Chapter 703: Siyempre, Pwede
Sumimangot si Ning Xi. "Wala talagang binanggit sa'min ang anak namin."
Bumuntong hininga ang teacher, "Baka pakiramdam ng anak niyo ay magiging abala ito sa inyo kaya sinadya niyang hindi sabihin...Gusto ko nga sana kayong tawagan kahapon pa, pero mautak ang anak niyo. Sinabi niya sa'kin na 'wag kayong tawagan dahil maiistorbo kayong dalawa…
"Hay, kahit gaano pa ka-busy ang isang tao, naisip ko na pwede naman sigurong makapaglaan kayo ng isang hapon, hindi po ba? Pinagisipan ko ho talaga bago tumawag sa inyo. Umaasa po akong pag-iisipan niyo ito. Isa pa, ito ang unang parental activity ni Lu Qingyu sa paaralan namin!"
Naluluha si Ning Xi habang nakikinig sa sinasabi ng guro.
Pero iba ang naramdaman ni Lu Tingxiao sa mga sinabi ng gruo, salungat sa nararamdaman ni Ning Xi...
Totoong busy si Ning Xi noong mga nakaraang araw pero naalala niya na hindi naman siya busy noong panahong ito.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com