Chapter 434: It's My Pleasure To Serve You
Nagreklamo na rin ang ibang mga artista, "Bakit 'di mo bantayan 'yang mga workers niyo? Ang baba naman ng standards nila?"
"'Di niyo naman siya masisisi, mukhang matanda na at ilang taon nang nagtatrabaho dito pero empleyado pa rin!"
"Siguradong malabo ang mata niyan. 'Di maganda ang pag-aasikaso niya. Bakit niyo pa ba pinapagstay 'yan?"
…
Namula ang mabintog na mukha ng may-ari ng shop sa naririnig na usapan at pinilit niyang ngumiti, "Ah, mga magagandang dilag, kalimutan na natin sila dun. 'Di naman nila tayo naaapektuhan. Tingin lang po kayo sa paligid, 'wag niyong paapektuhan ang mood ninyo…"
Sa kabilang banda, napansin ni Ning Xi na professional nga ang pakikitungo ng empleyado, kaya 'di na niya inisip na lumipat ng shop. Nagpaliwanag siya dito, "Malapit na kasi 'yung 70th birthday ng lolo ko, iniisip kong bigyan siya ng cracelet na gawa sa jade beads."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com