webnovel

Dreaming Of Riding An Armored Horse to Cross A Frozen River

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 58: Dreaming Of Riding An Armored Horse to Cross A Frozen River

Habang napaliligiran ng masasayang ingay, sumandal si Ning Xi sa chaise lounge at uminom na parang nasaibang mundo siya.

Nilagpasan ng alak ang pulang mga labi ni Ning Xi at dumaan sa kanyang mahaba at eleganteng leeg, at mapangakit na dumulas sa kanyang collar…

Napakaganda ng eksena at lahat ng lalaki sa set ay nakatitig na parang natuliro.

Sadyang nag-zoom in ang camera man para sa close-up.

"The strong wind carries the rain over the rivers to the dark village, the downpour on the mountains around us is like waves raging hard…" habang binibigkas ng lasing na Ning Xi ang tula, tumayo siya nang 'di tuwid.

Sa sumunod na iglap, ibinato niya ang baso nang may kalansing at nagsimulang sumayaw nang may magulong mga hakbang. "The wood is burning and my felt is warm, my cute cat and I stay inside…"

Ang maliit niyang bewang ay parang isang willow branch na marahang lumiliko-liko hanggang sa abot ng makakaya bagong mabagsik na babalik ulit. Sumayaw ang magaang belo na parang kaisa ng hangin; ang mapang-akit niyang ngiti ay umagos na parang sutla.

"Lying stiffly in bed in a desolate village, I don't feel sad for myself, I still want to go to war and do my duty for my country…" kinuha niya ang isang pitsel mula sa mesa at inubos ng isang inuman.

Habang pwedeng tawaging sayaw ang ginawa niya, mas mukhang sayaw sa digmaan ang nakita sa mga kahuma-humaling na galaw ni Ning Xi. Mabilis siyang nagbago mula sa isang nakakahalinang diwa at naging isang heneral na pinamumunuan ang mga hukbo sa gyera, at talagang kahanga-hanga ang pagkakaiba.

Ang female general na Meng Changge ang tunay na pagkatao ni Princess De. Sa maraming henerasyon, ipinaglaban ng Meng Family ang bansa, pero sa huli, inexecute ang buong pamilya maliban sa kanya. At dahil do'n, pinasok niya ang palasyo, hindi lang para patayin ang kaaway pero para rin baligtarin ang mundo…

Sa 'di kalayuan, walang kamala-malay sa nagbabadyang panganib ang Emperor na inaakit ng magandang babae sa harap niya. Hawak lang niya ang baso habang nakatitig at matagal siyang 'di gumalaw.

Habang nakikita ang muling nabuhay na pagkahumaling at pagkabaliw sa mga mata ng Emperor, napuno ng inggit at galit ang mga bagong babae, mga prinsesa, at si Princess Xian.

"Lying down in the depths of the night and listening to the wind and the rain, I dream of riding an armored horse to cross a frozen river…I dream of riding an armored horse to cross a frozen river…I dream of riding an armored horse to cross a frozen river…"

Binigkas ni Ning Xi ang huling linya nang tatlong beses, isang malabo, isang malungkot, at sa huling beses na matatag at walang halong takot.

Pagkatapos nun, mapanghalina siya sumandal sa yakap ng Emperor at inakit ito; determinado siyang ituloy ang paghihiganti niya…

Nang matapos ang eksena, halos malimutan ng director na sumigaw ng "Cut!"

"Cut! Fantastic!" Si Guo Qisheng ang nauna sa pagpalakpak. "Ning Xi danced well at napaka-professional. Ang pinakamahirap ay sabihin 'yung gusto kong mangyari, lahat ng expression niyo very good. Old Feng, 'di ko na kailangang banggitin pa, at kakaiba ngayon si Qingqing, on point ang expression mo!"

Kasing itim ng ilalim ng kawali ang mukha ni Jia Qingqing. Totoo ang inggit at galit sa mukha niya, natural magiging on point.

Si Feng Yibo ang gumanap na Emperor, isang veteran actor na palagi nang gumaganap na emperor at marami nang nakatrabahong magagandang dalaga. 'Di niya maiwasang matawa at sabihing, "Director Guo, 'di acting 'yun, natameme talaga ako!"

"Sabi ko naman sa inyo, very capable si Junior Sister!" sa tabi nila, nakisali sa pagpuri si Ning Xueluo pero ang totoo ay nagngangalit na ang mga ngipin niya sa galit.

Nang matapos ang lahat, hinila ni Ning Xueluo ang assistant niya para tanungin.

"Anong nangyayari? hapon na wala pa ring reaction!"

Natakot ang assistant. "Ako mismo'ng naglagay, sa blush, sa eyeshadow, sa highlight powder, naglagay ako ng kaunti sa lahat! Baka late lang 'yung reaction?"

Tinitigan lang siya ni Ning Xueluo. "Imposible, kapag hinawakan niya ang kahit alin dun, dapat may lalabas nang red dots sa balat niya after half an hour!" nagawa na niya 'to dati paara ipahiya si Ning Xi sa birthday dinner niya.

"Ang explanation lang dito, 'di niya ginamit 'yung kahit alin dun…" mahinang sagot ng assistant.

"Wala kang kwenta! Bakit wala kang backup plan, sana naglagay ka sa damit niya?"

"'Di ko naman inexpect. 'Wag na kayong magalit, Sister Xueluo, 'di na ako magkakamali next time!"

Pinigil ni Ning Xueluo ang galit niya. Miscalculation lang ngayon. Marami pang pagkakataon sa susunod. Pwede ring wala na siyang gawin, kanina, yung tingin ni Jia Qingqing kay Ning Xi, parang galit na kaya siyang lamunin nang buo.

'Ha, Ning Xi, tingin mo makakabuti sa'yo 'tong role na 'to?'

'Iaangat kita lalo para mas malakas ang bagsak mo!'

Bab berikutnya