webnovel

Could He Be An Ex?

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 212: Ex kaya siya?

Nang marinig ni Lu Tingxiao ang mga salita, ni hindi siya kumurap, at mahigpit na sumagot nang dalawang salita lamang mula sa manipis niyang mga labi. "Sirain mo."

Pakiramdam ni Lu Jingli ay nabuhusan siya ng malamig na tubig. "Ano? Tinutulungan ka na ng Diyos! 'Di ka pa makikinig dito?"

Lalong nagmukhang masungit si Lu Tingxiao. "Kailangan ko pa bang ulitin?"

Nang mapansing galit na nga ang kapatid niya, mabilis na tumango si Lu Jingli na pang manok na tumutuka ng palay. "Okay, okay, okay…sisiraain ko…sisirain ko…"

Ay, 'di na niya alam kung anong sasabihin tungkol sa kapatid niya. Bukod sa kapag kaharap niya si Ning Xi, masyado siyang may prinsipyo at hindi mabaluktot sa ibang oras!

Kahit ganun, iba si Lu Jingli. Umoo siya pero sa puso niya alam niyang 'di niya sisirain ang recording.

Tsk, okay lang namang pasikretong itago.

Magagamit niya 'to sa ibang araw!

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya