webnovel

Kiss In The Moonlight

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 67: Halik sa Ilalim ng Liwanag ng Buwan

Sa Lu residence.

Pagkabalik sa kanyang kwarto, nagbihis kaagad ng pantulog si Ning Xi at kumaripas ng takbo para hanapin ang munting siopao.

"Little Treasure, medyo natatakot si tita sa dilim ngayon eh, pwede ba 'kong makitulog dito?"

Syempre masaya si Little Treasure at walang alinlangang binigyan ng malaking espasyo sa kama si Ning Xi.

"Thank you darling~ good night darling~"

'Lucky charm ko, naniniwala akong ikaw ang makakapagpanatiling ligtas sakin ngayong gabi…'

Sobrang exciting ng mga nangyari ngayong araw, ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya.

Nakukutuban ni Ning Xi na pagkatapos ng araw na 'to, napaka-nipis na lang nung malabong pader na namamagitan sa kanila ni Lu Tingxiao at isang kalabit na lang masisira na 'yun…

Kapag nasira 'yun, 'di niya talaga alam ang gagawin…

Mabuti na lang at mabuting pampatulog si Little Treasure sa tabi niya; mga kalahating oras lang siyang nag-muni muni bago dahan-dahang nakatulog…

May munting siopao na kasama si Ning Xi para makatulog nanag mahimbing pero may isang taong 'di makatulog; sa gitna ng gabi, puno ng makapal na usok ang study room.

Heh, kaya naman pala 'di malaman-laman ni Cheng Feng kung sino 'yung dalawang taong nagpadala ng regalo kay Ning Xi noong araw na 'yun sa set, kahit matapos ang ilang araw ng imbestigasyon. Isa naman pala kasing "hidden traitor"'yung isa.

Evil Fairy King…

Ngayon lang naalala ni Lu Tingxiao; nagkaroon nga pala sila ng group chat at 'yun yung ginamit na weird nickname ni Jiang Muye. Hindi lang naisip ni Lu Tingxiao 'yung koneksyon.

Pero tungkol naman sa lalaking may initials na YS, wala pa siyang malaman…

Sa dilim, pinatay niya na ang yosi, tumayo, at lumabas.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng guestroom pero walang tao sa loob.

Tumaas ang isang kilay ni Lu Tingxiao at pumunta sa kabilang kwarto.

Gaya ng inaasahan, mahimbing na natutulog si Ning Xi habang hawak si Little Treasure.

Matalinong babae.

Pero akala ba talaga niya okay lang ang lahat nang ganito?

Lumakad papunta sa maliit na kama si Lu Tingxiao at marahang inalis ang kamay ni Little Treasure na nakakapit sa damit ni Ning Xi. Gamit ang isang stuffed toy para ipamalit, binuhat niya si Ning Xi at umalis.

Kumunot ang noo ni Little Treasure habang nananaginip, iniabot niya ang kamay at parang may hinahanap bago niyakap ang stuffed toy papalapit sa kanya.

Matapos dayain ang sariling anak, dinala ni Lu Tingxiao si Ning Xi sa master bedroom.

Marahan niya itong inihiga sa kama at naupo siya sa dulo. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae, tapos ang mga mata, at ang mga pisngi…

Para siyang isang mabangis na hayop na malapit nang kumain; matiyaga niyang ninanamnam ang oras bago kumain.

Sa wakas, napabuntong-hininga siya at tinakpan ang mga labi ni Ning Xi ng mga labi niya, tumulak pa siya nang mas malalim para magdikit ang mga dila nila. Kasing tamis nga siya tulad ng inaasahan ni Lu Tingxiao.

Sumunod namang hinalikan ang mga pisngi nya, tapos sa tenga, pababa sa leeg, bago siya tumigil sa may balikat…

Sa nakaraang 32 years, 'di siya kailanman na-in love, at 'di rin niya naisip na may halaga ang pagmamahal. Para sa kanya, walang kwenta ang pag-ibig; may mali ba kung mabuhay nang walang pagnanasa at pagmamahal?

'Di niya akalaing, lubos rin pala siyang lalamunin ng pagmamahal, at itong babaeng 'to na walong taong mas bata sa kanya pa pala ang makakapagpabago sa sarili niya bilang isang taong sobrang 'di pamilyar.

Para sa kanya, 'di na lang tungkol sa mga walang bahalang plano at data ang buhay pero banayad, may pag-asa, masigla, matamis, kumpleto…

Pero kasabay ng lahat, kasama rin nito ang mabilis na pag-init ng ulo, karahasan, pagiging padalos-dalos, at paghahangad…

Tuwing naaalala niya na nakita niya si Ning Xi sa bahay ni Jiang Muye kanina, gustong kumawala ng karahasan sa puso niya at 'di niya namamalayang mas matinding lakas ang ginagamit niya. Maya maya lang nalasahan niya ang dugo sa kanilang magkadikit na labi.

Napakunot ang noo ng babae sa ilalimniya at napahinto si Lu Tingxiao. Nakita niya kung pa'nong dinilaan ni Ning Xi ang mga labi bago bumalik sa pagkakahimbing. Wala talaga siyang puso…

Marahan ulit na hinaplos ni Lu Tingxiao ang mapulang mga labi ni Ning Xi gamit ang isang daliri, nabuhay nanaman ang pagnanasa sa mga mata niya. Bigla na lang niyang gustong kalimutan ang maaaring maging resulta at halikan pa si Ning Xi hanggang magising…

Bab berikutnya