Chapter 540: Public Kiss
Kahit pinipilit ni Zhuang Keer ang sarili na magmove on, hindi nakikinig ang kanyang mga mata at puso. Ang atensyon niya ay bumabalik pa rin kay Ning Xi at Small Qiao.
Tumitindi ang tensyon. Pipiliin ba talaga ng lalaki si Small Qiao?
Paano mangyayari iyon?!
Siya naman ang naunang magkaroon ng contact sa lalaki!
Hindi na kaya ni Zhuang Keer na panoorin ito. Namumuo na ang galit niya at hindi niya na gustong umupo lang at maghintay na parang tanga...
Lahat ng mga mata ay nakatingin kay Ning Xi.
Hindi inasahan ni Ning Xi ang tanong ni Small Qiao kaya naging awkward ang sitwasyon.
Bukod sa pagseselos ng demonyo, kahit wala ang demonyo, rasyonal pa rin magisip si Ning Xi.
Kung lokohan lang ito tulad ng paghalik kay Small Qiao, walang rekamo si Ning Xi.
Pero, kung ang tanong ay seryoso tulad ng pagkakaroon ng girlfriend, kahit biruan lang, hindi niya kayang gawin iyon.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com