webnovel

Opening Ceremony

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 30: Opening Ceremony

Sa opening ceremony ng <The World>.

Lahat ng cast at crew ay nakarating na; nagsisi-flash ang mga camera at dinumog ng mga paparazzi ang event, may malaking grupo pa ng mga fans sa tabi.

Karamihan ng mga fans ay nakapalibot kina Ning Xueluo na female lead actress at kay Zhao Sizhou na male lead actor.

Ang isa ay natatanging leading lady ng Starlight at ang isa naman ay isang Academy Award winner. Isa itong good-looking pair at inaasahan talagang makakatawag ng pansin ng marami.

"Xueluo, alam naman ng lahat na pangalawang beses niyo nang magtatambal ni Sizhou bilang on-screen couple. Sa tingin mo ba pwede kang ma-fall sa kanya sa totoong buhay?"

"Haha, napakagwapo ni Sizhou, pero imposible 'yan dahil wala nang lugar sa puso ko para sa kanya!"

Lahat ng reporters ay nagkagulo sa sagot niya.

Noong nakaraang taon, inanunsyo ni Ning Xueluo sa publiko na mayroon siyang boyfriend at lahat ay pilit na kumalap ng impormasyon tungkol dito. Sa huli, nalaman nila na ang kasintahan ay ang anak ni Su Hongguang, CEO ng Yifeng Corporation. Mayroon siyang status, pera, at kagwapuhan. Perpekto na nga kung tutuusin at 'di maiwasan ng lahat na mainggit.

Nalungkot ang fans ng love team pero sa panahon ngayon 'di na sobrang nadidismaya ang mga fans kapag may dine-date o napapangasawa ang mga idolo nila. Karamihan ngayon hinihiling din naman na makahanap ng mabuting partner ang mga idol nila.

'Di naapektuhan nang masama ang kasikatan ni Ning Xueluo sa pagbubunyag niya sa relationship status niya; sa halip, nanatili pa siyang sikat dahil sa mga topic tulad ng "Handsome Rich Boyfriend" at "A Winner at Life".

Sa tabi niya, alam rin ni Zhao Sizhou kung paano sasagot. Kumapit ito sa dibdib at umarte na masakit ang puso. "Miss Shangguang, talaga namang malupit ka. Ibinigay na ng prinsipeng 'to ang puso niya sa'yo!"

Para kasi sa pelikula, si Ning Xueluo ay gaganap bilang ang bidang babae na si Shangguang Yingrong habang si Zhao Sizhou naman ang gaganap bilang ang prinsipe.

Humalakhak ang mga reporter at inasar si Zhao Sizhou. Napakasigla ng paligid.

Pagkatapos ng leading actor at actress, ang sumunod na inabangan ng lahat ay ang gaganap bilang supporting female lead. May ilang taong nakapalibot kay Guo Qisheng.

"Director Guo, bakit 'di pa namin nakikita ang aktres na gaganap bilang si Meng Changge? Darating ba siya ngayon?"

"Oo naman."

"Ayon sa chismis, 'di successful ang audition ni Jia Qingqing dahil daw sa tingin niyo ay 'di sapat ang ganda niya, totoo ba 'yun?"

Halata namang gusto lang nilang bumuo ng issue sa pagtatanong nu'n.

Pero 'di na bago ang larong ito para kay Director Guo at swabe niya itong nasagot. "Totoo namang high requirement ang physical beauty para sa role ni Meng Changge, pero it's definitely not the only standard we were looking at. Hindi ang ganda ni Jia Qingqing ang issue, unfortunately, 'di lang namin nakita 'yung aura na hinahanap namin."

"Balita ko baguhan ang aktres para sa role ni Meng Changge, tama ba? Mataas ang standards niyo para sa role ni Meng Changge, kaya ba ng baguhang 'to na ma-meet ang lahat ng expectations niyo?"

Ano ba ang nangyayari ngayon? Kulang ba ang mga red packet? Lahat ng tanong ng mga reporter ay pointed at naka-target sa second female lead.

"This question can wait until the movie is out, kaya please abangan sana ng lahat!"

Pero ayaw palagpasin ng mga reporter ang issue at agresibo pa ring nagtanong, "Director Guo, mas maganda ba kay Jia Qingqing ang gaganap na Meng Changge?"

Kailan ba matatapos?

Oo! 'Di hamak na mas maganda kaysa kay Jia Qingqing!

Ano ngayon 'kung bihira ang ganda ni Jia Qingqing at halos tuwing isang siglo lang kung makita, kapag nasilayan niyo si Ning Xi, tignan natin kung mababanggit niyo pa si Jia Qingqing ulit!

"Well, everyone is unique, sa kanya kanyang paraan… hintayin niyo na lang 'pag dumating siya para malaman niyo…"

Nauubos na ang pasensiya ni Director Guo sa mga pagtatanong nang may nakita siya sa simula ng red carpet. Natulala siya ng nasa tatlong segundo bago nawala sa kanyang reverie at tumawa. "Speaking of the devil!"

Bab berikutnya