" Nagbago ang ekspresyon ni Zhuang Keer.
Tumitig si Zhuang Rongguang kay Ning Xi habang nanggigil. Nagreklamo siya, "Totoo! Ate, naghahanap ng gulo ang lalaking iyan! Hindi niya lang inagaw ang babae ko, pati ikaw gusto niya ngayon. Nakatambay lang ako kasama ang gang ko kagabi tapos…"
Napahawak si Zhuang Keer sa kamay ni Ning Xi. "Bro Xi, nakipaglaban ka ba talaga sa kanila? Okay ka lang ba?"
Tinapik ni Ning Xi ang kamay ng babae. "Okay lang, wala naman silang nagawa sa'kin."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com