Chapter 223: Hindi Mapag-iba ang Aso sa Tao
Bigo si Jiang Muye sa round na ito.
Kung tututusin, siya ang nagsimula ng gulo, ngunit nabihag sya ng sarili niyang patibong, at hindi na makahakbang pang muli…
Ang kalaban ay mabangis!
Hindi makapaniwala si Ning Xi. "Hindi ko inaasahan na ang taong kagaya ni Sister Zhizhi ay bulag din kung minsan!"
Sisnindak siya ni Jiang Muye: "Ingat sa pananalita! Anong bulag? Ikaw ang bulag! Gusto mo nga ang isang basura na tulad ni Su Yan!"
Bumuntong-hininga si Ning Zi. "Ay, isisis mo sa atin ang pagiging bata at walang muwang, hindi natin mapag-iba ang aso sa tao!"
"Ikaw…" Hindi na makapagpatuloy si Jiang Muye dahil sa galit, pagkatapos ay sumabog na din. "Ngayon alam mo na kung gaano kasama at puro pakana si Lu Tingxiao? Gumawa sya ng mga pakana para mapigilan ako!"
Matapos sabihin iyon, naisip niyang manghihinayang si Ning Xi, ngunit, lalo pa niya itong hinangaan –
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com