Chapter 54: Sister-in-law
Kinabukasan.
Pagkaalis ni Ning Xi, tinawagan ng 'di mapakaling Lu Tingxiao si Lu Jingli.
"Magpadala ka ng tao sa set."
"Bro nag-aalala ka bang may nambubully kay sister-in-law? 'Yan talaga ang pinagdadadaanan ng mga gustong sumikat, magiging mas matatag siya! Kapag 'di niya 'yan nalagpasan mag-isa, 'di siya matutulong tumayo sa sariling paa niya!" ginamit ni Lu Jingli ang parehong tono na ginagamit ni Lu Tingxiao kapag nagbibigay ng lecture.
Lu Tingxiao: "'Di niya kailangan ng mga 'yun."– ibig sabihin, siya ang poprotekta kay Ning Xi.
Lu Jingli: "…" Hehe.
Hindi masaya ang puso ni Lu Jingli sa pagiging biased ng kapatid niya.
"Last year ni walang isang salita mo 'kong ibinato sa gulo ng Glory World at wala kang hinayaang tumulong sa'kin."
"Okay, okay, magpapadala ako ng tao sa set para siguraduhing walang ni isang hibla ng buhok ni Ning Xi ang masasaktan!"
"Pwede kang mag-leave ng isang linggo next month," biglang sabi ni Lu Tingxiao.
"Huh…kuya, anong sabi mo?"'di makapaniwala si Lu Jingli sa narinig niya.
"Hahayaan mo akong mag-pahinga, at isang linggo? Tatlong taon mo na akong 'di pinayagan mag-leave!"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto, gusto, gusto! Syempre gusto ko! Pero…bakit biglang ang bait mo sa'kin?"'Di maintindihan ni Lu Jingli kaya inalala niya ang pag-uusap nila kanina.
Sa wakas, na-realiize niya: dahil sa isang salita – Sister-in-law.
Dahil lang tinawag niyang sister-in-law si Ning Xi?
Parehong tuwa at saya ang naramdaman niya sa break na 'to.
"Eldest Young Master, nandito na po si Dr. Qin," wika ng isang kasambahay mula sa labas ng study.
Isang payat na lalaking nakasuot ng simpleng suit ang nakatayo sa tabi ng kasambahay; may marahang ekspresyon sa mukha niya at magiliw na mga ngiti, mukha siyang kaaya-ayang tao.
Ibinaba ni Lu Tingxiao ang telepono at hinarap ang bisita. "Andito ka na pala, have a seat."
Ibinaba ni Qin Mufeng ang bag niya at naupo sa sofa. "Ano'ng problema? Masama ba'ng pakiramdam ni Little Treasure?"
"You can see for yourself, nasa kusina siya," sagot ni Lu Tingxiao.
"Kusina?" napataas ang kilay ni Qin Mufeng at tumungo sa kusina.
Maya-maya, nakangiting bumalik si Qin Mufeng. "Kailan pa naging hobby ni Little Treasure ang paggawa ng juice? Also, mukhang masaya siya! Did something happen?"
"Something did happen recently. A few days ago, masyado akong busy para bantayan si Little Treasure, tapos dinala siya ni Lu Jingli sa bar nang hindi ko alam…"
At kinwento ni Lu Tingxiao sa doktor ang nangyari.
Nagbago ang mukha ni Qin Mufeng habang nakikinig kay Lu Tingxiao, sa huli, masaya niyang sinabing, "May magandang nangyari mula sa isang masamang sitwasyon para kay Little Treasure! Nabanggit ko naman dati, masyado siyang uninterested sa lahat ng bagay; makakabuti sa recovery niya 'yung magkaroon siya ng interest na makakapag-motivate sa kanya. Lalo pa, isang living person! 'Di niyo ba pinag-stay 'yung babae para maging nanny or tutor ni Little Treasure?"
Lu Tingxiao: "Hindi, kasi siya ang future mother ni Little Treasure."
"Ahem ahem ahem…" nagulat si Qin Mufeng habang nakatingin sa blangkong mukha ni Lu Tingxiao. "Ano'ng sabi mo? Ginagawa mo ba 'to para kay Little Treasure o para sa sarili mo…"
Bahagyang nalusaw ang nagyeyelong ekspresyon sa mukha ni Lu Tingxiao. Dumungaw siya sa bintana at sinabing, "Dr. Qin, tingin ko tama ang previous conclusions mo."
"Na… nahulog na ang loob mo sa babaeng 'to?" na-excite si Qin Mufeng.
"Sabi ko na nga ba! Pa'no ka magiging asexual! Tell me more, kapag nakikita mo siya, bumibilis ba ang tibook ng puso mo at kumukulo ang dugo mo? Gusto mo bang palaging mapalapit sa kanya at mag make love?"
Pinag-isipan ni Lu Tingxiao saglit at nagsalita, "Parang ganu'n na nga!"